"Ano ba ang bagong aabangan namin mula sa 'yo Edward?" masayang tanong ng host. She's really good with events like this I guess. Hindi nagiging boring ang pagkausap niya kay Edward Limen and she keeps everyone interested with her set of questions for him. Hindi naman ako mapakali sa upuan ko dahil bukod sa pagkagalak ay gutom na rin ako. Likas naman sa tao ang magutom dahil hindi ako robot.
"I am currently writing a book. Tungkol ito sa isang post na nabasa ko online. There's this woman who inspired me," Edward smiled. Kaedad ko lamang siya pero mas fresh pa ito sa akin. I really doubt kung nagka-pimple na ito dahil sa kinis ng kanyang balat. Mukhang mas maputi rin ito sa akin at alagang-alaga ang sarili. Talaga nga namang kumikinang siya sa mga ko.
Wait. A woman? I'm happy for him lalo na at mukhang may love interest siya. Ngayon pa lang ay curious na ako sa libro na sinusulat niya. Talagang bibili ako kapag nai-publish na ito! Maswerte ang babaeng ito lalo na at pinahahalagahan siya ng lalaking gaya ni Edward na mature mag-isip at talagang maaasahan.
"Wow, so pwede ka bang mag-share ng kahit kaunti about this new book that you are writing right now?" tanong ng host.
He looked at the audience area, "Well, it's about fighting your fears and moving forward with your life." Sinuyod kami ng kanyang mga mata. Huminto ulit ang tingin niya sa akin at para bang pamilyar na tingin ang pinukol niya sa akin. Inalis din naman niya ito para tumingin sa host. Siguro'y wala lang naman iyon.
Siguradong magugustuhan ko ang libro na isinusulat niya dahil akmang-akma ito sa akin. "This woman posted before about her fears, dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng ideya kung ano ang dapat kong isulat. I'm glad that right now, patuloy pa rin niyang nilalabanan ang kanyang takot at nagpapatuloy sa buhay," sa bawat pagbigkas niya ng salita ay malalaman talagang edukado siyang tao. I can never get tired of listening to his words. He's so believable. It's as if I can easily be fooled by his words.
Natapos ang interview sa kanya at pinapila kami sa book signing. I'm glad na pang 20 ako at hindi ko na kailangan pang magintay ng matagal. Gutom na gutom na kasi ako! Lagpas tanghalian na rin kasi kaya medyo hilo na ako sa gutom.
Unang sampu ang hinayaang makalapit kay Edward, magpapirma at magpa-picture. Sa ikalawang pila ako nagkaroon ng pagkakataon.
Habang papalapit ako sa kanyang mesa ay mas nangingiti ako. Para akong super fan na atat na atat makalapit sa kanya. I am even glad that I'm breathing the same air as him.
And finally!
Nasa harap na ako ni Edward at nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti rin siya sa akin gaya ng ginagawa niya sa ibang fans. Kilig naman ako syempre bilang fan.
"Hi!" sabi ko sa kanya at nakipagkamay. Nahihiya ako dahil hindi ko napansin kung basa ba ang kamay ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa paglapat nito sa akin. It's bigger than my hand kaya nasakop ang akin ng kanya.
"Akin na 'yung phone mo miss," sabi ng bantay dahil hindi pwede ang selfie. Sayang at iyon pa naman ang gusto ko. Mas marami mas maganda dahil fan talaga ako.
Binitawan ko siya dahil mukhang nagmamadali na ang mga bantay dito dahil marami pang nakapila. Nilabas ko muna ang mga libro ko mula sa paper bag at inabot ito sa kanya. Natataranta naman ako dahil nakatitig lang sa akin si Edward sa peripheral vision ko aw if he's thinking something amusing.
"Nabasa mo lahat nang 'to?" manghang tanong niya.
"Oo naman! Sobrang nakatulong lahat ng 'yan para maging maayos ako," masaya kong balita. Napirmahan na niya lahat bago siya nagangat ng tingin sa akin.
"I'm glad that you are okay now," makahulugan ang tingin na binigay niya sa akin.
"Picture na!" sigaw nung bantay na may hawak ng phone ko kaya naputol ang pagtingin namin sa isa't isa ni Edward. I felt something weird tuloy sa sinabi niya. There's too much concern in his eyes.
Natapos ang picture at umalis na ako dala ang paper bag ko. Hindi ko na natingnan pa si Edward dahil nga sa nagmamadali na silang lahat. Pero tumatak sa isip ko ang komento niya kanina. Bakit niya nasabi iyon? As if he knows me...
Nagmadali naman akong humanap ng fast food sa mall para makakain. Pagka-order ko ay tiningnan ko na ang kuha sa amin kanina ni Edward.
Napasibangot ako dahil sa blurred halos lahat! 'Yung isang matino ay natakpan naman ng liwanag ang mukha ni Edward! Ano ba naman 'yan dapat nag-selfie na lang kami eh!
Nawalan tuloy ako ng gana sa pagkain ko dahil sa litrato namin. Alam ko naman kasi na malabong magkita pa kami nito. Sayang naman ang pagkakaton ko! Nakakainis lang talaga!
Nang matapos akong kumain ay nagpunta na ako sa parking lot. I guess I'll go straight to my condo at magpapahinga para bukas ay may lakas ako sa pagpasok. Isang linggo ko na namang haharapin ang trabaho ko. The mere thought of it makes me sad... wala na kasing bago sa araw-araw.
Nang makarating na ako sa parking lot ay bahagya akong kinilabutan. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Walang tao rito ngunit iba ang sinasabi ng instinct ko. Nagmadali akong maglakad papalapit sa motor ko. Bumilis ang paghinga ko sa takot na nabubuo sa loob ko.
Nang makarating sa motor ko ay agad akong sumakay. Inaayos ko sana ang aking suot na helmet nang maramdaman ko ang marahang pagkatok ng kung sino rito kaya napasigaw ako!
Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko.
"E-Edward?" I stuttered! Paanong hindi gayong kaharap ko ang iniidolo kong writer! Tyaka natakot pa ako sa kanya!
Nakangiti siya sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Nakita ko sa kanyang likod ang kanyang bantay na nagiintay sa kanya. Halatang naiirita na ito dahil sa pagkunot ng noo. He's also worried na may makakita sa aming dalawa ni Edward. Pero wala namang ibang tao rito.
"Ms. Ever Rose See," binanggit niya ng buo ang pangalan ko kaya naman nakaramdam ako ng pagdududa. Bakit niya ako kilala? "Relax, kung fan kita... I can say na mas fan mo 'ko," He laughed.
Kumunot lalo ang noo ko, "Bakit mo 'ko kilala?" Natabunan ng labis na pagtataka ang naguumapaw kong paghanga sa kanya kanina.
Inangat niya ang kanyang kamay na akmang makikipag-shake hands sa akin, "I want to formally introduce myself. I'm Edward Limen and you are my current inspiration."
Naubo ako sa sinabi niya, "A-ako?" I managed to ask.
He simply nodded.
"Bakit ako?"
"It's about your post-" May dumaang mga tao kaya nailang ata siya. Sabagay ay mahirap nang magkaroon ng issue, "Pwede ka bang sumama sa amin nang mas magkausap tayo ng maayos? I've been wanting to see you para makausap ka kaya nga lang alam kong busy ka rin gaya 'ko."
Upang maging malinaw sa akin ang nangyayari, I came with them. Nagpatawag na lamang ako ng tauhan mula sa bahay para dalhin ang motor ko sa condo.
We have a lot of things to talk about.
Ngumiti siya nang sumama ako sa kanila ngunit naglaho rin ito.
Pagkasakay ko sa sasakyan ni Edward ay mariin siyang nagsalita sa driver, "Bilisan mo. Kailangan na nating umalis dito." There was urgency in his voice.
Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang hawakan nito ang kamay ko, "Anong nangyayari?" tanong ko agad habang nanginginig ang boses. Kinakabahan na ako sa kanyang kinikilos. He is a man full of surprises.
Tumingin siya sa akin ng malalim bago nagsalita.
"Someone's following you," he muttered under his breath.
Natahimik ako at napapikit ng mariin habang hinihimas ang aking sentido.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...