[31] The Crown, The Class and the Cavalry Game

6.4K 255 53
                                    

Hello guys haha...! Happy Easter sa inyong lahat...Salamat sa mga nagbabasa hanggang sa ngayon na nasa ikatlong parte na tayo hehe... Thanks po talaga. Pasensya na kung hindi ako nakakareply sa mga comments last chapters, at pasensya na sa tagal ng UDs hehe... Siya nga pala, diyan sa taas ang PE uniforms na pinagbasehan ko ng uniforms nila haha... Votes and comments are appreciated rin po hehe... Thanks ulit at enjoy!

EPISODE 31
The Crown, The Class and the Cavalry Games

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nagsisimula na ring mahulog sa lupa ang mga kulay kahel na dahon mula sa mga puno. Nakakalbo na rin ang ibang puno sa paparating na taglamig. Lumalamig na rin ang hangin. Hindi nga namalayan ni Verdandi na nasa kalagitnaan na pala sila ng Oktubre at nalalapit na rin sa wakas, ang simula ng okasyong kinaabangan ng lahat: ang Ceremony of Crowns.

Alam na niya ang basics tungkol dito at di na rin siya nagtataka kung bakit lahat ay excited sa event na ito. Dahil leap year ngayong taon ay ngayon isasagawa ang pamimili ng magiging Queen. Tradisyon na pala ito sa Academy sa loob ng ilang daang taon at maraming alyansa sa pagitan ng mga kaharian ang naganap ng dahil dito.

Maraming interesado sa posisyong ito dahil ayon sa kanila, maraming privileges ang nakukuha ng isang Queen. For one, libre na ang kanyang pag-aaral sa Academy. Another, ay ang mga prebehiyong makukuha niya kagaya ng magandang career sa Vascilluxian world. Siyempre, kaakibat na nito ang school popularity at impluwensya sa Academy Regents.

"Wala naman yata 'yong pinagkaiba sa pagiging Queen Bee eh," maktol pa ni Verdandi isang araw nang madaanan nila ni Emi ang mga babaeng nagkagagulo sa isang makinang na announcement na nakalagay sa board. Ang sabi sa poster, naghahanap daw sila ng "great, powerful and friendly allies".

Kasalikuyang naglalakad silang dalawa ni Emi papunta sa maliit na division ng Coliseum para sa kanilang Combat and Defense Arts class. Marami kasing estudyante sa corridors at nahihirapan silang makadaan.

"Tama ka. Ang ibang babae nga diyan ay parang naghahanap lang ng mapapangasawa. Mga walang hiya," ismid pa ni Emi. "Narinig kong marami ang gustong maging Queen dahil pinapangarap nilang maging King ang sinuman sa Tatlong Talong."

Ang 'Tatlong Talong' ay ang bagong bansag nilang magkakaibigan sa tropa nina Kai, Marcus at Sebastien. Kahit pa medyo nakukunsensya si Verdandi na isali si Sebastien sa bansag na iyon dahil mabait naman ito sa kaniya. Sa katunayan, naghihiraman pa nga sila ng ballpen at naghihingian ng parchment.

"Para namang hindi sisiguraduhin ng Bibingka Babes na makuha ang pwesto ng Queen," sabi naman ni Verdandi na tinutukoy sina Lamia, Bridgit at Eurynne. "Nangangampanya na nga sina Lamia eh, pati si Bridgit ay sikreto ding namamahagi ng 'I Love Bridgit' pins. Tsismis nga may halong love potion 'yon."

"Hmp. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako papayag na isa sa kanila ang maging Queen o King. Kakainin ko ang sarili kong pana kapag nangyari iyon," sabi naman ni Emi. "Eh mayroon naman kasi sana tayong magiging magandang pambato diyan bilang Queen, mukha namang hindi interesado."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon