Kabanata 30: Dalawang Surpresang Bisita

553 22 2
                                    

Mas umiyak ako sa narinig ko mula kay Eros. Hindi rin ako pinatulog ng nalaman ko mula sa kanya. Hindi ko akalain na may malalim at masakit siyang pinagdadaanan. Gusto ko sanang magtanong sa kanya pero hinayaan ko na muna siya. Alam kong nasaktan ko siya dahil sa pagpapaalala ko sa babaeng mahal niya at kasalanan ko ito kahit na hindi ko man sinasadya.

Nagselos pala ako sa isang taong matagal nang wala? I feel guilty. Ilang ulit kong kinulit tungkol dito si Eros tapos 'yun pala parang sinasaksak ko siya ng paulit-ulit dahil dito. Mahal pa rin niya kasi kung sino mang E. S. ito na nagbigay nung book at bookmark sa kanya. Siguro mahilig itong magbasa, kung nandito siya ay baka magkalapit ang hilig namin.

Kahit na wala na ito ay mahal pa rin siya ni Eros. Siguro ito ang tanging ikinaiinggit ko. Hinahangaan ko lalo si Eros dahil sa pagmamahal niya para sa iisang babae na kung tutuusin ay hindi na uso sa panahon ngayon.

"Psyche?" narinig ko ang boses ni Bianca. Iminulat ko na rin ang mga mata ko. Medyo hirap ako dahil sa pamamaga nito pero mas mahirap dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa may bintana. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi eh. Ang alam ko lang ay nai-iyak ko na lahat kagabi. Siguro naman ay hindi ko na kailangan pang umiyak muli 'di ba?

"Maliligo lang ako." sabi ko sa kanya mula sa loob.

***

Gusto ko pa nung itlog...

Kukunin kaya ni Eros? O kaya ni Bianca? Sinilip ko sila na busy sa pakikipagusap sa isa't isa. Sinamantala ko ito para kunin ang nagiisang itlog sa lamesa. Kasi naman, we already got our share but I'm still starving.

Mabilis akong kumain dahil sa hindi malamang dahilan, gutom na gutom talaga ako.

"Uy chill ka lang girl." natatawang komento ni Bianca kaya nahiya tuloy ako.

Napatingin ako kay Eros na nahuli kong nakatingin din sa akin kaya naubo ako. Agad naman niya akong inabutan ng inumin. "Dahan-dahan lang. Hindi ka mauubusan ng pagkain." seryoso niyang sinabi. Mas lalong nag-init ang pisngi ko.

Hindi ko kasi alam talaga kung paano ko siya haharapin o kakausapin gayong alam kong nakikita niya sa akin ang ex niya. If I know, baka kaya lang siya nagiging mabait ngayon ay dahil sa iniisip niya na ako ang ex niya.

"So walang aalis sa atin ngayong araw?" tanong ni Bianca at napagisip naman ako. Kailangan kong makahanap ng trabaho pero siguro ay magpapahinga muna ako sa araw na 'to.

Umiling ako bilang sagot dahil may pagkain pa ako sa bibig.

"May pupuntahan lang ako sandali at babalik din mamayang lunch. Dadalhan ko na lang kayo ng pagkain." Napa-yes naman si Bianca sa sinabi ni Eros. Nangiti na lang ako sa magkapatid na 'to.

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Pilit pa ito ah. Gusto ko lang na may masabi.

"Bakit? Gusto mong sumama?" seryoso ba siya sa tanong niya? Kasi kung oo- "Hindi kita isasama." Pagsusungit niya at inirapan ko na lang siya. Tatanong-tanong tapos ayaw naman pala niya. Anyway, I guess he's just trying to make it normal between us.

"Ang cute niyo!" sabi ni Bianca na katabi ko ngayon sabay kiliti sa tagiliran ko kaya natawa na lang ako.

Gaya ng sabi ni Eros ay umalis nga muna siya, naiwan naman kami ni Bianca. Hindi ko alam pero may ginagawa siya sa kwarto niya kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na 'to para libutin ang bahay nila.

Natatandaan ko na sinabi ni Bianca sa akin noon na sa Canada nakatira ang parents nila at may business sila sa machineries. Nakakapagtaka lang dahil sa mayaman naman pala sila, bakit kailangan pang ilagay ni Eros sa panganib ang buhay niya para sa pamilya ko? Lalo na ngayon, sa akin?

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon