Hindi hinayaan ng parents ko na may bumisita sa akin habang nasa ospital pa ako. Sobang takot ang nakita ko sa kanila na hindi ko inasahan. Hindi naman ako binawian ng buhay pero ayun at labi ang iyak ni Mommy at napasuntok pa si Daddy sa pader. Kung ibang tao ako ay iisipin kong namatayan na sila ng anak noon pero syempre ay imposible 'yon dahil nag-iisang anak nga lang ako.
Inilabas na rin nila ako sa ospital kaagad at sa bahay na ako nagpagaling. Si Mommy ang nagprisentang mag-alaga sa akin para bumalik ang dati kong lakas. Nagawa naman niya ito kaya ilang araw lang ang lumipas ay naging maayos na ako ng tuluyan. Nakakatuwa nga dahil hindi muna trabaho sa S.E.E ang inatupag ni Mommy kung hindi ako. Panay din ang kamusta ni Daddy sa akin. Hindi naman sila ganito noon kaya nakakataba ng puso ang pinapakita nilang pag-aalala sa akin.
"Take care okay? Kahit na matagal ng dormant ang asthma mo, our doctor said that it can definitely come back. Hayaan mo na ang daddy mo sa gusto niyang mangyari. Let Eros be your personal guard. If you really want to take a break, be with him." sabi ni Mommy. Nandito kami sa isang salon ngayon at nagpapa-facial It's a Mother-Daughter bonding kumbaga. Pero hindi hinayaan ni Daddy na umalis kami ng walang kasama kaya nandito na naman si Eros bilang bantay namin.
Be with him? Grabe naman iyon. Medyo nag-init ang pisngi ko dahil iba ang naisip ko sa sinabi nito.
"Pero Mommy, 'ni hindi ko nga makita 'yung buong mukha niya e. How can I trust him?"
"You can. We know him." She assured me. Iniwasan ko ang pagkunot ng noo ko.
"Pero I don't know him. Hindi ko ba pwedeng makita ko muna ang buong mukha niya?"
"Hindi pwede. It's a rule given to him by your father. Gusto niyang ilayo nito ang personal na buhay sa trabaho kaya niya inutos. All he'll ever do in our family is to protect us. No more, no less. Mahalaga pa ba ang mukha?"
Hindi na ako nakipagtalo pa sa Mommy ko. That's so lame. Ano ngayon kung makita ko ang buong mukha niya hindi ba? Okay lang naman 'yon. Hindi naman ibig sabihin na ipapapatay ko ang buong pamilya niya. Gusto ko lang naman makita.
At kung tutuusin, sa mga mata mo makikita ang lahat. Bakit kailangang iyon pa ang takpan kung gusto talaga nilang itago ang identity nito? Bakit hindi siya pagsuotin ng maskara hindi ba?
Teka... hindi kaya gusto lang nilang itago ang emosyon nito? Kasi sa mga mata raw natin makikita iyon. Ito rin ang dahilan kung bakit hirap akong mabasa siya dahil hindi ko makita ang mga mata niya.
"Anong mangyayari kapag nakita ko ang buong mukha niya?"
"It's up to your Daddy." Hindi ko alam pero may diin ang naging sagot ni Mommy sa tanong kong iyon.
Naagaw ang atensyon ko dahil kay Eros na napilitang magpa-foot spa dahil kay Mommy. Kahit na kahiga ay pinilit ko siyang tingnan mula sa gilid ng mga mata ko. Humanga ako sa mga paa niya na para bang pangbabae sa ganda at puti. Ang kinis talaga ng isang 'to at dinaig pa ang ibang babaeng kilala ko.
Nanginginig siya sa kinauupuan niya habang nakatingin sa direksyon namin. Ano kayang nangyayari sa kanya?
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Para siyang kiti-kiti kahit na pinipilit niyang maupo ng tuwid.
"A-Ayos lang ako." sabi ni Eros na parang hindi naman totoo.
"It doesn't look like it pero palagay ko nakikiliti siya. Pinipigilan lang niya." Natatawang sinabi ni Mommy at hindi ko na rin napigilan ang pagtawa ko kaya lumukot na 'yung facial mask na nilagay sa mukha naming. Ayun tuloy at tumayo na si Eros. Kitang-kita ang pamumula ng mga tenga niya na palagay ko dahil sa nahihiya siya.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...