[72] That Fateful Day Part 3

1.6K 93 70
                                    

EPISODE 72
That Fateful Day Part 3

Tumakbo nang tumakbo si Sebastien hanggang sa makarating siya sa dormitory ng Secondary Division. Hihingi ako ng tulong sa mga professors! aniya. Kaya--kailangan kong makarating sa Academy Area.

Hinang-hina na siya at nanlalabo na ang paningin ngunit pinilit niyang tumakbo pa at 'wag mawalan ng malay. Sa kakatakbo niya naman ay may nabangga siyang kung sino.

Muntik na siyang mahimatay, ngunit inalalayan siya ng isa sa mga taong nabangga niya.

"Sebastien?" sabi naman ng isang pamilyar na boses. Napatingala siya. Nakita niya ang mukha ni Rummstein. "Anong tinatakbuhan mo? Okay ka lang ba?"

Hingal na hingal pa siya at halos di makapagsalita. Nakita naman niyang tumayo ang lalaking natumba din pala nang magbangga sila kanina.

"A-aray--" sabi naman ng isa pang pamilyar na boses. "Si Sebastien ba 'yan? Gabi na ah, ba't andito ka pa sa labas?"

Gulat naman siyang napatingin dito. "Kuya--Syrius?" aniya na habol pa rin ang hininga. "Anong--ginagawa mo--dito? Diba--nasa Arcarthena City ka?"

Ngumiti naman si Syrius na nakasuot pa ng puti at asul na cloak na may magandang disenyo. "Ah, na-miss ko kasi agad kayo. Kaya kinuha ko na lang ng buo ang three-week leave ko para naman tuloy-tuloy na ang training ko doon pagbalik ko at tapusin na rin ito," anito naman. Sumeryoso ang mukha nito nang makita ang kalagayan niya. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka may mga pasa at duguan? Nasaan ang iba pa?"

"Kinuha--kinuha sila ng mga bandido," aniya. "Hindi--kinuha nila si Kaizer King-Croix."

Napaawang ang bibig ni Rummstein, habang si Syrius naman ay namutla.

"Nakita namin sila--doon--sa may kakahuyan," aniya at lumunok siya. "Gagawin daw nilang hostage si Kaizer para sa malaking ransom. Pero nahuli nila kami agad na nakikinig pala. 'Yung isang lalaki, dinala niya si Kaizer at naglaho silang pareho. Pero narinig kong sinabi niyang dadalhin niya ito sa Forbidden Tower. Inatake kami ng mga bandido. Nilabanan namin sila at--tumakbo lang ako para humingi ng tulong. Masyado silang malakas. Tingin ko di sila mga ordinaryong vascilluxes. Marami sila at may makakapangyarihang psychus. Pasensya na, pasensya na--pasensya na talaga--!"

Tumulo sa lupa ang mga luha niya habang nanginginig siya.

Tinapik naman siya ni Syrius sa likod. "Di mo kasalanan 'yon. Tama lang 'yung ginawa mo."

"Ano, hihingi ba tayo ng tulong sa mga professors?" sabi ni Rummstein. "Kung nahihirapan nga sila na labanan 'yung mga 'yon baka di tayo sapat para talunin sila at kunin 'yung gagong prinsipeng 'yon. Gabi na naglalakad-lakad pa."

"'Wag," ani Syrius. "Sa ngayon di ko alam kung sino sa mga tao dito sa Academy ang pwede nating pagkatiwalaan. Baka magsumbong sila sa kabilang kampo. Kapag nalaman ng Foirdoris na nanganib ang buhay ng siraulong prinsipe nila sa loob ng Academy, mananagot tayong lahat. Di pa sementado ang relasyon ng Foirdoris at ng High Council kaya maaari lang mabasag ang kasunduan. Isang sipsip lang o isang salita mula sa mga sikretong tagasunod nila dito, baka lumala ang sitwasyon at magkaroon ng digmaan."

"Oy, ba't dito kayo tumambay? May nagbabadyang bagyo o, tapos andito kayong lahat," sabi naman ng boses ng isang bagong dating. Si Lissa na nakasuot ng magandang damit. Sumilip naman ito sa gitna nina Syrius at Rummstein. "Sebastien? Anong--"

Ipinaliwanag naman ni Rummstein ang nangyari. Gagamutin pa sana ni Lissa ang sugat ni Sebastien ngunit tumanggi siya. Di naman ganoon kalala ang kundisyon niya at baka napaano na ang mga kaibigan niya at ang Kaizer King-Croix na 'yon kung sakaling di sila magmadali.

Kasama sina Syrius, Lissa, at Rummstein ay tumungo na sila para iligtas ang mga kaibigan. Nagdadalawang isip pa nga si Lissa na isama si Syrius kasi kababalik lang nito mula sa mahabang byahe ngunit tumawa lang ito. Sinabi pa nito na kailangan daw silang lahat ang pumunta para matapos sila ng mabilis. Sandali pang nagtalo ang dalawa. Pero pumayag na rin lang din si Lissa dahil wala naman siyang magawa.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon