Tulala ako ngayon habang kaharap ko pareho si Mommy at Tanjiro.
Nasa sala kami at may bitbit na kahon si Mommy pero hindi pa siya nagsasalita. Alam kong ano man ang sabihin nilang dalawa ay masasaktan pa rin ako dahil sa itsura pa lang nila ay basang-basa ko na kahihinatnat namin.
Pero bakit ganito? Bakit ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung ayos lang ba si Tyrell? Kung ligtas ba siya at hindi siya tinamaan ng bala? Bakit nagagawa ko pa ring magalala kahit na malaki ang posibilidad na dapat ko siyang kamuhian at katakutan?
Sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang itsura ni Tyrell, hindi ko magawang magalit. Hindi ko magawang matakot. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya at hindi ko alam kung kaya kong matanggap kung ano man ang katotohanang ihahatid nila Mommy sa akin. Sa sobrang laki ng tiwala ko sa kanya ay hindi ko alam kung anong katotohanan ba ang kayang bumasag noon.
Siguro ganito talaga kapag sobra mong pinagkakatiwalaan ang isang tao. Kahit ang buhay ko ay kaya kong ipagkatiwalas sa kanya...
"Ma'am,palagay ko mas makakabuti kung ikaw na ang magpaliwanag sa kanya," narinig ko pang sinabi ni Tanjiro. Eto pa ang isang nagmamagaling. Hindi ko magawang umirap sa mga oras na ito kahit na gustong-gusto ko itong gawin.
Tumabi si Mommy sa akin sa sofa, dala pa rin ang kahon, at tyaka ako niyakap nang mahigpit. Doon siya nagsimulang umiyak. "Ever..." Tinawag niya ng ilang ulit ang pangalan ko pero hindi ako makapagsalita kahit na panay ang paghikbi niya. I can't even comfort her. Hindi ko pa rin alam kung paano ako magre-react gayong hindi ko pa rin alam talaga ang buong kwento.
Nang humiwalay siya sa akin ay binuksan na niya ang kahong hawak niya.
Inilabas niya ang isang photo album na ngayon ko lang nakita. Binuksan niya ito sa harapan ko at doon nanlaki ang mga mata ko.
Sa unang tingin, akala ko ay ako ang mga nasa larawan. Pero nang tingnan ko mabuti, hindi pwedeng ako ito dahil sa edad nung nasa mga litrato, hindi ganuon ang ayos ng buhok ko. Maikli 'yung kanya at hindi rin ganuon kaputi ang kanyang kutis. At that age in the picture, sobrang haba ng buhok ko... I never had it that short until recently.
Pero sobrang magkamukha kami nito. Ikinuyom ko ang dalawang palad ko.
"Siya ang kakambal mong nawala. Hinanap namin siya ng hinanap simula nang maipanganak ko kayo, when I lost her." Mommy said while sobbing.
"Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niyo sinabi sa akin na may kakambal pala ako?" Pasumbat kong tanong dahil ginawa nila akong tanga all these years. I should have known kasi kapatid ko rin ang pinaguusapan namin dito.
"Ayaw namin na pati ikaw ay mag-isip tungkol dito. Sapat nang pareho kami ng daddy mo na namomroblema," She paused for awhile. "Dumating sa punto na talagang pasuko na kami ng Daddy mo. That's when we decided to hire Tyrell. Siya ang inutusan naming humanap sa kapatid mo pero sikreto namin itong pinagawa lalo na at may mga nagtatangka sa buhay ng pamilya natin. She is supposedly your eldest sister..."
Napatitig ako nang mabuti sa mga larawan niya. Wala siyang baby pictures at kaunti lang ang nasa album. Panay kuha noong teenager siya ang mayroon dito kaya agad akong nalungkot... Paano kaya ang naging buhay niya...
Habang ako, naibigay sa akin lahat ng kailangan kong materyal sa buhay, siya... walang buong pamilya. Ano kaya ang dinanas niya?
"Tyrell had to keep his identity as part of his job. We wanted him not to get involved with your sister in whatever ways aside from being her protector. Kaya kilala lang siya bilang Eros. He had to do this to repay his debt to your father. Ang daddy mo ang nagligtas sa kanyang buhay nang makita siyang palaboy-laboy noon," I wanted to know more about Tyrell's background pero pinilit kong hindi magsalita at makinig lang.
"He searched for your sister for months... hanggang umabot pa ng taon. We were lucky he finally found her pero may hindi pala magandang nangyayari ng mga panahong nahanap na siya. Iyon 'yung panahong pinaalis ka namin papunta sa ibang bansa para mag-aral doon lalo na at may nagtatangka sa buhay mo. Pero kinuha pa rin namin ang kapatid mo mula kay Tyrell kahit na alam naming inilalagay namin ang kanyang buhay sa panganib. We were able to live with her while you were gone."
I couldn't help but ask, "Why did you insist on having her by your side then? Bakit hindi niyo na lang hinayaan na magkasama sila ni Tyrell?"
"They had a romantic relationship that we forbid the most," Napakagat ako sa labi ko. Hindi na dapat ako nagtanong... ito ngayon at may kakaibang sakit akong nararamdaman. "Ito ang ayaw na ayaw mangyari ng Daddy mo kaya nga niya pinatago ang mukha ni Tyrell. For him to remember that he can't be known. But he broke his rules. He was asked to go far - away from your sister. Takot kami sa pinanggalingan niya kaya hindi namin gustong magkaroon siya ng ano mang koneksyon sa pamilya natin bukod sa maging tagapagligtas ng kapatid mo. But being greedy, he wanted more from us that we were not ready to give."
"We tried so hard to stop both of them from loving each other. Sa pagmamatigas ng kapatid mo, tumakas siya isang gabi para makipagkita kay Tyrell. That was the night... the night when..." I wanted to hear more but she started crying so hard.
"She was killed," Si Tanjiro na ang nagpatuloy ng kwento. "Her desire to be with him killed her and I'd rather keep the details of her death. Pero gaya ng sinabi sa akin ni Ma'am See, ikaw ang puntirya ng mga pumatay sa kapatid mo. Dahil walang may alam tungkol sa kakambal mo, inakala nilang ikaw 'to at agad nilang pinatay."
My mom looked at me in the eyes before speaking, "Dahil gusto ka naming protektahan, hinayaan naming bumalik si Tyrell bilang si Eros. We hired him again without knowing his evil plans. Hindi ko inakalang alam niya na ikaw dapat ang namatay at hindi ang kapatid mo na minahal niya ng sobra. Ito ang dahilan kaya naghihiganti siya. Malaki ang galit niya sa buong pamilya natin. Lalo na sa 'yo."
Umiling ako ng ilang ulit, "You can't be serious."
"Alam kong mahirap paniwalaan. Gusto ko ring paniwalaan na talagang niligtas niya tayo. Pero ayokong lokohin ang sarili ko. Nalaman ko lang nitong huli matapos akong bumalik na kakampi niya ang Tita mo sa patuloy na nangyayari sa pamilya natin. He was helping her. He wanted revenge for what happened to your sister. He thinks it is all your fault, that it is our fault because we separated him from her. Pero hindi ka namin sinisisi, wala kaming sinisisi sa nangyari..."
"Alam niyang ikaw dapat ang namatay at hindi si Everlister. Kaya ngayong abot kamay ka na niya, balak na niyang gawin ang mga bagay na noon pa niya gustong gawin. Ito ang saktan, pahirapan... at baka patayin ka pa niya," pagtatapos ni Tanjiro na sumira sa buong-buo sanang puso ko.
Everlister...
Ang babaeng hindi ko pa nakikita pero mahal na mahal ni Tyrell.
Ang babaeng sobrang nagpasakit ng puso ko...
"P-Pero may pamilya si Tyrell... hindi siya palaboy," I managed to say out of the blue.
"That was the family your father gave him. Hindi niya kadugo ang mga iyon," Dumagdag pa ito sa pagkagulat ko.
Everlister...
Ito ang kapatid ko. Pinagseselosan ko ang kapatid ko.
Bakit ngayon... nagagalit ako sa kanya? Galit ako dahil kailangan akong saktan ng lalaking una kong minahal ng totoo...
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko alam kung kanino ako dapat magalit.
Kay Mommy na dahilan kung bakit ko nalaman ang lahat?
Kay Everlister na dahilan kung bakit galit sa akin si Tyrell?
Kay Tyrell na naghihiganti lang pala sa akin kahit na akala ko totoong mahal niya ako?
O sa sarili ko na bulag at tanga para hindi malaman ang lahat nang nangyayari sa paligid ko?
Nagsasalita pa si Mommy at Tanjiro pero parang nagsarado ang mundo ko. Sapat na ang mga narinig ko para mawalan ng lakas para magsalita.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
AksiAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...