Kabanata 48: Ang Damdamin Para Kay Eros

492 19 2
                                    

I'm scared of going back to our house even though I know that we have to.

Kasisikat lang ng araw at hindi pa rin ako bumabangon. Mas naunang gumising sa akin si Mommy lalo na at mabilis din naman siyang nakatulog. Naririnig ko siya sa labas na umoorder ng pagkain over the phone para dalhin dito sa unit namin. Ang alam niya kasi ay tulog pa ako pero sa totoo lang ay parang hindi ako nakatulog buong gabi.

I have so many questions in my head na dahil sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko na maitanong ng maayos ngayon. Nanaginip din ako tungkol sa tita ko lalo na at tandang-tanda ko pa rin ang nakita ko. It was too vivid to forget. Kahit nga na gumising na ako ay parang binabangungot pa rin ako.

Kung bakit ba naman kasi sa akin pa nangyari ang lahat. Marami namang ibang tao diyan pero sa akin pa talaga... Tingin ba nila na kaya ko? Na kapag ako ang binigyan ng ganitong pagsubok ay magagawa kong malampasan?

Huminga ako ng malalim at bumangon na rin. Dumiretso ako sa loob ng CR upang mag-shower.

Sa ilalim ng pagbagsak ng tubig, sa pagitan ng mainit at malamig, bigla na lang bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung masaya lang ba ako o malungkot din. Kagaya ng tubig na tumatama sa katawan ko, iyon din ang nararamdaman ko. I'm stuck in between two things and it's not really healthy to be indecisive.

Kahit na kasama ko na si Mommy, kulang pa rin dahil hindi ko naman kasama si Eros. Nasanay na rin siguro akong nasa tabi ko siya parati. Not having him by my side silently kills me.

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

"Ano na ang gagawin mo ngayon Ever?"

Parang gusto ko tuloy na bumalik na lang sa pagigng Psyche at mamuhay hindi bilang isang S.E.E. kung hindi bilang isang ordinaryong babae.

***

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Mommy when in fact I should be the one to ask that.

I simply nodded, "Ikaw po? Are you ready to tell me what really happened?" Kumunot ang kanyang noo na para bang ang pagkukwento niya ay napakasakit na bagay pa rin.

Nandito kami ngayon sa may sofa at nakapatay lang an TV kaya naman ang awkward ng pakiramdam sa pagitan namin.

Hindi siya nakapagsalita dahil sa tunog mula sa labas ng pinto. Si Eros kaya ito?

Nagmamadali akong tumayo upang buksan ang pinto at nang gawin ko nga ito, bagsak balikat lang ako. It was just the room service. Ito 'yung pagkain namin na order ni Mommy kanina.

"Mommy, kung nahihirapan pa rin po kayong sabihin sa akin ang nangyari, ayos lang. I'll wait until you're finally ready..." sinabi ko na lang na sa totoo lang, iba naman ang nasa isip ko.

Kumain kaming dalawa ng tahimik matapos maiayos 'yung pagkain sa lamesa.

It felt like we became different... like what happened changed us.

Nang matapos kaming kumain ay nagayos kami bago lumabas ng unit. Babalik na kasi kami sa bahay namin at nagtataka ako kung bakit hindi maramdaman ni Mommy 'yung kaba sa loob ko. Hindi kaya niya alam na maraming namatay sa bahay? Hindi rin kaya niya maramdaman na uuwi kaming wala na si Daddy? Kahit na magkasama na kami, alam kong magiging mahirap na gawing normal ang lahat. There will always be a hole in my heart.

Pinalis ko agad ang luha na bumagsak sa pisngi ko. Kanina pa ako iyak ng iyak. Puno ako ng takot... at gusto ko lang na mayakap sa mga oras na 'to.

Paglabas namin ng hotel ay may sasakyan nang nagaabang sa amin. Unang pumasok si Mommy dito pero tumingin muna ako sa paligid, trying to search for someone in particular.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon