[58] Sticks and Bones

4K 169 84
                                    

EPISODE 58
Sticks and Bones

Dahil malakas ang buhos ng nyebe ay kakaunti lang ang mga taong lumalabas at lumalagi sa grounds. Araw naman ng Linggo at wala silang klase. Halos lahat ng mga estudyante ay nanatili lamang sa loob ng kanilang dormitoryo.

Nakaupo sa balkonahe si Verdandi habang umiinom ng kape. Naglalaro naman ang baby dragon niya sa kanyang paanan. Pilit nitong hinahabol ang bola ng yarn na binigay niya dito. Nagbabasa naman ng libro si Verdandi at maya-mayang tinitingnan ang grounds. Kahit sa ganitong panahon ay may hinihintay siyang dumating. Si Rummstein.

Nasa ganoon siyang posisyon nang mula sa loob ng kanilang silid ay tumalbog si Caramel, saka ito gumapang papunta sa paanan niya. Lumukot ito na parang paa sa gitna ng mga paa niya. Pinulot naman niya ito ng dahan-dahan saka nilagay sa ibabaw ng kanyang hita, katabi ng baby dragon.

"Saan ka galing, Caramel?" aniya sa griffin na hinaplos ang balahibo nito. "Mukhang pagod na pagod ka ah?"

Mula noong araw na nahanap niya ito at pinagamot kay Professor Ravisolli ay naging maamo na ito sa kanya. Pero minsan ay nangangalmot pa rin talaga ito. Ngumiyaw lang si Caramel sa kanya tulad ng isang ordinaryong pusa saka ito natulog sa ibabaw ng hita niya.

"Busy kasi siya sa paghahatid ng mga mensahe," sabi naman ng boses ni Azrielle mula sa loob. Tiningnan ito ni Verdandi. Naglalakad ito palabas ng balkonahe. "Pumasok ka dito. Lumalakas na ang pag-ulan ng nyebe o. Saka, may sasabihin ako sa'yo."

Napakunot-noo naman si Verdandi na nagtataka. Pinulot niya ang baby dragon saka nilagay sa kanyang balikat, habang kinarga naman niya si Caramel.

Pagkarating niya sa loob ay nakita ni Verdandi na nakatayo si Azrielle sa harap ng kama nito. Mas lalo naman siyang nagtaka nang makita ang mga iba't-ibang uri ng armas sa ibabaw ng hinihigaan nito.

"Para saan 'yan?" aniya dito.

"Para sa training mo," sagot naman nito.

Namilog naman ang mga mata niya. "Para sa'kin lahat ng 'yan?" aniya na hindi makapaniwala. Mayroong tatlong uri ng espada sa ibabaw, may pana, may crossbow, may baril, pistola, tirador, ax at hatchett.

"Hindi, titingnan lang natin kung alin diyan ang kakayanin mong dalhin," ani Azrielle. Sinusuri nito ang bawat espada sa kamay nito. Binalingan siya nito na may ngiti sa labi, saka inabot ang isang espada. "Tingnan mo 'tong isa."

Tiningnan naman muna ni Verdandi si Azrielle kung seryoso ba ito sa sinasabi, saka alanganing kinuha ang espadang mas mahaba yata kaysa sa pinagsamang hita at binti niya. Akala niya ay magaan lang ang mga ito, ngunit muntik na siyang natumba dahil sa bigat nito.

Natatawa namang binawi ni Azrielle ang espadang hawak niya.

"Sabi ko na nga ba di mo kaya ang isang 'to. Masyadong mabigat," ani Azrielle naman. Walang kahirap-hirap nitong hinagis ang espada sa ere pabalik sa kama nito. Namamangha pa rin talaga si Verdandi na kahit sa payat at liit ni Azrielle ay kaya nitong magbuhat ng mabibigat na bagay, at sanay itong humawak ng mabibigat na sandata.

"Paano ka nakakuha ng ganito karaming sandata?" ani Verdandi. "At bakit--kailangan ko silang pag-aralan?"

"'Wag mong kalimutang ikaw ang hinirang na Queen ng Academy. At magiging Queen ka sa loob ng apat na taon. At isa pa, honorary member ng High Council. People will naturally expect big things from you. Dapat alam mo kung paano humawak ng sandata, sumakay sa isang kabayo, makipag-usap at makipaghalubilo sa mga matataas na tao, et cetera," paliwanag ni Azrielle. Tiningnan siya nito ng buo. "Nakuha ko ang mga iyan through special permission from Professor Ruvia. 'Wag kang mag-alala, ibabalik naman natin ang mga sandatang di mo na kakailanganin. Isa pa, pipili lang tayo ng isa o dalawa diyan na gagamitin mo. At kapag nakapili na tayong magagamit mo, ilalagay naman natin ang mga personal mong sandata sa arsenal ng Academy kapag hindi natin ginagamit. Professor Ruvia assured me na hindi ka mapapahamak o kahit sino man sa academy sa training mo."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon