Kabanata 34: Paninikip ng Dibdib

503 20 4
                                    

Nagaayos ako ng gamit para umalis na at wala man lang nagtatangkang pumigil sa akin. Sabagay, hindi ko sila masisisi dahil ayoko nang magpaliwanag pa. Hindi ko rin naman alam kung maniniwala sila sa akin kaya bakit ko pa ipagtatanggol ang sarili ko? I'm so sick of this life! Kung bakit ba kasi ako pa ang naligtas at hindi ang mga magulang ko...

Natauhan ako sa sinabi ni Er- Tyrell. Bakit ko nga naman ba sila dinadamay pa? Tapos na ang trabaho niya sa akin at pamilya ko kaya hindi na dapat ako nakikisiksik sa buhay nilang magkapatid.

Siguro nga panahon na para gawin ko ang matagal ko nang plano. Iyon ay ang lumayo na sa kahit na sinong nakakakilala sa akin. Ito na rin siguro ang makakabuti para sa lahat - ang mawala ako.

Matapos kong ilagay lahat ng gamit ko sa maleta ay agad akong lumabas ng kwarto na pinagamit lang nila sa akin. Iniwan ko na rin ang phone na binigay ni Tyrell. Wala akong dinalang kahit na ano galing sa kanila.

Imbes na yumuko pagkababa ko at tahimik na umalis ay hinarap ko sila pareho lalo na si Tyrell. Nandito pa rin sila sa sala at nasa parehong posisyon noong iwan ko. "Salamat sa lahat ng naging tulong niyo sa akin at sana mapatawad niyo ako sa lahat ng perwisyong idinulot ko sa inyo. I guess this is goodbye," Pinilit kong maging matatag pero nang humakbang akong muli ay nanlabo ang mga mata ko. Epekto pa rin ito ng kaparehong gamot na nainom ko kagabi.

May humawak sa magkabilang braso ko bilang pagalalay at sa hawak pa lang na 'yon ay alam kong si Er-Tyrell na... Mas lalong sumama ang loob ko sa pagpapakita niya ng concern kaya pinalis ko kaagad ang pagkakahawak niya sa akin.

"You don't have to leave," Narinig kong sinabi ni Tyrell mula sa likod ko at napabuntong hininga ako bago nagsalita.

"But you made me," And before I knew it, I'm already outside their house.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng gate nila. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa ipagpatuloy ang buhay ko. Nawalan na rin siguro ako ng rason.

"Just stay. Wala kang mapupuntahan," Hindi ko inasahan ang pagsunod sa akin ni Tyrell ngunit mas pinili kong hindi siya tingnan kahit na sumasagot ako sa mga sinasabi niya. Nasa kalsada na ako ngayon.

"Ayos lang. Ako na ang bahala sa sarili ko para naman hindi ako makaistorbo sa buhay niyo," sarkastiko kong sinabi.

Grabe siya kung makapagsalita tapos ngayon pipigilan niya ako? "May mga masasamang tao na pwedeng manakit sa 'yo dito sa labas," At akala naman niya matatakot pa niya ako?

Napahinto ako, "Ay. Tingin ko kahit sa loob ng bahay niyo may masamang tao rin na nanakit sa akin," Inginuso ko siya at natawa siya na parang nagbibiro ako pero seryoso ko lang siyang tiningnan kaya sumeryoso na siya na parang napahiya. Aba dapat lang!

"Basta, sige na bumalik ka na," Ganito pala siya mang-persuade ng tao? If he can at least say sorry...

"You don't have to worry anymore. Responsibilidad ko ang sarili ko," Hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa akin kaya naman wala na akong ibang choice kung hindi harapin siya at magsalita once and for all kahit masaktan pa siya.

"Babalik na tayo?" Aba asa ka! 'Yung tingin at tono pa niya parang puno ng pag-asa.

"Why? Do you think I'm your Everlister again?" Nagdilim ang kanyang awra sa sinabi ko at nang magpatuloy ako sa paglalakad, wala nang Tyrell na sumunod sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisisi sa sinabi ko dahil ito ang weak point niya...

***

I have no idea where the hell I'm going but I just walk and walk and walk.

Bakit ba ganito ako kamalas? Ano bang ginawa kong masama para maging ganito kahirap ang buhay ko? Aanhin ko lahat ng kayamanan o bagay sa mundo kung wala naman ang pamilya ko sa akin? Kung wala akong makakasama sa buhay?

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon