Kabanata 31: Everlister & An Intruder

530 20 0
                                    

"Bakit sila nandito?" tanong ko kay Eros pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto niya. Napansin ko agad na halos lahat pala ng gamit dito ay kulay puti. Napakalinis at aliwalas ng buong kwarto. He's a minimalist indeed.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napansin na may dalawang pintuan dito. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Alam kong CR 'yung isa pero para saan naman 'yung isa pa?

Naupo ako sa lapag at sumandal sa gilid ng kama niya. Hindi ko alam pero 'yung kaninang lamig na mayroon ako ay napalitan ng init.

Tiningnan ko si Eros na nakatayo pa rin sa may pinto, "Tinanong ko rin si Bianca. Sinurpresa yata siya nung dalawa dahil aalis na siya next week. Gagawa na lang daw siya ng paraan para makaalis sila ng bahay. Wag ka nang magalala." He assured me but I know that is not what I am really worried about.

Gusto ko kasing bumaba ngayon at sabihin na buhay ako. Gusto kong ipakilala sa lahat na buhay ako pero hindi pwede. Kung hindi ako nandito ngayon sa kwarto ni Eros ay baka tumakbo na ako pababa. Pero alam ko rin naman na hindi pwedeng madamay ang mga kaibigan ko.

Dahil sa pagiisip ko ay hindi ko na namalayan ang pagtabi sa akin ni Eros. Diretso lang ang tingin nito sa pader at ako naman ay sa kanya lang nakatingin.

"Pwede kang matulog kung gusto mo," Nang sabihin niya ito ay tyaka lang pumasok sa isip ko na nasa iisang kwarto kaming dalawa. Sabagay, nung nasa rest house at gubat naman ay nagawa naming tumira ng magkasama. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ko alam kung dahil ba ito kina Emily at Hendrix na nasa baba o dahil sa katabi ko si Eros ngayon.

"Anong nasa loob ng pinto na 'yan?" Tinuro ko 'yung isang pinto na hindi ko alam kung papunta saan para lang may mapagusapan kami.

"Hindi 'yan pwedeng buksan. 'Wag kang magkakamaling pumasok dyan." Medyo kinilabutan ako lalo na sa mariing pagsagot niya sa akin. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Ano nga kayang nasa loob ng pinto? Mas na-curious tuloy ako dahil may forbidden room pala rito sa loob mismo ng kwarto niya.

Inihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha bago pumikit. Huminga rin ako ng malalim at hinayaang lumipas ang oras na walang nagsasalita sa amin.

Binagsak ko ang kamay ko sa lapag at bahagyang nataranta nang mahawakan ko ang kamay niya. Dahil sa alam kong may iba akong nararamdaman para sa kanya, I feel so awkward. Nasaan na nga ba 'yung matatag na Ever na kilala ko? Ah! Hindi na nga pala ako 'yon...

"Sorry." sabi ko at natahimik na kaming muli. Ilang minuto ang lumipas nang hindi ko na makayang manahimik. "Magkwento ka naman," sabi ko dahil sa ayoko na talaga ng sobrang katahimikan.

"Tungkol saan?" tanong naman niya.

Hindi ko alam kung magagalit siya pero curious kasi talaga ako, "Tungkol sa kanya."

"Sino?"

Rumehistro sa isip ko 'yung nakasulat sa bookmark. It was so sweet for me to forget.

"Thank you for being my knight and I promise to always be yours to protect." -E.S.

"Naging knight in shining armor ka rin ba niya?" pabiro kong tanong. Tingin ko naman ay kilala na niya ang tinutukoy ko.

"Oo." tipid niyang sagot tungkol sa kanyang ex. Ayaw na ayaw siguro niyang pinaguusapan ito dahil nasasaktan siya.

Tumikhim ako bago nagpatuloy, "E.S. right? Ano bang pangalan niya?"

Akala ko ay hindi niya ako sasagutin kaya magsasalita na sana ako ng iba pero mali ako dahil sinabi niya, "Everlister."

"Ay sigurado maganda 'yun, magkalapit kaya ang pangalan namin!" I said enthusiastically but it faded as quick as the lightning.

Because I just realized something... - The reason he doesn't call me Ever.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon