[44] The Golden Apple

3.8K 188 50
                                    

EPISODE 44

The Golden Apple

Sa pag-uwi niya noong gabi ng Royal Banquet ay nakasalubong ni Verdandi si Rummstein. Ang sabi nito nang tanungin niya kung saan ito galing ay lumabas lang daw ito para umihi. Hindi raw naman kasi nito alam kung nasaan ang palikuran sa grandiosong building doon kaya lumabas na lang daw ito, ngunit di daw nito inaasahang ganoon ito katagal mawawala.

"Naghanap ako ng lugar na pwedeng ihian eh, bawal naman kasi ihian ang mga puno dito dahil magagalit ang mga nymphs at baka i-jinx pa ako," pangangatwiran nito. Lalo namang hindi daw nito inasahan ng ganoon na babastusin siya ni Lamia sa harap ng napakaraming tao. Gusto pa nga nitong bumalik sila roon para harapin sina Lamia ngunit si Verdandi na ang nakiusap dito na 'wag na dahil pagod na rin naman siya. Humingi naman ng maraming pasensya si Rummstein sa kanya at napatawad din naman niya ito agad.

Nang sumapit ang Myerkules ay bumalik din naman sa normal ang lahat. Pinilit ni Verdandi na iwasan sina Lamia para di na magkagulo. At mukhang ito rin naman dahil tanging inis na titig lang ang binibigay nito sa kanya. Ang sabi nina Sean at Dardy dahil daw sa ginawa nitong eksena sa Royal Banquet ay napagalitan daw ito ng ama nito.

Ha, aniya sa sarili nang marinig iyon, buti nga.

At kaya pala di niya mahagi-hagilap ang mga kaibigan ay nagliliwaliw ang mga ito sa Administrations Building dahil daw nag-treasure hunting. Off-limits kasi sa mga estudyante ang building na iyon maliban na lang kung may permiso mula sa mga staffs at teachers. Ang Administrations Building kasi ang pinakalumang building sa buong Academy at lagusan daw ito papunta sa lumang kastilyo ni Herakles Kastamerr na ayon sa mga kwento-kwento ay nasa malapit lang. Sabi pa ng mga kwento (na nagmula sa nakangising si Ghost Girl) ay marami dawng nakatagong kayamanan roon.

Isang umaga, habang hinihintay nag-dodrowing si Verdandi ng kung anu-ano sa libro ni Osiris habang mahimbing naman na natutulog sa tabi niya ang huli, habang naghihintay silang lahat sa susunod na professor, ay dumating ang isang taga-anunsyo. Ang sabi nito ay lahat ng mga babaeng estudyante ay kinakailangang pumunta sa Grand Hall mamayang ala-una ng hapon dahil pormal silang kikitain ng mga Priestesses.

Kaya kasama sina Azrielle, Emi at iba pang mga babaeng kaklase ay pumunta nga sila roon. Pagdating nila sa Grand Hall ay nakita nila ang napakaraming estudyanteng babae na nakaupo sa mga bleachers. Nagmukhang isang make-shift auditorium ang Grand Hall dahil doon. Sa harapan ay may isang pisara at mesa. Umakyat sina Verdandi, Emi at ang pasikretong kumakain na si Azrielle sa mga bleachers na napuno ng sabik na bulungan habang dumadaan sila. Mukhang lahat ay curious kung ano ang dahilan kung bakit sila pinatawag ng mga Priestesses.

"Verdandi, Azri, dito!"

Napatingala naman sina Verdandi para hanapin kung sino ang tumawag sa kanila at nakita niya si Lissa na kumakaway. Tinuturo nito ang mga bakanteng upuan sa tabi nito. Ang laki ng ngiti nito kahit mukha itong pagod at nakaharang pa sa mukha nito ang ilang strands ng buhok na kumawala sa kanyang messy bun. Ngumiti naman si Verdandi at sabay silang tatlo na lumapit dito.

Niyakap pa siya ni Lissa. "Kumusta, Verdandi? Ayos ka lang ba?" anito sa kanya. Sinilip nito si Azrielle sa kanyang likuran na patagong kinakain ang tsokolate nito. "Azri, alam mo namang ang taas ng sugar mo! Kahit kailan talaga--ikaw! Itago mo na 'yan, pupunta din dito si Doctor Ravisolli, kapag nakita ka niyang--naku, ang kulit mo talaga."

Natawa naman sila ni Emi.

"Isang beses lang naman eh," maktol nito at sa pamimilit na rin ni Lissa ay tinago na nito sa loob ng cloak ang kinakain nitong tsokolate--pero pasimple pa itong kumagat ng isa pang beses bago ito tuluyang tumigil.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon