[2] Not That Easy To Go

10.5K 423 366
                                    

Nang marinig ni Verdandi na tinawag ang pangalan niya ay di sya makapaniwala. Tinanong pa nya ulit si Fleur-Lancaster ngunit inulit lang nito ang pangalan niya. Na may malapad na ngiti.

Nag-cheer din naman ang mga kaklase niya pero di pa rin maintindihan ni Verdandi dapat niyang maramdaman. Masaya siya, syempre. Makakasama na niya si Yona at ang dalawa pa niyang classmates (masayang kasama si Patrick, siguro matitiis naman niya ang kasupladuhan ni Niccolo) at scholar pa siya.

Pero di pa rin talaga siya makapaniwala sa swerte na inabot nya. Ang unang pumasok sa isip niya: makakaya ko kaya ang pressure sa isang elite school na gaya ng Arts Academy of Gaia Gettysburg? At--kunot-noong tanong niya sa sarili--paano ko ba yun naipasa? Seryoso ba 'to?

Ngumiti na lang siya. Ang galing ko talagang tsumamba. Bwahahahaha--

Pinakita pa ni Fleur-Lancaster sa buong klase nila ang papel kung saan naka-encode ang pangalan nila. Klarong-klaro. Ando'n nga ang pangalan nilang apat sa papel na yon. Walang labis, walang kulang.

Kaya pagkatapos ng klase nila, ay dumiretso na silang tatlo sa Principal's Office. Tatlo, dahil kahit na dumating din si Patrick (na na-shock din syempre sa balitang natanggap niya) ay bigla na lang sumibat si Niccolo.

Hinabol niya pa ito para pasamahin sa kanila pero ang sinabi lang nito: "Hindi ako interesado."

Napalunok lang si Verdandi sa inasal nito sa kaniya. Talagang, kahit kailan ang suplado nito. At sasayangin lang ba nito ang opportunity na makapag-aral ng libre sa ibang bansa at sa isang elite school pa?

Napakibit-balikat na lang si Verdandi. Sabagay, sa yaman nga naman din nila Niccolo, di na nito kelangan ng scholarship para makapag-aral sa isang magandang eskwelahan. Kahit saan nito piliin--MIT, Harvard, Cambridge, Todai, King's College, etc.--ay kayang-kaya nitong mag-aral do'n. Samantalang sila, minsan lang dumating ang tsansang ganito.

Hay. Pero sila ni Yona at Patrick, kelangang-kelangan nila ang scholarship na 'yun.

Bahala na nga ang Niccolo na yun! Naiinis na sabi naman niya sa sarili. Bakit ba kasi nababahala siya dun?

"Oh, just let Mr. Rothermere be. Ako na lang mismo ang kakausap sa mga magulang niya tungkol dito. That kid--really," Natatawang sabi naman ni Mr. Arida, ang principal nila nang sabihin ni Yona ang ginawang pagtakas ni Niccolo. Talagang si Yona pa ang nagsabi with that worried look on her face. "Anyways, congratulations for passing the  special scholarship exam, slash entrance exam na rin. I never thought we'd pass four students this year!"

Napatingin lang sila dito at nagpasalamat. Nagtanong naman si Patrick. "Totoo ba yun, Mr. Principal? Sure? Baka joke lang yun? O scam?"

"Bakit naman hindi?" Seryosong sabi naman ng Principal. Napapitik ito sa hangin. "Ah. Kasi hindi sinabi sa inyo prior sa exam na for scholarship pala 'yon at wala kayong narinig about it from your seniors last year? That's because we intended to keep it secret."

"How did you do that?" Tahimik na sabi naman ni Yona. "Ang mapatahimik sila?"

"Easy. We just told them, that it would be unfair for them if you already know about the yearly exam. Kahit ang majority sa inyo would rather follow that rule, kasi tradition naman talaga 'yon. It would be unfair yo you, unfair to the AAGG, and unfair to your juniors. Mas maganda na tahakin nila ang challenge na tinahak niyo as you did, right? So that they would learn." Tumango naman si Yona sa narinig. "Ang hinahanap nila ay yung mga students with a  naturally high intelligence."

"Kung ganoon po," Tanong naman niya. "Bakit hindi po nakapasa si Joselito? Mula po noong first year kami consistent po sya sa honor roll  samantalang ako pasulpot-sulpot lang. Hehehehehe. Matalino naman po siya eh."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon