Kabanata 1 : Si Eros

2.3K 55 5
                                    


Kababalik ko lang galing Amerika kagabi at kakaibang scenario na ang kinasangkutan ko sa Pilipinas. Talagang sa pamamahay ko pa mismo.

Pinapasok na ako ni Daddy sa kwarto ko at sinama niya sa kanya 'yung lalaking mukhang silent killer. Hindi man lang niya pinakilala sa akin kung sino ba iyon. Pero ayos lang basta alam kong kilala niya ito at hindi kami nangnganib dahil nasa bahay namin ito. Baka bagong guard namin?

Narinig ko rin kasi sila mula sa labas. Ang narinig ko lang na sabi ni Daddy, may iuutos siya dun sa lalaki. Hindi ko na tinuloy pa ang pakikinig dahil hindi iyon ethical.

Eto ako ngayon at nakahiga sa kama ko. Mabuti at natapos ko ang kolehiyo ko sa Harvard bago ako pinabalik dito sa Pilipinas. Hindi ko muna balak magtrabaho sa opisina namin dahil gusto ko munang mag-relax ng isang taon. Wala na kasi akong ginawa kung hindi ang mag-aral sa Amerika. It's time for me to really get a social life and have many friends. Gusto kong maranasang gumimik para naman magmukha akong normal hindi ba?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tagal kong pagmumuni-muni. Pagod pa rin siguro ako sa byahe. Nanatili akong nakapikit habang pilit na binabalik sa isip ko ang naging panaginip ko. Paano ba naman ay dinalaw na naman ako ng takot. Noong nasa ibang bansa kasi ako, may mga lalaki nang minsang humabol sa akin. Napaginipan ko sila. Mabuti at naturuan ako ng self-defense at kahit papaano ay natakasan ko sila. Hindi ko na lang pinaalam sa mga magulang ko dahil ayoko nang mag-alala pa sila. I'm also glad that I'm back.

Pagkadilat ko ay hapon na at ikinabigla ko nang may tao sa loob ng kwarto ko! Kumuha ako ng unan at binato ko iyon sa kanya. Sisigaw na sana ako nang sing bilis ng kidlat niyang tinakpan ang bibig ko.

"Shhhh."

Teka, siya 'yung lalaki kaninang muntikan ko nang hampasin ng walis ah! Kung hindi lang ako natakot dun sa baril na tinutok niya sa akin e baka tinuluyan ko na siya kanina. Pero anong ginagawa niya rito sa kwarto ko?!

Sa labi niya ako napatingin. Iyon lang kasi ang makikita talaga sa kanyang mukha dahil sa nakayuko siya at yung sombrero niya nakaharang. Mamula-mula ang kanyang labi. Gusto kong makita ng buo ang mukha niya para matanggal ko ang misteryong bumabalot sa pagkatao niya ngunit lumayo siya sa akin at tumayo ng tuwid. Para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Gigisingin sana kita para magmiryenda pero malalim ang tulog mo. Tumayo ako rito para hindi ka matamaan ng sinag ng araw." Walang emosyong paliwanag niya. At tama siya. Nakaharang nga siya sa sinag ng araw sa mula sa may bintana ng kwarto ko.

"Owww sweet." May tonong sambit ko. Ang tamis naman kasi ng sinabi niya talaga. "Pero sino ka ba? Tyaka bakit kilala mo 'ko?" Oo, sa pagkakaalam ko ay kilala niya ako dahil tinawag niya akong Ever kanina. Gulat na gulat pa nga siya e at parang nakakita ng multo.

Yumuko pa siya dahilan para wala na akong makita ng tuluyan sa mukha niya. "Eros. Ako ang personal guard mo. I'll be with you at all times. I'm here to always make sure that you're safe." Kung hindi lang seryoso ang pagkakasabi niya ay matagal na akong natunaw sa sobrang sexy ng pagsasalita niya. Grabe ang ganda ng boses niya lalo na pag English.

Pero anong sabi niya? Personal guard ko?

"Pakisabi kay Daddy hindi ko naman kailangan ng guard. I can manage on my own." sabi ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako papuntang shower room pero humarang siya. "What are you doing?" nagtaas ako ng kilay.

"I'll always be with you." Kung lalaki sa mga pelikula ang kaharap ko ay sobrang panalo na ng linyang binitawan niya. Pero hindi naman so no feels at all kumbaga.

"Teka nga, Can't I see your face? I can't trust you with you hiding behind all these stuffs." Iritableng sabi ko.

"It's forbidden to see me. Though, I can assure you that you can trust me." First of all, I can see him. Hindi naman siya invisible. Pero 'yung hindi ko makita ng buo ang mukha niya. That's what bothers me.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon