Kabanata 44: Ang Pagsulpot ng Ebidensya

487 17 3
                                    

Nakarinig ako ng pagbagsak sa sahig kaya agad akong lumabas ng cubicle na pinagtataguan ko. Ikinagulat ko nang makitang walang malay 'yung babaeng narinig ko kanina lang na nagsasalita.

Anong nangyari sa kanya?? Inalog ko ito upang gisingin, "Miss-"

Natigilan ako pagkakita ko sa envelope sa sahig na katabi nito na para bang nabitawan na lang basta. I don't know what happened exactly to her but she obviously passed out.

Palagay ko tama ang hinala kong may kinalaman si tita rito. Hindi ko mamukhaan 'yung babae pero malamang ay isa siya sa mga empleyado rito na baguhan lang.

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang hawakan ko 'yung envelope. Unti-unti ko itong binuksan at sinilip kung ano mang laman nito. Hindi na mahalaga kung confidential man ito because I'm desperate.

Nagulat ako dahil nakita kong ito ang patunay na naglilipat ng pera si Tita Felicia. Mga papeles ito ng mga transactions niya. Inilalabas niya ang pera ng kumpanya at inililipat sa isang bank account na nakapangalan sa isang taong hindi ko naman kilala. "Sino naman si Dahlia Fay Mendoza?" Hindi ko alam na may anak pa siyang babae. Tyaka wala akong kilalang Dahlia ang pangalan. Mayroon ba kaming kasosyo na Mendoza ang apelyido? Wala rin naman alam ko ah.

And so who the hell is this woman?

Napailing ako at itinago sa gamit ko ang envelope. Hindi ito ang tamang oras at lugar para mag-isip dahil pwede ko naman itong gawin mamaya.

"I'm sorry but I have to take this from you," sabi ko sa walang malay na empleyado patungkol sa hawak kong envelope ngayon at tyaka lumabas ng CR.

Lumapit ako sa mga guard at sinabi ang nangyari dun sa babae sa banyo kaya naman malaya akong nakalabas ng building gaya kung paano ako nakapasok dahil sa agad nilang pagresponde.

Sapat na siguro ang nakuha ko para makatulong sa ano mang makukuha ni Tyrell sa lakad niya ngayon. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero parang may kinalaman ito sa kausap niya kagabi.

I should just trust him right? And I really do.

***

Imbes na sa bahay ay nag-usap kami ni Tyrell na magkita sa labas para roon na rin kumain ng hapunan. Iwas din iyon sa dagdag trabaho namin sa kusina kaya mas ayos pareho sa amin. Madalas din kasi ay siya ang gumagawa ng lahat para sa akin kaya nakakahiya na rin.

Nagiintay ako ngayon ng mga isang oras na dahil sa mahuhuli raw siya. Ayos lang naman sa akin ang intayin siya kaya walang problema iyon.

Balak namin pagusapan ang mga ebidensyang makakalap namin patungkol kay Tita Felicia. Nakakatuwa nga at parang hulog ng langit ang envelope na ito mula roon sa babae.

Medyo kabado ako sa CCTV camera ng kumpanya namin pero nagawa ko namang hindi mahagip nito dahil sa maingat akong naglakad sa premises. Dati rin kasi ay napansin ko na kung ano ang dapat na taktika para hindi mahagip nito at balak ko pa lang sanang sabihin sa Daddy ko kung hindi ito lahat nangyari.

Sino kaya si Dahlia at bakit sa kanya balak dalhin ni Tita Felicia ang pera ng kumpanya? May malaking utang ba siya? Is it a fake account? I don't know but... the fact that she's doing that money transaction makes her not suitable to have SEE. Mapapaalis agad siya sa kumpanya namin kapag nalaman ito ng board of directors at baka makulong pa siya.

Sa fast food ang pinili kong lugar imbes na sa mamahaling restaurant dahil ayoko rin namang pagastusin ng pagastusin si Tyrell gayong wala akong maiambag pa sa gastusin. Sinong magaakala ang tagapagmanang gaya ko eh ganito ngayon 'di ba? Iba't ibang reaksyon siguro ang makukuha ko sa mga tao kapag nalaman nila.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon