Kabanata 24: The Rise of the Dead

591 20 6
                                    

I woke up earlier than my alarm. It's just 4 am.

Pagdilat ko, hinanap ko agad si Eros at una ko siyang nakita na natutulog sa harap ng pintuan ng kwarto ko. I felt this superiority towards him. Hindi 'yung amo sa tauhan kung hindi isang babae na minamahal ng isang lalaki. Pero ako lang naman nakakaramdam noon. Tama ba?

Tumayo ako para lapitan siya. Dahan-dahan lang upang hindi ko siya magising. Hinawakan ko ang mukha niya. Hinaplos ko ito na para bang babasagin. Nakasandal lang siya at bahagyang bumabagsak ang ulo. I smiled. Paanong ang cute pa rin niyang tingnan kahit puyat na siya?

I still find it unbelievable that I am seeing his face this close now. Kung gaano ako kainis noon dahil ang sungit niya, ganuon din naman papunta ang bigat ng damdamin ko para sa kanya.

"E-v.." He murmured something that I failed to decipher.

Huh? Anong sinasabi niya? Nilapit ko ang tainga ko sa kanyang bibig para mas marinig pa ang binubulong nito.

"E..ver..." I stopped breathing.

Nag-init ang mukha ko at napatingin ako sa kanyang mukhang mahimbing na natutulog. Bumuntong-hininga ako. Is he actually dreaming of me?! Napatakip naman ako ng bibig sa naisip ko. Pero mali ba? Bakit tinatawag niya ang pangalan ko habang tulog siya 'di ba?

Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok nito. Ang lakas talaga ng epekto niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang posibleng nasa panaginip niya ako.

***

I had a dream last night about this party. Maganda ang nangyari roon kaya posible bang kabaliktaran ang mangyari sa totoong buhay? Sabi kasi nila ganuon daw 'yun. Paano kung manganib kami? Hindi ko kakayanin kung mangyayari man iyon.

After what happened to us in the forest? I'm glad my sanity didn't vanish!

"'Wag na lang kaya tayo tumuloy? Makikitira na lang ako sa inyo, magbabago ng pagkatao. Kakalimutan ko nang ako si Ever Rose See. Tingin mo mas okay?" mabilis kong tanong kay Eros habang nasa labas siya ng kwarto at naghihintay sa akin na matapos magbihis.

Hindi ko naman maabot ang zipper sa likod ng gown ko. Ito na lang kasi ang huli kong gagawin. Nakaharap ako sa malaking salamin at kahit nakaayos talaga ako ngayon, bakas sa mukha ko ang takot at pangamba.

I could see myself shining with the curls at the end of my hair. It's also great to use this nude lipstick I bought in the States that fit well with my sophisticated look.

"Hindi. Ngayon ka pa ba aatras? Pupunta tayo roon, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa 'yo kaya 'wag kang mag-alala. Get back everything that's yours and prove that you're a See." Natahimik naman ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ba mas ayos kung magiging magkasama na lang tayo? Kaya kong talikuran ang lahat kung bibigyan mo ako ng dahilan..." mahina kong sinabi upang ako lang ang makarinig.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto. Napaharap ako rito dahil bukas pa ang zipper ko sa likod. I'm not even wearing a bra and so I know I look so bare to him!

"I-I'm sorry. What's taking you so long?" Hindi siya makatingin sa akin ng diretso at halatang nahiya rin sa bigla niyang pagpasok. Wala man lang kasing pasintabi ang isang 'to.

"Can you do me a favor?" Lumapit naman siya sa akin na mas lalong nagpabilis sa kabog ng dibdib ko. Ngayong ganito ang ayos niya, hindi ko alam kung hindi ako hihimatayin sa paglapit niya sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nakaayos at wala ang mga harang sa mukha. Ang lakas din ng pabangong gamit niya pero tama lang para makapangakit ng sino mang babae.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon