Nakalabas ako sa ospital kinabukasan. Ayoko na rin kasi magtagal sa loob dahil sa alam kong marami pa akong dapat na asikasuhin sa kumpanya. In fact, we have new investors and I need them to further improve our services to our clients. Habang nakahiga ako ay may mga bagay na napapabayaan kaya paano ako mapapanatag.
Iyon ang naging dahilan ko sa aking mga kaibigan. Hindi ko naman kasi mabanggit ulit si Tyrell pero nasabi nila sa akin na tuloy ang pagkikita namin ni Eros. Kung bakit hindi niya maamin sa akin kung sino siya ay hindi ko alam. Hindi na naman nanganganib ang buhay ko kaya para saan pa 'di ba? Imposible namang nagkaroon siya ng amnesia dahil kahit man lang sa paghalik niya sa akin ay ramdam ko na kilala niya ako.
Tanda ko pa kung ano ang mga salitang binigkas niya sa akin. Mga salita iyon na magpapatunay kung sino siya. Bakit bigla siyang umatras sa pagamin na siya si Tyrell? Dahil ba sa nangyari sa akin?
Maaga akong lumabas ng opisina dahil magkikita kami ng alas tres ni Eros sa coffee shop malapit sa office. Syempre ay nagtaka ang mga tauhan ko dahil hindi madalas mangyari na umuuwi ako ng maaga. Kahit nga nandyan si Edward ay tinatapos ko talaga ang working hours ko.
Pero iba si Eros. Kaya kong hindi pasukan ang lahat ng trabaho ko para lang makaharap siya. Kaya kong ibenta ang lahat ng mayroon ako para lang mabili ko ang oras niya. Ganuon siya kaimportante para sa akin. Siya na lang ang mayroon ako bukod sa mga kaibigan ko.
Mabilis ang kabog sa dibdib ko habang naglalakad ako papunta sa coffee shop. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Eros sa loob dahil nakaupo siya malapit sa bintana. Napatingin siya sa akin kaya naman mas lalong nagwala ang mga paruparo sa tyan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nahirapan akong huminga. Ganito pa rin talaga kalakas ang epekto niya sa akin.
Tumikhim ako at binuksan ang pinto. Agad akong naupo sa harapan niya at seryoso lang ang tinging ipinukol niya sa akin.
Hindi niya lang kamukha si Tyrell. Siya si Tyrell.
Hindi ako pwedeng magkamali...
"Good afternoon Ms. See," pormal na bati niya sa akin at pati ang lalim ng kanyang boses ay pareho ng kay Tyrell. Siya si Tyrell.
Bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi. Rumehistro sa isip ko ang mainit na halik na pinagsaluhan namin kaya naman kinailangan niya pang tawagin muli ang atensyon ko.
"H-hi!" Masaya kong bati na bahagyang nagulat.
"I've heard a lot about you," He paused. "I think I have to apologize for what happened-"
Inangat ko ang kamay ko, "No, you don't have to. I would probably do the same thing anyway."
Napangiti siya at natulala ako dahil ganito ngumiti ang lalaking mahal ko. I can whisper little curses right now!
"Let's get to business!" Huminga ako ng malalim. Gusto kong maging direct to the point. "Ikaw ang kukunin kong body guard." Napagisipan ko na ito ng mabuti. Kung gusto ko na mapaamin siya, kailangan ay malapit siya sa akin.
"But I'm the boss," nagtaas siya ng kilay and looked at me as if he finds me amusing.
"Well, kahit doblehin ko pa ang bayad ko. Basta ikaw ang gusto ko," Sumandal ako sa couch at matalim siyang tiningnan. "Triple na sahod?"|
"Okay then. Hindi mo na kailangan pang taasan ang bayad sa 'kin. But I only have one condition," His sexy voice is music to my ears.
"What?" I coldly asked. Kunwari ay hindi apektado sa nagwawala kong kaluluwa.
"We can't be too close to each other. Let's keep our distance," He smirked. "Baka mangyari ulit ang dati," I'm not sure what past it is pero alam kong mapanuya ang kanyang tono.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...