"What are you doing here?!" sigaw ni Mommy nang makalapit kung nasaan kami ni Tyrell. Nang mapatingin siya rito ay agad niya akong hinila palayo na para bang may kinakatakot siyang mangyari. "And you were with him the whole time?!" hindi makapaniwalang tanong pa nito.
Para akong naalimpungatan. Pakiramdam ko nga tulog pa rin ako at isa lang itong masamang panaginip...
Nagising talaga ang buong pagkatao ko kasi hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Mommy ngayon. Ganuon ba niya kaayaw si Tyrell kaya nagagalit siya na kasama ko ito? Tyaka bakit pa siya nagpunta rito? What triggered her to do so?
"Leave my daughter. 'Wag mo na siyang idamay pa! Please Eros, hindi pa ba sapat ang ginawa mo noon at gusto mo pang ulitin? I already warned you! Nagawa ka na naming patawarin noon, pero kung uulit ka na naman ay ako na talaga ang makakabangga mo," Ito ang mga linyang sinambit ni Mommy sa harapan ni Tyrell at nang magtangka itong magsalita ay agad niyang sinampal. Napasinghap ako at agad na pumagitan sa kanilang dalawa.
"Mommy! Why are you doing this to him? Wala siyang ginagawang masama... sinamahan lang niya ako!" I tried to defend him pero naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Tyrell na humigit sa akin upang mapaharap ako sa kanya.
"Sagutin mo na 'yung tanong ko kanina, sasama ka ba? Kaya mo bang iwan lahat? Please say yes!" He was so desperate that I was tempted to say yes already. Kung hindi nga lang namagitan si Mommy ulit.
May mga guards siyang kasama na parang ngayon lang dumating sa eksena at pagkatapos ay agad nila akong kinuha mula kay Tyrell. Hindi ko man alam kung anong nangyayari ay sobrang takot na takot na ako. Naguguluhan ako at naiiyak. Bumukas ang ilaw mula sa sasakyan ni Mommy at nakatutok iyon kay Tyrell kaya kitang-kita ko ngayon ang namumula niyang mata. Umiiyak ba siya? Bakit?!
Pinalis niya ang mga luhang bumabagsak sa pisngi niya at nagtangkang lumapit sa akin pero agad hinarangan ng mga guards. I tried making my way towards him pero walang epekto. Masyado akong mahina para makalaban sa kanila. Dito na ako nagsimulang umiyak.
Oo. Sasama ako sa kanya kahit ano pa ang dahilan ng lahat. I know he can make me happy and I want to be with him whatever it takes. Sapat na ang mga hirap na dinanas ko para talikuran ko ang mga 'yon. I can give up everything just to be with him!
"Tyrell! Oo! Gusto kong sumama sa 'yo!" I managed to say pero hindi ko alam kung narinig niya dahil hinihila na ako papasok sa kotse ni Mommy. I was losing my self-control now.
Sa loob ay panay na ang pag-iyak ko dahil ayaw akong palabasin ni Mommy. Kitang-kita ko na nakikipagsuntukan si Tyrell dahil ayaw siyang palapitin sa akin. Bawat ganti niya sa mga guards ay doble ang balik sa kanya. Bumagsak siya sa sahig pero agad ding bumangon. Malungkot lang ang mga mata niya ngayon na para bang hindi niya nararamdaman ang biglaang pagsikmura sa kanya, pagtadyak at pagsuntok sa mukha. 'Ni hindi ko makita ang pag-igting ng kanyang panga. Para siyang mahina na nagpapanggap maging malakas. I know he can be better than this pero parang patumba na talaga siya.
I screamed on top of my lungs when I saw one guard pointing his gun on Tyrell. "NO!!" I begged and begged. Pero umandar lang ang kotse namin at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari kay Tyrell. Nagwala ako nang ayaw pa rin nila akong pababain at panay ang pigil nila sa akin dahil daw delekado. Pero nasa delekadong sitwasyon lalo ang buhay ni Tyrell and I'm not gonna let that happen!
Then I heard a loud gunshot.
***
I lost consciousness.
Pagdilat ko ay nagulat ako nang makita na nasa loob ako ng eroplano!
Si Tyrell... Oo si Tyrell! Rumehistro sa isip ko ang bugbog sarado niyang itsura pati na rin ang lungkot sa mga mata niya. I shouldn't be here right now. Not when he needs me the most!
Anong ibig sabihin ng putok ng baril na narinig ko bago ako nawalan ng malay? Nabaril ba si Tyrell?! Hindi iyon pwede mangyari!
Agad akong naupo ng maayos at tatayo na sana nang may humarang na braso sa harapan ko. Who the hell is this man beside me?
Isa itong lalaki na ngayon ko lang nakita. May hawak siyang papel sa kanang kamay niya at 'yung isang braso niya ang nakaharang sa harap ko ngayon malapit sa leeg ko.
Mukha siyang may lahing Japanese dahil sa pagkaka-singkit ng kanyang mga mata. So damn serious. He skin is pale brown at medyo mahaba ang kanyang buhok kaya nakapuyod ito ng isa sa likod at may nakabagsak siyang buhok sa harapan na plantsado. Hindi ko alam kung style niya talaga ang magsuot ng itim na sumbrero pero ibang klase 'yung sa kanya dahil parang pang mad hatter na plain black. Saang panahon pa ba siya galing at ito ang istilo niya? Mabuti na lang bumagay sa suot niyang pormal na black suit at pants.
Saan ba kami papunta? Ano bang nangyari?!
"U.S. halos kalahating araw kang walang malay. Dito tayo dumiretso," Ito ang kanyang sinabi na para bang nabasa niyang gusto kong malaman kung saan kami papunta at paanong nandito ako ngayon. Manipis lang ang kanyang labi kaya naman parang hindi ito bumuka nang magsalita siya.
Nasaan na kaya si Mommy?
"Ako lang ang kasama mo papuntang America. Nasa Pilipinas si Madam See at ako ang inutusan niyang magbantay sa 'yo," Is he a mind reader? "No, I don't read minds but you're just predictable," mayabang niyang paliwanag. Sumusobra na 'tong isang 'to ah gayong ngayon ko lang naman siya nakilala!
"Sino ka ba?!" Iritang tanong ko na napalakas yata dahil tumingin ang iilang kasama namin dito sa eroplano sa akin.
"I'm your worst nightmare," He said coldly and I shivered. "Tanjiro Carter," dagdag niya at napairap ako. Mas bagay siyang kartero lol.
I could feel the heat building up inside me. Am I supposed to leave everything behind and be with this man? Mas gugustuhin ko pang si Tyrell ang kasama!
Kinagat ko ang braso niya at napasigaw siya sa sakit bago ko nakuha ang papel na hawak niya at nakatakas. Tumayo ako kahit na alam kong nasa eroplano kami at walang chance na matakasan ko siya. Ramdam ko pa ang sakit ng ulo ko dahil sa biglaang pagtayo pero hindi ko ito pinansin.
Pumasok ako ng mabilis sa bakanteng comfort room at dito ako umupo. Napasabunot ako sa ulo ko bago binasa ang papel na hawak nung lalaki.
Sa pagkakaintindi ko ay kailangang nasa tabi ko ang lalaking 'yon sa loob ng isang taon! Pero walang rason kung bakit! Pareho sila ni Mommy na may pirma rito. Hindi naman niya ako pinagbibili pero pinababantayan niya ako. Siguro ay verbal lang talaga 'yung pinaka kasunduan nila kaya hindi nakasaad sa papel na ito.
Why do I have to be with him?! What the hell is going on?! Ano ba ang plano ni Mommy at ginagawa niya ito ngayon sa akin? Alam niyang mahal ko si Tyrell! Alam niyang mahal namin ang isa't isa kaya bakit niya kami pinipigilan?!
Nang buksan ko ang pinto ng CR ay nasa harapan ko na si Tanjiro at pagkatapos ay pumasok siya sa loob kasama ko. Syempre ay nabigla talaga ako dahil akala ko hihilahin niya lang ako pabalik sa upuan. Sumara ang pinto dahil sa dito niya ako itinulak at ngayon ay sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Kaunting kilos ko lang ay magdidikit na talaga kami. I could feel him breathe! Oh God!
"Don't dare try to pull your tricks on me Miss See, hindi ako gaya ng mga ibang nagbantay sa 'yo," He said, with his eyes glaring.
"Ano bang alam mo? Wala naman 'di ba? Kaya 'wag kang magmagaling!" I tried to push him away pero mabilis siya at nahawakan niya agad ang kamay ko. He pinned me on the wall when I heard voices outside. Siguro ay narinig nila na nandito kaming dalawa sa loob dahil sa napalakas ang tulak niya kanina sa akin.
Natahimik ako nang mapatingin sa mga mata niyang malalim kung tumitig.
"Your twin sister died because of the man she loved," My jaw dropped. Anong sinabi niya? "Ngayon, sino ang walang alam?" He asked.
I got too surprised to move when he finally opened the door, letting both of us out. Nakita kong may mga taong nakatingin sa amin at wala akong masabi dahil pinipilit kong i-absorb ang kanyang sinabi kanina lang. Nanlamig ang buong katawan ko at nanghina rin ang mga tuhod ko.
"I'm sorry, my wife and I just got into a fight," He explained and all I could do was stare at him while whispering curses in my head.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...