[93] Deciding Battle of the Deities

2K 117 63
                                    

Hi guys! Pasensya na sa medyo matagal at late night update! Medyo naging busy lang tsaka may iba pa akong pinagkakatuwaan din hahahahahaha... Ito na so far ang pinakamahirap pero pinakamasayang fight scene na nasulat ko. Sana klaro din siya sa imagination niyo. Practicing pa lang ako sa mga ganitong klaseng eksena so pagtiisan niyo na muna. Salamat sa mga natuwa last chapter pati sa comments niyo, pero pansin ko 'yung ibang nagkocomment na pro kay Kai ang tahimik hahahahahaha...'wag niyo ko awayin. Video sa taas pang background, nauubusan na ako pang OST eh. Konti na lang talaga matatapos na tayo, mga ilang chapters na lang talaga kaya sana kumapit pa kayo ng medyo konti! Thanks ulit at hope you enjoy!

EPISODE 93
Deciding Battle of the Deities

Sumabog ang liwanag sa buong throne room. Ramdam pa rin ni Verdandi ang mahigpit pa ring akap ni Osiris sa kanya. Ngunit higit sa lahat ay ang malambot na labi nito na nakadikit sa labi niya.

Kahit panandalian siyang nabato sa kinatatayuan niya ay para naman siyang nagising nang mapagtanto ang ginagawa nito. Nanlaki ang mga mata niya pero hindi pa rin siya makagalaw hanggang sa napapikit na lang siya.

Ang sunod niyang na lang niyang namalayan ay para bang nag-aapoy sa init ang katawan niya, hanggang sa unti-unti itong nawala, at humina na din ang hangin sa paligid.

Nang iminulat niya ang mga mata ay wala na doon si Osiris.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Nasaan na ito?

"Verdandi."

Napalingon siya sa likod, handa itong batukan. Hanggang sa maalala niya kung nasaan ito ngayon. Syempre ay nasa kaloob-looban ng diwa niya na ito ngayon.

Nagtagis ang bagang niya at pinigil ang sarili na 'wag manginig at mamula sa sobrang--inis--o ewan.

"Oy," untag ng boses nito sa isipan niya.

"Ba't mo ginawa 'yon?" malamig na tanong ni Verdandi. Hindi naman ito sumagot. Di na niya mapigilan at bumulyaw na siya. "Bakit mo ako hinalikan?!"

"Dahil parte 'yon ng spell?!" sagot naman ni Osiris na parang mas nainis pa sa kanya. "T-t-tingin mo ba ginawa ko 'yon dahil trip ko lang?"

"Parte ng spell? Saang bahagi 'yon ng spell?!" singhal niya.

"'Yon ang sabi sa akin ni Morrigan--" tangka nitong paliwanag ngunit tumigil din. Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Shit. Naisahan na naman ako ng babaeng 'yun--"

Huminga ng malalim si Verdandi. "Hindi mo ba narealize na 'yon? Pinag--tripan--ka lang--ni Azri," sabi ni Verdandi na pinagdiinan pa ang mga sinabi. Naiimagine niya na ang evil laugh ng siraulo niyang kaibigan. "Ang gagawin mo lang ay itapat ang palad mo sa palad ako at 'yon na 'yon at walang halik-halik na kasali!"

"Teka nga, ba't ba galit na galit ka sa isang halik na 'yon?" sagot nito. Hindi siya sumagot agad. Saka nito binulong na nagmamaktol pa. "Mas ginagawa mo pa 'tong big deal kaysa noong nangyari sa'tin dati."

Pumantig ang tainga niya sa narinig. "Excuse me? Anong nangyari sa atin dati?" sabi niya. "Isa pa, syempre malaking bagay sa akin 'yon dahil ninakaw mo lang naman ang first kiss ko--"

"Sa likod mo!"

Doon naman siya parang nagising at agad na umatras para ilagan ang pag-atake ng estatwang may dalang higanteng espada. Isa itong chess piece--bishop--na mula sa kampo nina Syberria. Otomatiko naman niyang itinaas ang kamay at itinuon 'yon sa paparating na kalaban.

Nabigla naman siya nang mula roon ay may lumabas na kulay purple black na bola ng enerhiya at tumama iyon sa estatwa. Nabasag ang bishop piece, saka sumabog ang mga piraso nito kung saan-saan. At para hindi matamaan sa mga delikadong debris ay instinctively ikinumpas niya ang kamay at doon ay isa ring bola ng enerhiya ang lumabas para protektahan siya.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon