Kabanata 46: Ang Pagbagsak ni Tita Felicia

394 14 3
                                    

Nakakasilaw.

Masakit sa mata.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakakabingi ang ingay.

Sa akin ba ito galing o sa ingay ng mga tao sa paligid? Hindi ko alam.

All I know is that I'm walking. I'm walking and everyone's eyes on me again. Should I really get used to this attention? Para kasing kahit ilang ulit ko itong maranasan, mahihiya at mahihiya pa rin ako sa dami ng mga taong nakatingin sa akin.

"Ever Rose See?!" Narinig kong tanong mula sa mga kumukuha ng litrato ko at parang nakadikit na ang ngiti sa mukha ko. It feels so unreal and stagnant.

Napalingon ako sa kotseng pinanggalingan ko na kaaalis lang.

Ako lang mag-isa ang bumaba at naglalakad papasok ngayon dahil sa napagusapan namin ni Eros na sa loob na kami magkikita. Siya na rin ang magaabot ng ebidensya ko sa mga stockholders. According to him, it's not good for both of us to be seen together and it's better if he'll be the one to hold the evidence.

His answer earlier was yes.

Pero kahit na gusto kong pagkatiwalaan siya ng buo ngayon ay kailangan ko pa ring makasigurado. Akala niya siguro ay isa lang ang kopya ko nung mga papeles pero mali siya. May isang kopya pa ako at iyon ang hawak niya ngayon. Nasa akin ang original copies at pati na rin ang CD na hindi niya ipinakita sa akin. Mabuti at napagkasya ko ito sa bag ko kahit na itinupi ko na yung papeles.

Sa CD? Ako na ang bahala rito at wala siyang alam. Si Drix ang inutusan ko over the phone lalo na at may access siya sa event dahil kakilala niya ang pinakahead nito. Ipapalabas ito once na sinabi ko na.

Ilang sandali lang ay narating ko na ang pinto at ako na mismo ang nagbukas.

Sa loob ay nabigla ang lahat pagkakita sa akin, para rin silang nakakita ng multo sa pagsulpot ko. Mas ngumiti naman ako para ipakitang confident ako dahil isa akong See.

Ang lumapit lang sa akin ay si Emily na mukhang maayos na ngayon. Naluluha niya akong niyakap at kasunod niya si Drix. Palihim kong iniabot 'yung CD sa kanya at nawala na siya sa eksena.

"Akala ko hindi na kita ulit makikita!" She cried.

"Mabuti at ayos ka na," sabi ko naman at masaya akong makita siya.

Humanap naman kami ng mauupuan at nakarinig na ako ng bulung-bulungan. Hindi ko man alam exactly ang pinaguusapan nila, alam ko namang tungkol lang ito sa akin. Malamang ay akala nila may nabuhay na matagal nang patay at nakakagulat nga iyon.

Minutes later, huling pumasok si Tita Felicia who's supposed to be the star of the night pero sorry siya at nakuha ko na ang atensyon ng lahat. When she saw me at the aisle, she looked so startled that she almost lost her balance. Napabukas sara pa siya ng mga mata na halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Akala siguro niya ay nawala na ako ng tuluyan.

Gagawin ko na sana ang gusto niya pero ginambala niya pa rin ako pati ang mga kaibigan ko na inosente.

I faked a smile as I let her walk towards the stage. I'll let her have this final moment before I destroy her. Pumapalakpak ang lahat kahit na hindi pa rin nila mapigilan ang pagsulyap sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa na bumalik sa mundo ng mga tao?

I asked Eros to give the papers to the stockholders immediately after I appear in front of them pero hindi ko pa rin siya nakikita. Wala rin namang hawak na papel ang mga stockholders na kilala ko. Naramdaman ko nang mangyayari ito eh. Saan siya nagpunta? Balak pa ba niya talaga akong tulungan?

Huminga ako ng malalim. Tingin ko ay dapat na akong kumilos ngayon nang mag-isa. Hindi ko na siya maiintay pa. I know I'm being impatient but I really waited for this night.

Maglalakad na sana ako nang bumukas bigla ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita kay Mommy na halatang pinahirapan ng husto. She fell on the floor and I felt heat inside me. She's so fragile...

Nagiingay siya na parang hindi na siya 'yung Mommy na kilala ko habang may mga lalaking nakahawak sa kanya. Hindi man siya maintindihan ng iba ay alam ko kung ano ang sinasabi niya. She wants to confront my aunt because she's behind all of these. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at paanong nandito si Mommy pero magandang bagay na rin ito dahil sa alam na rin ng lahat na buhay siya. Now I have to do the right thing.

Bumalik ang tingin ko sa stage kung saan nakita ko si Tita Felicia na hindi maipinta ang itsura. Maputlang-maputla na rin siya. Hindi niya inasahang makikita niya ang mga taong pinapatay niya sa harapan niya ngayon.

I took this chance to go up there with her. Binilisan ko kahit na takot akong madapa dahil sa haba ng gown na suot ko. Maganda sana kung may aalalay sa akin para mas madalian ako eh... Nakailang hakbang na ako sa hagdan nang may humawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako. Sa background ko ay dinig ko ang ingay ng mga tao. I really did cause a mess here.

Nang tingnan ko kung sino ang nakahawak sa akin ay si Tyrell/Eros pala. He looked dead serious but he can't stop me. He really can't. Not right now. Not when I see my mom suffering.

Hinawakan ko ang kamay niya at inalis ang pagkakahawak nito sa akin. Umiling siya na parang sinasabi na wag kong ituloy ang binabalak ko pero gaya ng sabi ko, hindi niya ako mapipigilan. This is my only chance and no one can ruin it.

Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at kinuha ang mic mula sa host tyaka naglakad sa gitna ng stage.

"Tama kayo ng iniisip," Napatingin lahat sa akin at natahimik din sila. "Buhay kami ni Mommy at ang nasa likod ng lahat ng ito ay walang iba kung hindi si Tita Felicia. I even have a video revealing what she did to me when I tried to reveal I'm alive to everyone." At sakto ang paglabas ng video sa white screen. I'm glad Drix helped me.

Right before my eyes, I could see what happened before - how I desperately cried in front of her and how she shut me out, asking me not to be Ever Rose See anymore. Parang hindi ko siya kamaganak. Wala siyang puso.

Napatingin ako kay Tita na panay ang pagiling habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi. Dahan-dahan ding naglalakad palapit si Eros.

Nang matapos ang video ay itinaas ko naman ang bag ko. "Eto, laman nito ang ebidensya na naglalabas siya ng pera ng kumpanya. I have the papers. Inililipat niya ang pera ng kumpanya sa account ng kung sino. The point is, she's using the money of the company for her personal affairs."

Nag-ingay ang mga stockholders lalo na at malaking bagay sa kanila ang pera. Knowing she's getting the money of the company is enough to put her in jail.

Napansin ko naman si Tita Felicia na palapit na sana sa akin kung hindi siya pinigilan ni Eros. Nakatingin sila sa akin pareho na parang mali ang ginawa ko.

"You'll regret this! You'll regret this your whole life Ever!" sigaw ni Tita na halos maputol na ang litid. "You don't know what you're doing. I am doing this for you and you betrayed me!" Ano ang sinasabi niya ngayon? Paanong para sa akin ang ginagawa niya? Nasisiraan na ba siya ng ulo?

Kinilabutan ako sa kanyang sinabi at napatingin kay Mommy na mangiyak-ngiyak habang nakatitig sa akin. Siguro ay natutuwa siya sa ginawa ko lalo na at ngayon, makakapamuhay na kami bilang See. It's Felicia's downfall.

Pero... Mali ba ang ginawa ko?

"T-Tyrell?" I managed to call his name but even him looked disappointed... "E-Eros?"

Yumuko siya at hinila palayo si Tita Felicia. Kakampi ba niya ito? Ayaw na ba niya akong tulungan? Is he on the opposite side now?

But why?

Ano ba ang nangyayari at parang ang pagbagsak ni tita, hindi pa rin rason para maging masaya ako? Nagkamali ba ako sa ginawa ko ngayong gabi?

***

Please read...

Kahit na busy ako, may mga nakalatag ng mga susunod na mangyayari para sa istorya na ito kaya 'wag kayong magalala :) Thank you so much for still reading and sana wag kayong magsawa sa pagiintay sa mga updates! <3

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon