"Sabihin niyo nga, may problema ba kayong dalawa?" tanong ni Bianca sa amin ni Eros habang naniningkit ang kanyang mga mata. Nasamid naman ako sa iniinom kong tubig dahil dito. Nandito kami sa sala ngayon. Magkatabi kami habang si Eros naman ay nakatayo at nakasandal sa pader.
Naguusap kaming tatlo para sa nalalapit na farewell party ni Bianca. Gaganapin na ito dalawang araw mula ngayon dahil sa biglaan lamang at after this week na ang alis niya papuntang Canada. Si Emily at Hendrix daw ang may gusto at may mga imbitado lamang siyang piling kaibigan at kakilala para rito.
Pinili niyang dito sa bakuran nila ganapin 'yung party at magpapa-cater na lang pero pinaguusapan pa namin ang set-up namin for that big day lalo na at ipapakita ko na ang sarili ko sa lahat bilang Psyche at hindi bilang si Ever Rose See.
"So? Pareho na kayong napipe?" inis na tanong ni Bianca dahil wala palang sumagot sa amin ni Eros sa tanong niya. Binalingan niya kami pareho ng matalim na tingin. Hindi kasi kami nagpapansinan ni Eros...
Mali pala, hindi ko siya pinapansin at hindi ko alam kung nahihiya lang siyang maunang mamansin. We haven't spoken a word since that night.
Pagkatapos ng nangyari sa amin sa kwarto niya... 'Yung pagyakap niya sa akin ng mahigpit sa pagaakalang ako ang ex niya... Ganito na ang naging turingan namin. Naging aware din kasi agad siya ng pagkakataon na 'yon na nanaginip lamang siya kaya nga tanda ko pa ang ilang ulit niyang paghingi ng tawad sa akin.
Hindi ako nakasagot...
Wala naman siyang maling ginawa eh. For me, it was just an honest mistake and that hurts. Hindi ko kasi siya masisisi at ngayon ay sarili ko ang hinahayaan kong magdusa.
Inayos ko ang buhok ko at bahagyang kinusot ang mga mata. Umagang-umaga kaya ayokong magdrama, "Don't mind us, so paano? Anong pakilala niyo sa akin?" I just asked them in general. Naging seryoso na kaming muli dahil alam naman nila na buhay ang nakataya sa pagkatao ko.
"We'll say you're a friend who came back from America. Ulila ka na at dito na makikitira sa amin simula ngayon," sabi ni Bianca na animo ang simple-simple lang ng mangyayari.
"Paano kung magtanong sila kung bakit sa inyo pa ako makikitira?" tanong ko naman at natahimik na kami para mag-isip.
***
"I heard what happened last night to you. Maayos ka na ba?" tanong sa akin ni Bianca habang tinutulungan niya ako sa pag-ayos ng damit ko. Nakasuot ako ng simpleng light pink chiffon off shoulder na long sleeve. Mini dress lang ang pinili ko dahil ayoko namang maging pansinin masyado. Hinayaan ko ring nakalugay ang buhok ko dahil sa maikli na naman ito. She also helped me apply light make-up.
It's great to have a sister like her I guess.
"Ano bang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. Napaisip ako kung 'yung aksidente ba o 'yung sa nangyari sa amin ng kapatid niya ang gusto niyang patungkulan.
"Of course 'yung thief! May iba bang nangyari? I-chika mo na kasi sa akin," panunuya sa akin ni Bianca bago kami makarinig ng pagkatok mula sa labas.
"Nandito na ang mga bisita mo Bianca," boses iyon ni Eros na agad nagpabilis ng kabog sa dibdib ko.
"Antayin ka na lang namin sa labas ah." sabi sa akin ni Bianca sabay kindat. "'Wag mong kalimutan magpaganda para kay Kuya!" habol pa nito sabay takbo palabas kaya natawa na lang ako.
Hindi ko alam kung ilang beses kong tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin para masigurado kong ayos na talaga ang itsura ko. Haharap din kasi ako sa unang pagkakataon sa maraming tao bilang Psyche Hernandez kaya hindi ito magiging madali.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...