Lumipas ang ilang buwan hanggang sa hindi ko napansing patapos na naman ang summer. Nandito pa rin ako sa Amerika kasama malamang si Tanjiro habang si Mommy nagaasikaso ng mga businesses namin sa Pilipinas.
Wala nga akong balita sa lagay ng S.E.E. dahil ayaw ni Mommy na ma-stress daw ako tungkol dito. Although, I really want to do something.
Ngayon ko balak bumalik sa amin dahil palagay ko ay mas handa na ako harapin ang mga bagay-bagay. Nakaayos na ang mga gamit ko matagal na at bibitbitin ko na lang ngayon.
"Let's go," sabi ng karterong kasama ko na kahit yata sa panaginip niya ay hindi ko nangitian magmula nang araw na binunyag nila ang totoo sa akin.
I was busy. I was busy searching for myself that I think I've lost after everything that happened in my life. Nag-aral akong muli para mas magkaroon ng kaalaman sa kumpanya namin lalo na at nakausap ko ang attorney ni Daddy noon pa na ako raw ang magmamana nito. I don't want to let him down.
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong niya pa pagkasakay namin sa loob ng kotse.
"Wala."
Tumingin ako sa bintana habang ramdam ko ang mapungay niyang mga mata sa likod ko. "Sigurado ka na bang babalik ka pa?"
Ilang beses pinakita ni Tanjiro ang pagaalala niya sa akin pero sino ba siya? Isang karterong walang ginawa kung hindi mangielam sa bawat desisyon ko. Wala akong pakielam sa nararamdaman niya kaya wag na lang din siyang mangielam sa kung ano mang nararamdaman ko.
Hindi na lang ako sumagot at nagkunwaring tulog sa buong byahe.
***
Sa loob ng eroplano, pagkatapos ng turbulence, tumayo ako para mag-CR kaso ay nakaramdam ako ng pagkahilo papunta roon. Napahawak ako sa upuan ng isang pasahero upang mapigilan ang pagtumba ko. Wala rin naman si Tanjiro sa tabi ko para tulungan ako dahil nakaupo siya sa pwesto namin at abala sa mga babasahin niya.
Tumingin ako dun sa nakaupo sa hinawakan kong upan at lalaki pala ito pero nakatagilid ang mukha kaya hindi ko makita. "I'm sorry..." Nasabi ko na lang dahil baka nakaabala ako.
Pagkatapos kong mag-CR ay dinaanan ko siyang muli pero ganuon pa rin ang pusisyon niya. Hindi kaya siya nangangalay? Kasi naman ay hindi mukhang kumportable ang pwesto ng paghilig niya. I pouted and started thinking.... Sandali akong natulala bago ako pinabalik ng flight attendant sa upuan ko.
***
Pagdating sa airport ay inintay ko muna si Tanjiro habang may kausap sa kanyang phone. I feel irritated as I am very impatient nowadays. Sinabi ko na lang na bibili muna ako ng pagkain dahil sa sumasakit na naman ang tyan ko at hinayaan naman niya ako basta hindi ako mawala sa paningin niya. Mas may tiwala na naman sila sa akin ngayon lalo na at sa pananatili ko sa Amerika ay wala naman akong ginawang kalokohan. Bukod nung mga una kong araw doon syempre...
Inintay ko si Tanjiro sa may food stand dahil mukhang napatagal ang pakikipagusap niya. Hinayaan ko na lang ang mga mata ko na suyurin ang paligid. Medyo maraming tao ngayon dito at lahat may kanya-kanyang ginagawa. I had to stop looking though.
Agad akong napayuko.
Huminga ako ng malalim tyaka iniwan ang mga binili ko bago naglakad mabilis pabalik kay Tanjiro. Umiiling lang ako dahil imposible. Oo imposible. Kanina pa ako namamalikmata.
Tapos na siya sa pakikipagusap pero parang gulat siya nang makita ako sa tabi niya. "What? Hindi ba tayo aalis at dito na sa airport matutulog?" I rolled my eyes impatiently. "Anong petsa na kaya!"
"Let's- uhm Go," He stuttered. Napataas ako ng kilay.
I could see that there is something bothering him. Hindi ko nga lang malaman kung ano iyon in particular. "What's wrong?" I boldly asked him. Palagay ko ay may kinalaman ito sa katatapos lang niyang phone call.
"May kailangan tayong puntahan," seryoso niyang sinabi at sinundan ko na lang siya nang maglakad siya papunta sa isang direksyon.
I almost fell on the floor AGAIN dahil sa pagkapatid pero mabuti at mabilis talaga si Tanjiro kaya nahawakan niya ako sa beywang. "Ayos ka lang?" kunot-noong tanong niya.
"Oo tatanga-tanga lang talaga," sagot ko naman at nagtuloy na kami. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa pagiging lampa ko.
Mukhang balak niyang pumunta sa may parking lot kaya baka nanduon ang kotse na gagamitin namin at walang driver na pinadala para sa amin.
Nasa likod lang ako ni Tanjiro nang maramdaman ko ang biglang paghila sa akin ng kung sino. Para akong nakuryente sa bilis ng pangyayari.
I couldn't resist from the strong grasp nor said a word because this person's other hand covers my mouth.
This person hid me in a dark corner where I couldn't see anything. Kayang-kaya niya akong bitbitin sa lakas niya.
I decided not to do anything though. I didn't even move. Namanhid na ba ako sa ganitong mga sitwasyon? Ewan ko rin. I could only feel my heart beating so fast. Dito na niya ako binitawan. Hinayaan na niya akong malayang makaharap siya.
Pero hindi ko naman siya makita.
All I can do is feel this man's presence.
"Stay away from your mother and that man you're with," He whispered. I could smell mint.
I could smell him.
I could sense the familiarity.
"Sino? Si Tyrell ba? Matagal na akong malayo sa kanya. Ay mali. Hindi ko nga alam kung naging malapit ba talaga kami," I bitterly said thinking of my twin sister over and over again. All the broken pictures, together as one, in my mind.
Bigla kaming natahimik bago sirain ni Tanjiro ang katahimikan sa pagitan namin, "Miss Ever!" Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan ko. Akala siguro niya ay tumakas na naman ako.
Ano ba ang sinasabi ng taong 'to na kaharap ko ngayon?
Umirap ako at aalis na sana nang ikulong akong muli ng taong 'to sa kanyang mga bisig. "It is not safe to be with them. It will never be."
"Then how can I be safe? How can I be safe if everyone around me wants me to die?" Mangiyan-ngiyak kong tanong. Bakit ganito? Bakit kahit sobrang sakit ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko? "Do you think I can be safe if I stay with you?"
Wala akong narinig na sagot mula sa taong ito. Lumayo siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo. Tanging likod niya ang nakikita ko ngayon.
"Eros..." Huminto siya sa pagtawag ko pero tumuloy din sa sumunod kong sinabi, "Sana namatay ka na lang."
Sana namatay ka na lang...
Sana namatay ka na lang Eros...
Sana hindi ka na lang nabuhay...
Sana wala na lang Eros.
Napaupo ako sa semento kasabay nang paghilamos ko ng mga kamay ko sa aking mukha. Nakarinig ako ng mga yabag at alam kong si Tanjiro na ito na nakarinig sa paghikbi ko ng malakas.
"Anong problema?!" malakas pa nitong tanong.
Marami. Maraming problemang hindi masolusyonan!
How can I be safe?
***
Posible pa kayang maging ligtas si Ever? Ano ba talaga ang katotohanan? Sino ba ang nagsisinungaling? Ano pa ang mga mabubunyag at susunod na mga mangyayari?
Hint: "Sometimes, it's in the darkness where one can see the light."
Abangan :)
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...