Kabanata 40: Ang Pagbabalik sa Laban

534 22 13
                                    

"Welcome back," sabi ni Tyrell pagdating namin sa bahay nila.

Tiningnan ko siya sandali bago pumasok sa loob. Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa likod ko pagkatapos at bahagya akong napatalon. I don't know why I'm nervous right now. "Ayos ka lang ba?"

"Ah.. oo."

Nakakapanibago dahil sa wala na si Bianca rito. Wala na 'yung ingay dati at mas lalong sigurado akong wala na akong magiging kakwentuhan gaya niya. Parang may kulang tuloy ngayon dito.

Sana ay hindi niya ako makalimutan at pagbalik niya'y magkausap kaming muli gaya dati. Parang kapatid ko na rin kasi siya sa totoo lang.

"I didn't even say goodbye to her," malungkot kong sinabi bago naupo sa couch sa sala. "I'm sorry ulit dun sa wine. Hindi ko alam-"

"Ako ang dapat humingi ng tawad," sabi niya habang nakatayo at nakasandal sa pader. "Ayoko lang kasi na may mangyaring masama sa kapatid ko at nagalit ako dahil sa hindi ko siya nagawang protektahan. I was so... so focused on you that night that I forgot about her. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sa 'yo ako nagalit kahit alam kong ako ang nagkamali. I'm sorry," He is vocal now and I'm not really... used to it.

"A-Ayos lang 'yon," simpleng sagot ko sa kanya. Syempre ay may kung ano na naman akong naramdaman dahil sa ipinagtapat niya. Sinong magaakala na ganito pala ang nasa isip ng gaya niya? Dati kasi'y hirap na hirap akong basahin ang kung ano mang tumatakbo sa isip niya.

Nakakahiya kapag bumabalik sa isip ko ang pangyayari kanina. We were too sweet to be real. At kahit na sinabi na niya ang gusto kong marinig, nahihirapan pa rin akong magtiwala ng lubos sa kanya lalo na at hindi ako sure kung wala na ba talaga sa kanya ang ex niya. Baka naman kasi sinabi lang niya na mahal niya ako para mapauwi ako...

Like I'm just a kid and he gave me a candy to calm down.

The way I remember his reaction that night when he dreamt of her? It seems like he's not completely over her even if she's already dead. Ang mahirap lang ay nakikipagkumpitensya ako sa patay na.

"Magpahinga ka muna siguro sa kwarto mo sa taas," sabi niya at nakita kong gaya ko ay naiilang din siya ngayon.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at paakyat na sana ng hagdan. Kaya nga lang ay natigilan ako nang hindi siya sumunod sa akin. "Saan ka pupunta?" Akala ko kasi ay sasabayan niya akong magpahinga.

"Babalikan ko si Alastair para makuha ang mga gamit mo."

Tumango ako at bago siya tumalikod sa akin ay may pahabol pa, "Pwede ba akong makahingi ng pictures niya?" Ngayon ko lang kasi naisip na hindi ko pa pala siya nakikita talaga. Kung may hawig siya sa akin ngayon, gusto kong makita kung gaano at kung may pwede ba akong baguhin sa itsura ko para hindi kami maging magkapareho.

I got disappointed when I saw him had this weird look in his eyes. Pain. Longing. "It's best not to see her," Ipinagdadamot ba niya ngayon sa akin na makita ko ang ex niya?

"Why?" I bitterly asked.

Kumunot ang noo niya bago tumalikod, "You'll just regret seeing her."

Mas maganda ba ito sa akin kaya ayaw niyang ipakita? "I thought you're over her?"

"Yes but you should also be over her."

Nakakapanggigil tuloy na hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang ipakita sa akin 'yang mystery ex na 'yan.

"Is she your first love?" the moment I asked this, I know I'll regret hearing the answer.

"She is, actually she's the only love I had."

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon