Kabanata 47: Agos ng Dugo

450 21 4
                                    

Hindi ko inasahang aalis na lang basta si Tita Felicia. Iniwan niya kami ni Eros sa taas ng stage at nagmamadaling tumakbo papunta sa elevator. As much as I wanted to capture her, mas minabuti kong lapitan si Mommy dahil siya ang nangangailangan talaga sa akin.

Patakbo akong lumapit sa kanya at tyaka siya niyakap ng mahigpit. Hindi niya alam kung gaano ko inantay na mayakap siyang muli. Hindi nila alam kung gaano ako kasabik na makasama muli ang nanay ko.

Walang salitang lumabas sa bibig ko at ganuon din si Mommy. Tanging iyakan lang ang namayani sa buong lugar. Halos hirap na akong huminga sa pag-iyak ko. I just missed her so much that it hurts.

Ilang minuto rin itong nagtagal bago ko siya itinayo at pinaupo sa bakanteng upuan. She looked more at peace now but she doesn't seem really well kaya nagpatawag na rin ako ng doctor upang mapatingnan siya. Pilit ko rin munang iniwasan ang mga interview lalo na at hindi pa kami kalmado pareho. Siguro ay na-trauma siya dahil matagal niyang nakasama ang mga lalaking nananakit sa kanya. Kung ako nga siya ay baka hindi ko na nagawang mabuhay kasama ang mga 'yon. Matatag siguro talaga ang nanay ko.

Marami akong tanong para kay Mommy pero hindi ko muna iyon ibinato sa kanya lalo na at alam ko nga ang sitwasyon niya.

Hinanap naman ng paningin ko si Eros. Noong una ay hindi ko siya mamataan kaya nakaramdam ako ng takot.

Takot na baka umalis na siya at iniwan na niya ako. Na baka may ginawa akong mali kaya niya ako iniwan... Takot na hindi man lang ako nakahingi ng tawad at nakapagpasalamat. 'Yung tingin niya kasi kanina kakaiba sa normal na tingin niya sa akin. He wanted me to understand something that I don't really know.

Sa muling pagsuyod ng mga mata ko sa paligid ay nakita ko siya. Nanduon siya malapit sa elevator at nakatingin lang sa akin. He's looking at me with so much care and passion. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa loob ko. Siya ang kauna-unahang lalaki na tumingin sa akin ng ganito na nakakapanghina talaga ng tuhod.

Thinking of him makes me feel safe but it got interrupted when a black out happened. Napasigaw ako sa takot lalo na at nangyari na ito noon.

"Mommy?" I tried calling her even though I know there's a little chance she could hear me. Nagkakagulo na rin kasi ang iba. Magiging tulad na rin sana ako nila kung hindi ko naramdaman ang mainit na kamay ni... Eros.

"Stay calm..." He whispered beside me. I felt his arms enveloped in my waist and I shivered.

"What's happening?" tanong ko dahil baka may ideya siya.

"Hindi ko rin alam." Napalunok ako. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin na nakapagpakalma sa takot sa loob ko.

I wanted to call my mother again but luckily, the lights were back. "Thank you..." Mahina kong sinabi.

Lumayo muna ako kay Eros. Hinanap ko agad si Mommy sa lugar kung saan ko siya huling nakita pero...

We heard a loud gunshot. Napatakip lahat ng tainga at napahawak ako ng mahigpit kay Eros na nakasunod sa likod ko. "S-Si Mommy?" tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.

"Mommy!" pagtawag ko pero walang sumagot sa akin. Maingay lang ang lahat na mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. There's so much chaos here.

Alam kong nanggaling ang tunog ng baril sa taas kaya naman tumakbo na ako kagaya ni Eros na nagmamadali namang umakyat ng hagdanan.

I was following him with all my strength even though I don't know where he is going. Is this possibly about my aunt again? Hindi pa ba siya tapos manggulo at nagawa pa niyang mamaril?! Matinding takot na naman ang bumalot sa buong pagkatao ko.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon