Kabanata 45: The Moment Before Her Downfall

481 16 0
                                    

"May humarang sa akin sa daan kaya hindi agad ako nakapunta sa 'yo," mahinang sagot ni Tyrell at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang bigkasin niya ang bawat salitang ito.

Siya si Tyrell na nakaayos bilang Eros sa mga oras na ito. Hindi ko na siya madalas makitang ganito kaya nakakapanibago rin.

Totoo naman na inintay ko siya at nadismaya ako sa hindi niya pagdating kaagad dahil muntikan nang may mangyaring masama sa akin pero mas matindi ang pagaalala ko para sa kanya kaya masaya akong ligtas siya.

Hindi ko rin naman magagawang ipagtanggol ang sarili ko kung hindi niya ako tinuruan noon sa gubat kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Mas minabuti ko na lang na wag na siyang usisain pa lalo at parang gaya ko, hindi siya handang makipagusap. Ang mahalaga ay pareho kaming maayos ngayon.

Sigurado akong si Tita Felicia na naman kasi ang nasa likod ng mga naranasan namin ngayon lalo na at malapit na namin siyang mapaalis sa inagaw niyang kumpanya namin. What's the point of questioning things that are already right before our eyes? Siya lang naman ang may kayang gumawa nito sa amin at wala nang iba.

Mas pinili kong umidlip sa buong byahe namin ngunit pagdating sa bahay ay nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa. After all, we have to talk about the evidences and our exact plan. Hindi kami pwedeng matulog na lang na parang walang nangyari. Mga kaibigan ko ay nadadamay na rin kaya dapat nang matigil ito.

Nang makaupo na ako ay halatang hindi pa namin alam kung saan dapat magsimula. Nakikita ko pa sa mga mata niya na parang may iba siyang iniisip.

"Ayos ka lang ba talaga?" nagaalalang tanong ko lalo na at para kasing may iba pang nangyari ngayong gabi. As much as I want to stop myself from asking questions... Hindi ko na napigilan pa ito. "What happened? Nakakuha ka ba ng copy nung CCTV footage?" I'm dying to know because it is a perfect match for what I've found. Oras na maisapubliko namin ito ay wala nang kawala si Tita.

Nakayuko lang siya sabay iling kaya bagsak balikat akong nakinig sa kanyang paliwanag, "Hindi ibinigay sa amin. Masyado silang mahigpit at baka nga nabura na rin nila ito."

Oo nga naman, bakit pa niya balak mag-iwan ng ebidensya 'di ba?

"Ikaw? Kamusta 'yung lakad mo?" He looked at me and I excitedly placed the envelope I've found on the table. "Ano 'yan?" tanong pa niya.

"Look inside." Binuksan naman niya ito habang nagpapaliwanag ako. "It's the evidence na naglalabas siya ng pera mula sa kumpanya para isalin sa kung sino. And it is against the company. Pagnanakaw ang ginagawa niya lalo na at hindi naman siya ang solely may ari ng SEE because of shared stocks."

Halatang nagulat siya lalo na nang magtanong pa siya, "How did you get this?"

"May babae na nahimatay sa loob ng CR, nagkataon na nanduon ako. Narinig ko pa ngang sabi niya, bago siya bumagsak, na hindi niya alam kung kanino dadalhin 'yung pera na inilalabas ni Tita Felicia eh," proud kong paliwanag. I was at the right time for the right moment.

Kumunot naman ang noo niya, "But the name is stated here?"

"Huh?"

"Sinabi niyang hindi niya alam kung saan dinadala 'yung pera pero hawak niya naman niya itong envelope? Mayroon na itong pangalan ng pinagdadalhan ng pera pero hindi raw niya alam kahit na siya ang makakakita dahil siya ang nautusan?"

Oo pero... "Okay na 'yun! At least I have this evidence againts my aunt."

Bumuntong hininga siya at inilapag muli sa lamesa 'yung envelope, nakapatong ang mga laman sa ibabaw nito. He seemed very distracted and I don't know the reason why.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon