[76] Seeing The Truth Through Apollo's Golden Eye

1.9K 105 33
                                    

EPISODE 76 BU
Seeing The Truth Through Apollo's Golden Eye

"Tingin mo, ang coin na 'yan ang magdadala sa atin papunta sa entrada ng palasyo ni Kastamerr?"

Nanatili lang na nakatitig si Verdandi sa coin na nasa harap niya. Hindi niya rin masagot ang tanong ni Rummstein. Napabuga siya ng hangin.

"Ewan ko," aniya. "Meron na tayong mapa para makalabas ng buhay sa kastilyo, pero wala pa tayong ideya kung nasaan ang palasyo nito. Tsk, hindi ko alam kung may silbi ba talaga 'yung pagkuha-kuha ko sa mapa tapos dead end na naman tayo."

Napatalukbong siya sa mesang nasa harap.

"Oy, ikaw na naman ba ang nawawalan ng pag-asa?" ani Rummstein naman. "Kung kelan naman nabuo na rin tayo sa wakas o."

Nagbuntong-hininga lang siya.

Kasalukuyan silang nasa Dining Hall ng Academy. Silang dalawa lang ni Rummstein ang nandoon ngayon. May special classes sina Hapi at Osiris habang si Dardy naman ay pumunta kung saan para magtanong-tanong sa mga kakilala nito.

Pinigilan nila si Dardy noong una dahil baka mapahamak ito o magaya kay Azrielle. Pero ngumiti lang ito at sinabing magiging okay lang siya, at nagbiro pa ito na baka 'yung kagwapuhan niya lang daw ang tatalo sa taong 'yon.

"Anong ibig sabihin nito?" ani Verdandi na binalik-baliktad ang coin. "Ano ba talang meron dito? May maitutulong ba talaga ito o nagsayang lang tayo ng oras sa pagpunta doon sa Archivium?"

"Kalma lang," ani Rummstein. "Di naman 'yan iiwan doon ng taong kumuha ng mapa kung hindi 'yan importante. Pampalubag-loob na rin siguro sa pagnakaw niya ng mapa."

"Tingin mo si Syrius ang kumuha niyon?" ani Verdandi.

"Di ko rin masasabi," ani Rummstein naman na nagkibit-balikat. "Kasi kita mo naman luma na tingnan 'yang barya. Baka iba ang kumuha at napunta lang sa kanya, mahilig din tumambay sa pasugalan si Syrius kaya di na ako magtataka kung napanalunan niya 'yan."

Tumango lang siya. "May isa pa akong pinagtataka," ani Verdandi naman. "Kung 'yan na lang ang natitirang mapa ng kastilyo ni Kastamerr, paano nakakalabas pasok doon ang mga taong may pakana nito? Nakatago ito doon sa punong pinagtataguan ni Syrius kaya malamang wala pang nakakuha nito mula noon."

"Sino bang may sabi na 'yan lang talaga ang natitirang mapa ng kastilyo niya?" ani Rummstein. Napatingin naman si Verdandi dito. "Kasi, kung tama ang hinala natin na hindi si Syrius ang kumuha ng mapa mula sa Archivium, maaaring may iba pang kopya ng mapa."

"Anong ibig mong sabihin? Na may duplicate pa ito?" ani Verdandi. "Siguro nga, kaya walang pagdadalawang-isip na sinira ni Kai ang mapa."

Tumango ito. "Oo. At hawak ng taong 'yon ang isa pang mapa," ani Rummstein. "May hinala rin ako na maaaring 'yung taong kumuha noong mapa ay gumawa ng duplicate. Kung alin doon ang orihinal at duplicate lang, hindi na natin malalaman."

Muling tiningnan ni Verdandi ang coin. Ano ba talagang tinatago mo, huh? Paano ito naging susi sa kastilyo ni Kastamerr?

At higit sa lahat, nasaan ba kasi ang lugar na 'yon?

Nakatitig pa rin siya sa coin, saka maya-mayang sinusulyapan ang piraso ng mapa na may simbolong dodecagon. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang bagay na nasa harap niya. Malakas ang pakiramdam niya na ang piraso ng mapang 'yon pa rin ang susi para maintindihan nila ang nakasulat sa coin.

Pero kung paano hindi niya pa rin makuha. Bukod naman kasi sa papel at sa riddle na nasa coin wala ng iba pang clues.

Isip, Verdandi, isip! aniya sa sarili. Napasubsob siya sa mesa at bumuntong-hininga.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon