[77] Dark Times Have Finally Descended

1.8K 116 61
                                    

Hi guys! IMPORTANTE PO PAKIBASA ANG NASA BABA PLEASE HAHAHAHAHA:

Pasensya na at ngayon lang ako nakapag-update. Medyo may ginagawa at may sinalihan po akong contest! Entry ko po 'yun sa Mobile Legends na competition. Nasa Webnovel po 'yun at kailangang-kailangan ko po ng suporta niyo. The Monkey King's Journey to the Land of Dawn ang title ng story. Nasa profile ko po ang link. Please po kung okay lang sa inyo pakivote ng story or kung pwede pakibasa na rin! Fantasy adventure din po siya at sinulat ko po siya sa paraan na maintindihan ng kahit ng mga non-players ang magaganap kaya okay lang kahit di niyo nilalaro ang game na 'yon. Please, please po suportahan niyo 'yon. Alam kong siguro sa ngayon nasa hulihan na ako pero masisiyahan po talaga ako at maaappreciate ko kung masuportahan niyo 'yon. Tsaka mag-uupdate po ako anytime this week so please suportahan niyo po 'yun kung hindi naman masyadong nakakaabala.

At about sa update nilubos-lubos ko na kaya medyo mahaba ito. May mga images sa baba na makakatulong sa explanations kaya baka kailangan niyo ng internet para magload, though di naman masyadong kailangan kasi inexplain ko rin naman. Sana maintindihan niyo ang explanations at magmakesense siya. Kung may mga tanong kayo, comment lang at susubukan kong sasagutin. Thanks ulit talaga at sana maenjoy niyo ang update!

EPISODE 77
Dark Times Have Finally Descended

Akala ni Verdandi ay pagagalitan siya ni Professor de Aulish. Pero tiningnan lang siya nito sa likod ng suot nitong salamin. Saka tumango.

"'Yon lang naman pala," ani Professor de Aulish. "Akala ko kung ano. Okay, Miss Fiametta. You may go. Bumalik ka agad."

Tumango naman siya at nagmamadaling tumango. Aalis na sana siya ng hagipin ni Osiris ang kamay niya.

Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang naghihinala.

Sandali siyang nasulyap kay Professor de Aulish na bumalik sa pagtuturo. Tiningnan niya ulit si Osiris, saka alanganing inilahad ang coin. Gustuhin man niyang magpaliwanag ay natakot siya at baka magsuspetsa si Professor de Aulish.

"May pupuntahan lang ako saglit," bulong niya.

Nagmamadali naman siyang umalpas mula roon sa takot na mahalata ni Professor de Aulish. Paglabas niya ay sinundan pa siya ng tingin nina Dardy at Hapi. Sa corridor ay sumenyas naman siya na babalik din agad.

Ngunit nabigla siya ng alanganing itinaas ni Hapi ang isang kamay. "Professor?"

"Yes, Mr. Inglesor?" ani Professor de Aulish.

"Pwede rin po bang mag-CR?" tanong nito na hawak pa ang tiyan. Teka. Sasama ba si Hapi sa akin? aniya sa sarili. Tsaka--nagsisinungaling ba ito ngayon? Sinenyasan niya ulit ito na 'wag nang sumama.

Tiningnan naman ito ni de Aulish na para bang may dala itong bomba na maaaring sumabog sa pamamagitan ng gas leak. "S-sige. Bilisan mo din," ani de Aulish. Aalis na sana si Hapi nang pigilan ulit siya nito. "Teka."

"Bakit po?" ani Hapi na sumama pang lalo ang expression sa mukha. Teka nga lang, ani Verdandi sa sarili. 'Wag mong sabihing natatae talaga siya?

"Magpasama ka sa isang class representative," ani de Aulish. "Masyadong mapanganib kung ikaw lang. Sabayan niyo na lang din si Fiametta para sama-sama na kayong bumalik dito. Sino bang pwede? Ah--Grimmcaster?"

Napatingin naman si Osiris na parang naiirita na nababagot.

"Please accompany them and make sure to be back, immediately," ani Professor de Aulish.

Napabuga naman si Osiris ng hangin at tumango, saka sinabayan si Hapi palabas.

Nang makita naman 'yon ni Dardy ay pati ito ay nagmamadaling itaas ang kamay.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon