"Pool Party?" tanong ko kay Emily. Nabigla kasi ako sa pagtawag niya tungkol dito.
"Oo ilang ulit ba? Pool party nga!" natatawang tanong niya. She's inviting me sa isang pool party para raw i-celebrate officially ang pagbabalik ko rito sa Pilipinas. Siya ang nag-organize para sa akin at kaklase namin kaya hindi ako dapat mawala. Pagkakataon ko na rin ito para magkaroon ng matibay na social life.
I was asked not to tell everyone about what happened to me. Baka kasi makaapekto sa business namin pag nalaman na nasa panganib ang buhay ko. Mahihirapan sila pag nagkataon na ibigay sa akin ito sa hinaharap. Mas maganda nang ang tingin ng lahat sa akin ay capable akong tagapagmana. Iyon lang at wala nang iba pa. Sino ba naman ang gugustuhing ipagkatiwala ang kompanya sa isang taong nasa panganib ang buhay hindi ba?
Kalalabas ko lang ng ospital ngayong umaga at nandito ako ngayon sa kwarto ko nang tawagan ako ni Emily. Bukas ng gabi ang pool party pero alam ko namang takot pa rin ako sa tubig hanggang ngayon.
Kaso ayoko namang sayangin ang inihanda nila para sa akin.
"Sige sige pupunta ako. Thank you Emily." Pinilit kong gawing masaya ang tono ng pananalita ko. "Byebye!" Kahit na sa totoo ay kabado talaga ako.
Humiga ako sa kama ko at pumikit. Naalala ko ang sagot na binigay sa akin ni Seth nung tanungin ko siya sa ospital...
Sila lang ba?
Sila lang ba talaga ang may ayaw? Sa kanila lang ba ako mahalaga?
Tanda ko pa nang harapin niya ako para sagutin lang ang mga tanong ko.
"Mahalaga ka sa buong S.E.E dahil ikaw ang nagiisang tagapagmana."
"Ikaw? Para sa 'yo?"
"Trabaho kong protektahan ka. Siguro naman sa sinabi ko alam mo na ang sagot."
Ang lamig ng sagot niya sa akin. Mukhang false hope lang talaga iyon. Nanaginip lang ako nang makita kong iniiyakan niya ako habang tinatawag akong Ever.
Pero bakit ba kasi akong umaasa na may pakielam talaga siya sa akin kahit na hindi niya trabaho ang protektahan ako? Dahil ba sa gustong-gusto kong magkalove-life ngayon kaya ganito ako ngayon sa tagapagbantay ko?
Ewan ko sayo Ever. Hanggang Miss Rose ka na lang kasi talaga kay Eros. Isa pa, 'ni hindi mo nga kilala 'yung tao tapos mahuhulog ka kaagad?
Siguro bukod sa paggala ay magse-set na rin ako ng ilang blind dates. Kakausapin ko si Mommy at Daddy tungkol dito. Ayoko rin namang maging matandang dalaga. Isa pa, magandang may katulong ako sa mamanahin kong kompanya.
Naupo ako at napaatras pagkakita kay Eros sa loob ng kwarto ko. "Pasulpot-sulpot ka naman! Next time uso rin ang kumatok. May pinto naman kasi." sarkastikong sabi ko. Ginulat niya kasi ako sa pagdating niya!
"Kumain ka na sa baba." Matipid niyang sinabi na parang robot sabay labas muli ng kwarto ko. Umirap na lang ako sa kawalan at sumunod.
Babe kain ka na sa baba hmm?
Natapik ko ang noo ko nang maisip kong malambing ang pagkakasabi niya sa akin kanina. Kinilabutan naman ako dun.
Bumaba nga ako at nakakakain na naman ako ng maayos. Mukhang magaling na naman talaga ako dahil wala na akong kakaibang nararamdaman.
Naupo muna ako sa may couch sa sala pagkakain at si Eros naman ay naupo hindi kalayuan sa akin. Bubuksan ko na sana 'yung TV nang magsalita siya kaya napahinto ako.
"Bakit ka tumalon?" Nagawa ko pang matuwa dahil nagtanong siya sa akin.
"Uhm kasi mababaril ako kung hindi?" Medyo hindi ako nakuntento sa sagot ko pero tumayo na siya.
"Magpahinga ka lang ngayong araw."
"Bukas ng gabi aalis ako." Hinarap niya ako tyaka nagsalita.
"Saan ka pupunta?"
"Syempre isasama kita. Kaya saan tayo pupunta? May party na ginawa ang mga kaibigan ko para sa akin. Doon tayo pupunta." Diniinan ko 'yung "tayo". Tumango lang siya.
"Tumalon ako kasi nakita kita. Alam kong pag tumalon naman ako, ililigtas mo ako."
At tyaka siya umalis pagkarinig sa sagot ko.
***
Inantay kong umuwi sina Mommy at Daddy pero nalaman ko nang tumawag sila na hindi sila makakauwi ngayong gabi. Sinabi naman nila na masaya silang maayos na ako. Kuntento na ako sa kung ano ang kaya nilang ibigay sa akin...
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Eros. Nandito pa rin kasi ako sa sala at nakaupo lang kami pareho ngayon. Bumalik siya matapos kumuha ng isang baso ng tubig. Habang nagiintay ay naging abala na lang ako sa pagbabasa ng libro. Buti nga at kaya niyang hindi makatulog gayong alas dose na ng madaling araw.
"Mauna ka na." sabi ko dahil hindi pa ako inaantok. Gusto ko ngang maligo sana kaso pinagbawalan ako ng doktor.
"Bantay mo ako. Hindi pwedeng iwanan kita."
"Edi matulog ka dyan sa upuan. Kaya mo naman 'yun siguro?"
"I can't fall asleep. Baka may biglang mangyari." Masyado naman yata siyang kabado. Nandito naman kami sa loob ng bahay at may iba pang security kaya bakit kailangan sobra siyang magalala hindi ba? Why so paranoid?
Humikab siya at natawa na lang ako. "Tulog na kasi-"
"Ay sorry ho!" agad na sinabi ng katulong namin nang mabitawan niya ang hawak niyang baso ng tubig. Nagulat ata namin ni Eros kasi gising pa kami.
Lumapit naman ako agad para tulungan siya pero nanginig ako pagkakita sa tubig sa sahig lalo na nang madampi ang paa ko roon. Napaatras ako at naramdaman ko si Eros sa likuran ko na umalalay. May kamay ding tumakip sa mga mata ko.
"Pakipunasan agad." sabi ni Eros sa katulong at hinarap niya ako sa kanya.
"Iwasan mo muna ang tubig. Unless you'll drink it." Nagka-trauma ba ako dahil sa nangyari? Mas lumala pa ang takot ko kaysa dati...
Pero kung iiwas ako sa tubig...
"Paano ako maliligo?!" napasinghap ako.
Hindi ko alam ang reaksyon niya dahil sa cap na suot niya pati shades. "Magpunas ka na lang muna hanggang hindi mo pa kaya?"
"Yuck! Kadiri naman 'yun e. Don't worry susubukan kong maligo."
"I'll wait for you outside when you want to take a bath." Nang sabihin niya 'yon ay nag-init ang pisngi ko. Ano ba Eros! Sa lahat ng tao rito sa bahay ikaw talaga magiintay sa labas ng banyo ko?
Inalalayan niya ako pabalik sa sala kung saan kinuha niya ang libro ko. "Magpahinga ka na sa taas." At nang sabihin niya 'yon ay wala na akong nagawa kung hindi sumunod.
"Do you trust me?" tanong nito nang marating na namin ang pinto ng kwarto ko.
"I now do. Sobra." sagot ko at hindi ko napigilan ang pagngiti.
"Miss Rose, I hope you can really trust me." sabi nito tyaka ako pinapasok ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...