[II] Aftermath Part 2: In the Hands of Order and Chaos

1.7K 101 78
                                    

Hi guys! Kung gusto niyo makita anong episode ang tinutukoy ni Verdandi kung saan nakita niya ang mga alaala ni Sebastien at childhood memories nila, nasa Episode 71 yata 'yon, 'yung A Broken Soul and An Armored Heart. Tapos 'yung isa pa kung saan nakita niya 'yung baby dragon for the first time ay sa Episode 49, A Baby In The Woods. Eto na ang second part as promised. More to come! Video sa taas pangmusic background, especially doon malapit sa dulo. Kung may questions kayo regarding dito feel free to ask. Maraming salamat po sa pagbabasa at comments! Thanks ulit at hope you enjoy!

EPILOGUE II
Aftermath Part 2: In the Hands of Order and Chaos

Nang dumating ang healer maya-maya ay pinaalis na muna nito ang mga kaibigan niya. Sinabihan naman siya ni Osiris na pupuslit ito mamaya para bisitahin siya at tinanong siya kung anong gusto niyang dalhin nito. Napangiti na lang siya at sinabing kahit ano na maaari niyang gamitin para malibang ang sarili niya doon.

Hapon na at naroon pa rin siya sa infirmary. Hindi pa kasi siya hinahayaan na makalabas ng infirmary dahil inoobserbahan pa siya. Kaya lang ay dahil siya lang mag-isa doon ay nakadama na rin siya ng pagkabagot.

Tatlong linggo pala talaga siyang walang malay. At sa loob ng panahong iyon ang dami yata talagang nangyari. Dahil maraming nasira sa Academy ay ginugol ang oras na iyon sa pag-aayos ng buong paaralan kaya napahinto na muna ang klase at babalik lang sa susunod na araw.

Kita naman ni Verdandi sa baba ang mga estudyante at propesor na nagtutulungan sa pag-aayos.

Napangiti siya. Gustuhin man niyang tumulong ay hindi pa naman pwede. Kaya kailangan ko ng magpagaling agad, determinadong sabi niya sa sarili na napabuntong-hininga.

Inaliw na lang muna niya ang sarili sa pagbabasa-basa ng mga magazines at libro na nasa mesa sa tabi niya, hanggang sa makarinig siya ng katok.

Nilingon niya ang pinto at kunot-noong tinitigan ito, naghihintay na kumatok ulit ang kung sino mang bisita niya, dahil baka namali lang siya ng rinig. Ngunit muli nga itong kumatok kaya bumangon siya at tumayo. Saka naglakad papunta sa pinto.

Isa kaya ito sa mga kaibigan niya? tanong niya sa sarili. Kung ganoon bakit hindi na lang siya pumasok, alam naman siguro nila na hindi naka-lock 'yan. Pero kung hindi ito isa sa mga barkada niya, eh di sino?

Hinawakan niya ang knob at binuksan 'yon. Nakatalikod pa ang taong dumating at mukhang may dalang isang basket ng bulaklak. At nang lumingon ito ay hindi naman inaasahan ni Verdandi kung sino ito.

Napanganga siya nang makita ito.

"Tagal mo namang magbukas," sita ni Kai sa kanya.

Napako ang tingin niya rito. Totoo nga ang sinabi ni Hapi sa kanila kanina. Wala na nga itong piercings sa mukha, pati na sa kamay, at for the first time nagmukha itong isang normal na estudyante lang kahit nakasimangot pa rin ito. Maaliwalas itong tingnan at klarong-klaro ang asul nitong mga mata. Though medyo magulo pa rin ang itim nitong buhok. Gumwapo nga ito.

Itinaas nito ang kamay at akmang papahiran ang bibig niya. Otomatiko naman siyang napaatras. Pinalis niya ang kamay nito at natawa naman ito.

"Di ko alam kung naglalaway ka dahil nagagwapuhan ka sa'kin o dahil gusto mo akong kainin," sabi naman nito. Sumama naman ang tingin niya rito. "Laki ng pinayat mo, baka lamunin mo 'ko bigla eh."

"Hoy kahit na gutom pa ako hindi ako kumakain ng sea urchin na gaya mo," sagot naman ni Verdandi. Pero naalala niya na wala na nga pala itong piercings so hindi na effective na banat 'yon laban dito. "Tsaka sinong naglalaway sa'yo? Malabo na ata 'yang mata mo, ugok."

"Aba, natuto ka nang magtrashtalk," sagot naman ni Kai. Natahimik namn ito at tinanguan siya. "So ano na? Mas gwapo na ba ako kay Grimmcaster?"

"Mula noon hanggang ngayon?" sabi naman niya. Nagsimula na itong ngumiti. "Hindi. 'Wag ka ng umasa dahil mas gwapo pa nga si Sebastien sa'yo, so sa rankings niyong tatlo third honors ka lang."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon