Kabanata 13 : I'll be the Bait

752 28 13
                                    

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ng kahit na sino ang paghikbi ko. Hindi na rin ako naglakas ng loob sumilip dahil baka sumaktong nakatingin sila sa lugar ng pinagtataguan ko. I could feel myself getting tired of everything.

Kahit na nung nasa Amerika ako ay hindi na natigil lahat ng pagtatangka sa buhay ko. Akala ko aayos kapag nakauwi na ako sa Pilipinas but it seems like it worsened.

Don't trust? Sino? Alam ko may karugtong pa iyon pero sino ang sinasabi ni Daddy na hindi ko dapat pagkatiwalaan?

Hindi ko alam kung ilang minuto kong isiniksik ang sarili ko sa mga halaman habang nakapikit at tahimik na umiiyak. Tiniis ko ang pangangati at sakit ng paa ko dahil sa nakayapak lang akong umalis ng bahay. Hindi ko alam kung ilang bagay na ba ang naisip ko bilang katapusan ng istorya ng buhay ko.

Ano na kayang nangyari sa mga tao sa bahay? Lalo na kay Eros? Wala na rin ba silang lahat? Ako na lang ba mag-isa ngayon?

Wala na akong narinig pang kung anong ingay sa paligid kaya naman nagulat ako nang may biglang umakap sa akin mula sa likuran. "Mabuti at maayos ka." His voice gave me chills.

Kung hindi ako nanghihina ay maaring nakasigaw at palag ako pero mabuti na rin at hindi ko iyon ginawa dahil nang harapin ko ang taong nasa likod ko ay si Eros pala! Bumalik na naman ang suot niyang sumbrero at shades kaya nainis na ako. Hindi talaga niya balak ipakita sa akin ang itsura niya kahit sa sitwasyong ito?

Pero wala na akong pakielam. Kahit hindi ko siya pwedeng kilalanin ng lubos ay ayos lang basta ligtas siya. Iyon ang mas mahalaga ngayon. Siya na lang ang tingin kong mapagkakatiwalaan ko sa mga oras na 'to. Lalo na't palagay ko ay wala na ang mga magulang ko. Inakap ko siya at sa puntong ito ay mas mahigpit. Hindi sana ako titigil kung hindi ko narinig ang pag-aray niya.

"Sorry..." sabi ko at agad na lumayo. Sumandal kami sa mga halaman at naupo ng maayos sa lupa. May tama nga pala siya sa kanang braso niya at kitang-kita ko ang dugo mula rito kahit na itim pa ang kanyang suot. Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at agad na itinali iyon sa sugat niya upang kahit papaano'y mapatigil ang pagdugo. "Kailangan nating magpunta ng ospital." sabi ko pero umiling siya.

"Imposibleng hindi ka nila pinaghahanap sa mga ospital. O sa kahit na saan mang lugar dito. Ayos lang ako. Daplis lang 'to. Kailangan na nating makalayo." walang emosyong utos niya ngunit pilitin man niyang itago ay ramdam ko ang pangamba sa kanyang boses.

"Pero saan? May lugar pa ba kung saan hindi nila ako mahahanap? Mayroon pa ba?!" sobrang emosyonal na tanong ko sa kanya at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Pero saan? May lugar pa ba kung saan hindi nila ako mahahanap? Mayroon pa ba?!" sobrang emosyonal na tanong ko sa kanya at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at doon ko napansin na umiiyak na pala ako. Alam ko hindi ako ganito kahina pero siguro ay sobra na ang pagpipigil ko. "May masakit ba sa'yo?" 'yung boses niya, ramdam ko ang pagaalala. "Miss Rose..." But he still managed to remain professional.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon