Kabanata 21 : Their Last Day

613 28 18
                                    

Kaluskos.

Ito ang narinig ko bago hinawakan ni Eros ang mga kamay ko na dapat sana magsisiwalat na ng pagkatao niya sa akin. Ang lapit na sana eh pero hindi pa nangyari. Mukhang ayaw yata talaga ng tadhana na makita ko ng buo ang kanyang mukha.

Bakit? Magiging kagaya ba kami ng kwento ni Eros at Psyche? Hindi ko ba talaga siya maaring makilala ng lubos bukod sa pangalang binigay sa kanya ng tungkulin niyang protektahan ako?

Itinago niya ako sa kanyang likod at nanahimik kaming pareho. Hininaan namin pati ang paghinga namin. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong maramdamang kaba kahit na alam kong posibleng nasundan na kami ng mga taong nais pumatay sa akin. Siguro isa na ring dahilan... kasama ko siya. Alam kong hindi ako pababayaan ni Eros?

I trust him.

I looked at his closed fist and had the urge to hold it. And I did.

He stiffened but I don't care. Parang sa punto na 'to, hindi ko na balak isipin na may iba na siyang mahal. Na parang gusto kong isipin na ako lang at siya sa mga oras na 'to. Walang iba. Kami lang.

Oo, kami lang.

Ilang minuto rin ang lumipas na hawak ko ang kanyang kamay. I hid my smile. Sana ganito na lang palagi, 'yung hindi niya ako tinataboy...

May palakang tumalon at narinig namin ang parehong kaluskos. Mukhang palaka lang ito at hindi tao kaya nakahinga na siya ng maluwag. Ako na ang kusanag bumitiw sa kanya at bumalik na sa loob ng tent.

Napatitig ako sa kamay kong kanina'y nakahawak sa kanya.

***

Sa halos isang linggong lumipas na nandito kami sa kagubatan ay iisa lang ang naging routine namin. Gigising ako ng maaga, maghihilamos sa malapit na talon, tatakbo nang tatakbo at pagkatapos ay tinuturuan niya ako kung paano sumipa at manuntok ng tama para matalo ang kalaban kahit may dala pa itong kutsilyo o baril.

Sa tingin ko naman ay natututo ako dahil sa gusto ko naman talaga itong gawin. I believe that I can do something if I would put my heart and mind into it.

Kahit na ang baho ko na palagay ko ay hindi naman ako binigyan ng rason ni Eros na maramdaman iyon. Kaya nga lang nalulungkot ako kapag gabi na dahil mas pinipili niyang sa labas lang siya ng tent habang ako nasa loob. Sana nga lang ay hindi siya papakin ng lamok eh. Pasalamat ako sa suot niyang jacket parati. Hindi naman sa gusto ko siyang katabi sa loob ng tent o what ah!

Ngayon ang huling araw namin dito sa kagubatan at maaga akong gumising ulit. Mamayang gabi ang balik namin sa rest house at pagkatapos ay didiretso kami kinabukasan sa Maynila upang salubungin ang kamaganak ko na posibleng nasa likod ng lahat ng 'to. Hindi ko hahayaang makuha nila ang kumpanya namin. Mas lalong gagawin ko ang lahat para mapagbayad sila.

Natapos na kaming mag-jogging at hindi ko alam kung ano naman ang ituturo ni Eros sa akin ngayon dahil sa kahapon ang huling araw ng pagsipa at pagsuntok ko ayon sa kanya. Sabi pa nga niya ay kaya kong mas mapagbuti pa ito kung sasanayin ko.

Nandito kami ngayon sa gitna ng kagubatan at magkaharap. I'm actually waiting for his instruction but I can't help it...

I kept on staring at his pinkish lips.

"Miss Rose..." His voice warned me.

"Ah huh?" wala sa sariling tanong ko habang hindi pa rin maalis ang tingin sa labi niya.
It's the part of his face that I really love though of course, hindi ko pa naman nakikita ng buo ang mukha niya.

"Are you done?" Napangisi ako sa sinabi niya at nag-peace sign.

"Sige sige may sasabihin ka?" sabi ko habang may kasama pang senyas ng kamay. Ramdam ko na rin kasi ang pag-init ng aking pisngi.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon