[46] Summoned

4.1K 199 62
                                    

PART IV
STEALER OF SOULS

EPISODE 46

Summoned

Dumating ang unang linggo ng Disyembre. Naghikab si Verdandi sa kanyang kama isang umaga ng Sabado at kinusot ang mga mata. Tumingin siya sa labas ng bintana at napabuga ng hangin. Idinuyan niya ang mga binti at nang makalapag sa carpetted na sahig ang parehong mga paa ay dahan-dahan siyang tumayo. Nilagpasan niya ang mga kama ng mga kaklaseng tulog pa rin at tiningnan ang labas ng bintana ng kanilang dorm room.

Ang lakas ng ulan na para bang may paparating na bagyo. May kakapalan na ang mist na tumatakip sa buong glass pane. Pinunasan niya ito ng konti at sumilip sa klarong bahagi ng window pane. Kita niya ang matataas na tore ng Academy castle at ang mga greenhouses sa malayo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Verdandi sa naging resulta ng Ceremony of Crowns. Siya, ang naging Queen, at si Azrielle ay nanumpa na bilang Bishop niya. Kahit ang mga kaibigan niya ay ganoon din ang naging reaksyon. Pagkatapos na pagkatapos ng Ceremony ay inulan siya ng mga ito ng tanong. Isa-isa naman niya itong sinagot at sinabi niya sa mga ito ang pinag-usapan nila ni Lissa. Akala niya ay magagalit ang mga ito, lalo na si Emi na siyang numero unong nagtutulak kay Azrielle na maging Queen. Pero sa halip ay hindi pa rin pala nagbabago ang resolution nito na manumpa bilang Knight--lalo na at siya na kaibigan nito ang naging Queen.

May pahabol pang hirit si Sean sa kanya:

"Bebe ko, ngayon tuloy napapag-isipan kong lumaban para maging King." Laking gulat pa ni Verdandi nang hapitin siya sa baywang nito at inilapit. "Handa ka bang maging reyna ng kaharian Ithacus at ng puso ko?"

Babatukan sana niya ito ng pinakamalakas niyang batok pero naunahan na siya ni Emi. Sinapak nito ang lalaki at hinila papalayo sa kanya. Natawa na lang ng malakas si Verdandi nang magsimula na namang mag-away ang dalawa--pero sa huli, tumitiklo din si Sean kay Emi.

Hindi naman nagpahuli si Dardy dahil kinwento nito sa kanya ang sikat na story ni Lancelot at Guinevere--ang knight at reyna ng maalamat na si King Arthur. Dasal daw nito na sana maging ganoon ang love story nila. Pero syempre dahil alam naman niyang pinagtitripan lang siya ng dalawa ay binatukan din niya si Dardy. Nang malaman naman iyon ni Emi ay ito na naman ang hinila nito papalayo.

Kay Azrielle naman, humingi siya ng pasensya. Kahit pa nanumpa na ito bilang Bishop niya ay inisip pa rin niya na baka nainis ito sa ginawa niya.

"Wala naman akong magagawa kung iyon ang desisyon ni Lissa. Tsaka nangyari na ang nangyari, ginawa ko lang ang dapat gawin noong mga panahong iyon," ani Azrielle sa kanya. "Basta ipangako mo lang sa'kin ang isang bagay."

"Ano 'yun?" kabado niyang tanong dito.

"Take responsibility of what you did," simpleng tugon nito. Wala siyang emosyon na nababasa sa kulay pilak nitong mga mata. Tumango lang naman siya, kahit medyo natamaan siya sa sinabi nito.

Nang pumasok siya sa classroom kinabukasan ay hinanda niya na ang sarili sa posibleng gulong kakasangkutan nang dahil sa ginawa niya. Kasabay ng isang malalim na paghinga ay tinulak niya ang pinto na parang nakikita na aawayin siya ng kaklase o bubweltahan sa ginawa. Nang pumasok siya, ay panandaliang natahimik lahat ng mga kaklase niya. Halos lahat ay napatingin sa kanya. Kabado lamang siyang ngumiti, ngunit maya-maya din ay nagsibalik na ito sa kanya-kanyang mga ginagawa. Bumuga naman siya ng hangin at naglakad na papunta sa upuan niya.

Pero syempre may mga kaklase pa rin niya ang nagbigay ng kanya-kanyang reaksyon sa pagkakapili niya bilang Queen. May ibang naging masaya, at may iba namang hindi. Kinongratulate siya nina Ghost Girl at Syberria at niyakap pa siya ng mga kaibigang multo ng una. Tiningnan lang siya ng malamig ni Bridgit at nginisihan siya. "Sana lang hindi ka magsisi sa ginawa mo, Fiametta," sabi lang nito. Di na siya sumagot pa.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon