Maaga akong ginising ni Bianca para maayusan ng buhok. Hindi pa nga ako naghihilamos nang iupo niya ako at simulang suklayan eh.
"Sigurado ka bang alam mo 'yang gagawin mo?" natatawa kong tanong sa kanya dahil sa nakita kong sobrang seryoso niya sa paghawak ng gunting at suklay.
Humikab ako at kinusot ko rin ang mga mata ko. "Oo naman. Hindi ko pala nasabi na kukuha ako ng related sa pagaayos ng buhok sa Canada after summer. Gusto kong magtrabaho ng ganito at sumali sa mga competitions." Dito ko nakita ang kinang sa mga mata niya at napangiti naman ako. At least she has a plan for herself.
Ako kasi ang tanging gusto ko ngayon ay mahanap ang Mommy ko. Pagkatapos nun ay tyaka ko na lang iisipin ang mga susunod na hakbang ko.
"Nasaan nga pala ang kuya mo?" tanong ko ulit kasi hindi ako mapakali kapag tahimik sa pagitan namin.
"Ah umalis. Bumili lang ng almusal natin. Siguro parating na rin 'yon." Ipinikit ko na ang mga mata ko nang sabihin niya yon. Muli ko lang itong idinilat nang sabihin niyang tapos na siya sa pagaayos ng buhok ko na hindi naman ganuon katagal.
"OMG! Bagay pala sa 'yo kahit maigsi eh. You rock!" Binukas-sara ko ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na tama si Bianca. I don't look bad with a short hair like I thought I would be. Pinagsuot niya rin ako ng itim na salamin. "You look ten times hotter."dagdag pa niya.
"Psyche." tinawag ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Hindi na ako si Ever Rose See dahil ako na dapat ngayon si Psyche Hernandez.
"'Yan ang spirit! Nga pala, sumama ka raw kay Kuya mamaya sa pagaayos ng papeles mo. Hindi ako makakasama eh. Medyo busy lang ako dahil may kailangan akong ihanda for Canada. Nasabi na ba sa 'yo ni Kuya na one week na lang ako rito?"
One week? "Hindi ko alam. Aalis ka na pala?" Nalungkot naman ako dahil sa kung kailan naman ang gaan na ng loob ko kasama siya, tyaka pa siya mawawala. Alam kong pupunta siyang Canada dahil sinabi ni Eros pero hindi ko alam na isang linggo na lang pala siya rito.
"Yup. Kung alam ko lang na makakasama ka namin, hindi na sana ako tumuloy eh. Kaso huli na nung dinala ka ni Kuya rito. Don't worry mabait naman si Kuya kahit ganun 'yon." Inakap ko siya na siguro ikinabigla niya.
"Salamat." Ito lang ang sinabi ko sa kanya at niyakap din niya ako pabalik.
"Ang baho mo na sige na maligo ka na nga." Natatawa niyang sinabi.
***
Naligo muna ako gaya ng sabi ni Bianca. Ang kalog din kasi talaga ng isang 'yon eh. Mami-miss ko talaga siya kapag umalis na siya.
"Baba ka na agad dito Psyche!" Narinig ko ang boses ni Bianca pagkalabas ko ng CR. Nangiti na lang ako.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Nahinto nga lang ako pagdating ko sa hagdanan dahil sa paakyat na si Eros. Natigilan ako nang bigyan niya ako ng kakaibang tingin. Parang may halong galit o inis?
"B-Bakit?" Para kasi siyang nakakita ng multo. Ito ang unang beses na ganito ang naging tingin niya sa akin. Napahawak tuloy ako sa buhok ko at nahihiyang tingnan siya. Hindi kaya bagay sa akin?
"Ang tagal mo. Bumaba ka na." Again, he gave me a really straight face. Nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako.
Ang pinagtataka ko ay hindi na niya ako muling tiningnan pa sa buong almusal namin. Gusto kong magtagpo ang mga mata namin para matanong ko siya kung ano ang problema niya pero hindi iyon nangyari kahit magtanghalian na.
Sana lang ngayong paalis na kami ni Eros para nga sa mga papeles ko ay magkausap na kami.
"Wag kang lalabas ng bahay ha? Kung sakali man, magpasama ka sa mga kaibigan mo o tawagan mo ako. I-"
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...