Kabanata 5 : Bianca at Tyrell

1K 32 1
                                    

When I was a still a young girl, I really love reading fairy tales.

Naging pangarap kong masali sa bawat mababasa kong kwento ng mga prinsesa. Kinainisan ko rin ang mga masasamang tao sa loob ng mga kwentong iyon.

Rito, lahat ay posible at ang pangit na pangyayari ay maaaring gumanda. Noon ay labis akong naniniwala rito. Hindi naman ito masama dahil bilang bata, iba pa ang tingin ko sa aking paligid - sa mundong ginagalawan ko. It all makes sense.

Nagbago lang naman ito nang lumaki na ako at nakita ko na ang totoong mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagbago lang naman ito nang lumaki na ako at nakita ko na ang totoong mundo. Hindi pala ito perpekto. Hindi lahat ng nangyayari sa atin ay maaaring maging maganda o maayos sa huli. Hindi lahat may happily ever after o kaya'y prince charming.

Pero sa kabila nito, umaasa pa rin talaga ako na isang araw, may darating na lalaki and he will be my knight in shining armor. Hindi ako nito hahayaang malagay sa panganib, he'll always be there to protect me and keep me safe.

"EROS!"

Who would have thought that I'll be calling his name now?

Pinaimbestigahan ko na siya at nalaman kong hindi naman pala iyon ang tunay niyang pangalan. Sino ba talaga siya? Gusto ko siyang makilala.

Siya ang alam kong magliligtas sa akin sa panganib pero hindi naman iyon dahil sa kagustuhan niya. Alam kong ginagawa lang niya ito dahil sa tungkulin niyang protektahan ako.

Nakita ko si Eros na nakayuko at naghahabol ng hininga. Para bang sumali siya sa isang marathon. Tagaktak din ang kanyang pawis. Agad ko siyang nilapitan at bumagsak ako ng hindi sinasadya sa mga braso niya dahil sa labis na panghihina. Inakap ko siya ng mahigpit at wala akong pakielam kung may ibang tao man sa paligid.

Maybe he's a knight but not really my knight.

Pero ayos na rin.

"M-Miss Rose..." mahinang bulong ni Eros sa akin na para bang nagaalangan pa. Doon ako natauhan. Ever! Ano ka ba?! Kayo ba para akapin mo siya ng ganito? Hindi mo ba balak bumitaw?!

Feeling close ka naman masyado! Para na siyang suman sa pagkakayakap ko ng mahigpit.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin kasi hiyang-hiya ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Nadala lang naman ako ng emosyon... Nababaliw na talaga ako.

Isa lang ang nakikita kong paraan para makatakas sa nakakahiyang sitwasyon na 'to.

"Miss Rose! Miss Rose!" sigaw ni Eros kasi nagkunwari akong nawalan ng malay. Pinikit ko lang ang mga mata ko sa sobrang hiya ko. Sana hindi niya makita na pulang-pula ang aking mukha.

Binuhat ako ni Eros, 'yung buhat sa mga bagong kasal, hanggang sa makarating kami sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Marahan niya akong isinakay sa likod at tahimik siyang nagmaneho.

Mukhang balak pa yata niya akong dalhin sa ospital. Wag na! Kasi baka mag-alala na naman sa akin ang mga magulang ko at magkaroon pa ng gulo.

Umupo na ako ng maayos sa likod at nagkunwaring ngayon lang nagkamalay. "N-Nasaan tayo E-Eros?" Sana pumasa na sa kanya ang pag-arte ko.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon