Kabanata 52: A Day to Cherish

470 18 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng paguusap namin ni Tyrell. Bakit kaya siya mukhang takot? May ginawa ba siya para magalit ako at gustuhin kong mawala na siya sa buhay ko? Pero hihigit pa ba ito sa kagustuhan kong makasama siya?

I have no idea kung nakatulog ba ako o hindi pero narinig ko na lang ang pagtawag sa akin ni Tyrell mula sa labas ng kwarto. Nang imulat ko ang mga mata ko, tumatama na sa akin ang sikat ng araw mula sa bintana. Pangalawang araw na ng bakasyon ko dahil 'yung kahapon ay kasali na sa tatlong araw ko. Bale sa sumunod na araw bukas, umaga, ang alis ko pabalik sa Maynila para asikasuhin ang pagpasok ko sa kumpanya namin. Parang ang bilis pala ng oras...

"Balak mo pa bang bumangon o dyan ka na lang magdamag?" tanong ni Tyrell mula sa labas na halatang nangaasar kaya naman napangiti na lang ako. Naisip ko na dapat maging masaya lang ako sa araw na 'to kaysa mag-isip na naman ng sobra. Hindi ko dapat kalimutan na nandito ako para hindi magalala sa mga bagay-bagay at hindi para mamroblema na naman.

Tumayo na ako at agad binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko sa harap ko ang bagong hilamos na si Tyrell habang may bimpo pang nakapatong sa kanyang balikat.

Nang ngumiti siya sa akin, nakakatunaw talaga. Aba gusto kong sabihin na 'Anlandi mo po!' kahit na wala pa naman talaga siyang ginagawa. Natawa na lang ako sa kabaliwan ko.

"May tulong laway ka pa," pangiinis niya at inirapan ko siya kahit na hindi maitago ang ngiti ko. Napahawak naman ako sa magkabilang gilid ng labi ko dahil baka totoo nga. Isasarado ko na sana 'yung pinto para makapag-ayos ako bago magumagahan pero bigla niya na lang akong hinawakan sa magkabilang braso, tyaka hinila at niyakap.

"Goodmorning..." Oh God! Kung ganito ba naman kabango at kapogi ang babati sa akin tuwing umaga, gugustuhin ko nang gumising ng maaga palagi.

"Good..." Bumuntong-hininga muna ako, "...morning din."

He literally took my breath away.

Nang humiwalay siya sa akin ay pareho pa rin kaming nakangiti. Siguro nga talagang na-miss ko siya ng sobra. Halatang ganuon din siya kasi para na kaming mga sira.

"Mag... aayos lang muna ako. Susunod ako pagkatapos," sabi ko at tumango siya bago ko sinarado ang pinto. Sumandal ako sa pinto at parang nag-loading pa sa akin ang lahat. Napatakbo na lang ako sa kama at pinanggigilan ko ang mga unan para pigilan ko ang pagtili ko.

It was after we ate breakfast that we decided to leave our rest house. Nagsuot lang ako ng simpleng damit pero hindi namin kinalimutan pareho na magsuot ng jacket.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko naman nang makasakay na kami ng kotse. Sanay din kasi ako na planado ang lahat ng mga bakasyon kahit na sa totoo lang, mas natutuloy pa ang hindi planado.

"Kailangan ba may pupuntahan parati?" tanong niya habang nakahawak sa manibela, "Roadtrip tayo?" He looked at me as if his eyes were reaching for my heart.

"Sure, I'm all yours." I surrendered.

Ito ang nasabi ko bago niya pinaandar ang kotse. Dahil sa malamig naman dito sa Ifugao, imbes na buksan ang aircon ay bintana ang hinayaan naming nakababa. Nature is still the best remedy I guess. Pero mas nakatulong na kasama ko si Tyrell ngayon dahil kung wala siguro siya ay hindi ako ganito kasaya.

Being with him right now, gives me strength to conquer whatever struggles I'm about to encounter in the future. Napapikit ako habang nakaharap sa bintana at tumatama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Sobrang gaan sa pakiramdam and I wouldn't dare exchange this moment with anything else.

Hindi nagtagal ay napatingin ako kay Tyrell na nakangiti lang na parang baliw habang nagmamaneho. Hinawakan ko ang kamay niya at napangiti pa siya lalo. Ilang beses ko na yatang nakita na nakangiti siya but I still can't get enough of it. Iba kasi kapag siya ang nakikita mong sobrang saya lalo na dati ay sobrang seryoso niya.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon