[57.2] Beyond the Haunted Forest Part 2

3K 141 62
                                    

EPISODE 57.2
Beyond the Haunted Forest Part 2

Nakasuot ng cloak si Hapi at may dala itong espada. Itinutok nito 'yon kay Osiris, kahit halata namang nanginginig ito. Kita rin ni Verdandi ang butil-butil ng pawis na namumuo sa noo nito. Nakatitig ito ng masama kay Osiris.

"H-hindi mo madadala si Verdandi kung saan!" anito at mas inilapit pa ang dala nitong espada. Humakbang naman papalapit si Osiris kay Hapi kaya napaatras ulit ito ng de oras. "Kung ano mang binabalak mo, itigil mo 'yan. H-hindi kita hahayaang m-m-maisakatuparan ang binabalak mo."

Hindi naman makapaniwala si Verdandi sa inaasal ni Hapi.

"Hapi, walang ginagawang masama si Osiris, ano ba," ani Verdandi. "Ibaba mo nga 'yang espada mo. Baka makapanakit ka, alam kong hindi mo naman kayang manakit ng iba."

Impit na napaungol si Hapi. "Verdandi. H-halika, bumalik na tayo sa dorm. H-hindi mo siya kilala."

"Anong--" ani Verdandi ngunit di niya naituloy ang sasabihin.

"Anong ibig mong sabihin, Inglesor?" malamig na sabi ni Osiris. "Na may kinalaman ako sa pagkawala nina Enrico at Fernace?"

"O-oo! N-noong isang araw, nakita kitang may kinakausap sa Bordering Woods! Noong isang araw din, nakita kitang pumunta s-sa Haunted Forest. At--at! I-ikaw ang huli kong nakita na kasama si Syberria!" bintang ni Hapi. "N-noong isang araw g-gusto mo ring kausapin si Azri. Para saan, para dalhin mo siya kung saan mo dinadala 'yung--'yung mga psychus na kinuha mo? A-ayokong namimintang, p-pero--"

Napalingon naman si Verdandi kay Osiris. Hindi nagbago ang ekspresyon nito. Nabigla naman siya ng hilahin siya ni Hapi papalapit.

"Kayo ang huling magkasama ni Syberria?" hindi naman makapaniwalang sabi ni Verdandi kay Osiris. Hindi man lang siya nito tiningnan. Nanatili lang itong nakatingin kay Hapi habang si Hapi naman ay nanatili ding nakatutok ang espada dito.

Hindi naman sumagot si Osiris. Pakiramdam niya ay oo ang sagot nito.

"K-kung m-may balak kang g-gawing masama kay Verdandi," kandautal na sabi ni Hapi. Nanginginig ito pero pinilit nitong tatagan ang espadang hawak nito. "A-ako ang makakaharap mo. H-hindi k-kita hahayang gawin ang g-gusto mo!"

Akala ni Verdandi ay hindi lang ito papansinin ni Osiris. Ngunit hinawakan nito ang matalim na dulo ng espada. Ng madiin.

"Hindi magandang manutok ng espada sa iba, Inglesor," anito. Kita naman ni Verdandi ang pagtulo ng dugo mula sa kamao nitong nakahawak sa talim ng espada. "May gustong puntahan ang kaibigan mo at sinasamahan ko lang siya. Kung gusto mo--kung matapang ka--di samahan mo kami. Kumuha ka ng kabayo at pasakayin mo si Verdandi sa harapan mo. At susunod naman ako sa likuran. Matapang ka, diba?"

"Osiris!"

Nagulat man si Verdandi na hindi man lang itinanggi ni Osiris ang mga bintang sa kanya ni Hapi, ay mas nagulat siya sa ginawa nitong pag-iimbita kay Hapi. Hindi naman siya sigurado kung anong magiging reaksyon ni Hapi. Nanatili lang itong nakatingin kay Osiris, saka ito tumitig sa kanya.

"T-t-totoo ba?" tanong sa kanya ni Hapi.

Tumango naman siya. "May pupuntahan kami ngayong gabi. Nagpasama ako sa kanya."

Ibinaba naman ni Hapi ang espada ng dahan-dahan at bumitaw din naman si Osiris. Tumutulo pa rin ang dugo nito, ngunit mukhang walang pakialam si Osiris doon.

Pagkatapos ay dumiretso si Hapi sa pagpili ng kabayong pwede nilang sakyan. Bukod kay Verdandi, hindi rin ganoon kagaling si Hapi sa pangangabayo at madalas itong nahuhulog sa lupa kung hindi maamo ang kabayong napupunta dito tuwing Combat and Defense Arts class. Pero mula pagkabata ay sinasanay na si Hapi sa kanilang palasyo kung paano sumakay at magpatakbo ng kabayo.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon