[86] Everything I Have Done

2K 128 95
                                    

Hi guys! Maraming salamat ulit sa pagbabasa at paghihintay ng updates. Di ko inasahan na magugulat talaga kayo doon sa revelation kung sino ang suspect, though banzai sa mga nakahula hahahahahaha... Nilatag ko na lahat ng clues throughout the story kaya mula simula siya na talaga. Kung gusto niyo silipin niyo 'yung mga scenes na binanggit ni Syberria, though sa haba nito tingin ko mahihirapan niyo ng malocate 'yon hahahahahahaha... Kung may tanong kayo lagay niyo lang at susubukan kong sagutin. Sana di kayo masyadong mashock sa personalities nila hahahahahaha... Video sa taas, naisip ko lang na medyo fitting na soundtrack para sa villainess natin, pero baka matawa kayo kung iplay niyo 'yan. Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 86
Everything I Have Done

Sa loob ng maraming minuto ay walang nakapagsalita. Lahat sila ay nakatitig lang kay Syberria. Matalim ang tingin nina Kai, Sebastien, at Osiris dito, na nauna nang makita kung sino ito bago sa kanya.

Ngunit si Verdandi na hindi pa rin ma-process ang nakikita ay nanatili lang na nakatingin dito. Pati ang babae ay nakatingin lang din sa kanya at amused na nakangiti.

Sa kung anong dahilan ay parang--parang hindi totoo ang lahat.

Tumawa ulit si Syberria.

"Anong klaseng tingin 'yan, Verdandi?" sabi nito sa kanya. Naglakad ito sa paligid ng paanan ng trono nito. Pero hindi ito lumapit sa kanila. "Hindi ka ba makapaniwala na hindi ang katabi mo ang taong nasa likod ng lahat ng ito? By the way, Kaizer, you served your purpose very well. Congratulations. Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng isang taong ginawang parang puppet nang hindi nila alam. Lagi niyo namang ginagawang mga nobilities 'yon eh."

"Tumahimik ka," sagot ni Kai. "Masaya ka ba? Na naramdaman mo kung paano maging isang kagaya namin? At kahit kailan hindi ako naging puppet mo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko, at ang ginawa mo lang ay sinakyan ang masamang reputasyon ko."

Muli itong natawa.

"Oo naman. Masaya," sabi ni Syberria. Bumalik ito sa trono nito at umupo doon na dinantay ang kaliwang paa sa kanan. "Ikaw, anong pakiramdam ng ipagtabuyan ng lahat? Ng kamuhian ng lahat? Ng dasalan ng lahat na sana mawala ka na lang sa mundo? Anong pakiramdam noon, Kaizer King-Croix? Masaya ba? Ganyan ang pakiramdam ni Syrius noon, lalo na ng dumating ka dito."

Pumalatak naman si Kai. "Alam ko ang pakiramdam na 'yon dahil sa ganoong klase ng pagtrato ako lumaki at nabuhay," anito. "Hindi masaya ang buhay ko, kung 'yon ang tinatanong mo. Isa pa, sana alam mo na tumatahol ka sa maling puno, Syberria Fernace--hindi--Syberria Stoneheart."

Doon naman parang nagising na si Verdandi sa labis na pagkabigla niya sa nalaman. Hinarap niya ang mga kasama. Tinutulungan pala ni Osiris si Sebastien na bendahan ang sugat nito.

"Syberria--Stoneheart?" ulit ni Verdandi. Tiningnan niya ang babae. "Ikaw--ang kapatid ni Syrius?"

Binalingan naman siya nito. Ngayon na hindi na ito naka-braids, salamin, at klaro na ang mukha nito, napagtanto niya na may hawig nga ito kay Syrius. Golden brown din ang mga mata nito at maitim ang buhok, at gaya ng kapatid nito ay may maganda itong mukha.

"Alam mo pala na may kapatid si Syrius?" tanong naman ni Syberria. "May mga bagay talaga na alam na alam mo. Pero 'yung iba hindi mo binibigyan ng pansin."

Nabigla naman siya sa bigat ng tono nito sa kanya.

"Anong--ibig mong sabihin?" tanong naman ni Verdandi dito.

Iwinasiwas nito ang kamay sa ere. "Huli na para magtanong ka pa ng tungkol sa'kin Verdandi. Para namang may pakialam ka sa'kin, kahit nagturingan pa tayong magkaibigan noon," matalim na sabi ni Syberria. Nasaktan naman siya sa sinabi nito. "Si Syrius nga ang nag-iisa kong kapatid. Ang nag-iisang meron ako. Na nawala nang dahil sa mga taong ni hindi niya kaanu-ano."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon