[VI] Aftermath Part 6: In the Hands of Order amd Chaos

1.9K 105 65
                                    

Hi guys! Maraming-maraming salamat ulit at di ako magsasawang magthank you sa inyo! Last part na talaga ng epilogue na parang hindi hahahahahaha... Ito na talaga. Naiiyak ako, tae hahahahahahaha... So, with that, here's the last part. Special cover for today ang unang official book cover ng AAGG. Video sa taas pang-music background. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPILOGUE VI
Aftermath Part 6: In the Hands of Order and Chaos

Matapos nilang mananghalian ay sinabihan siya ni Azrielle na pumunta sa training hall na malapit sa Academy Gardens.

"Nandoon naghihintay ang sunod mong trainor. Puntahan mo daw siya ng alas tres," sabi nito. "Apparently, busy daw siyang tao kahit hindi naman halata."

Tumango naman siya. Ngumiti ito sa kanya.

"Galingan mo. For sure masisiyahan ka kapag malaman mo kung sino 'yon," sabi nito.

"Sige, salamat," sabi naman niya.

"Maliit na bagay," sagot lang nito at ngumiti. "Pero kahit na ganoon siya, magaling 'yon. Kita tayo mamaya bago maghapunan."

Tumalikod na ito at nagpaalam. Kinawayan naman niya ito, pero kumunot naman ang noo ni Verdandi dahil pakiramdam niya double-meaning ang sinabi nito. Nagkibit-balikat na lang siya at umalis na rin.

Dahil marami pang oras bago ang itinakdang pagkikita nila ng bagong trainor niya ay naisipan niya na dumaan na muna sa greenhouses. Sa pahintulot na rin ng caretaker, pumitas siya ng palumpong ng mga ubas para dalhin kay Rummstein. Pagkatapos niyang magpasalamat ay dumiretso siya sa sakayan sa bandang southeastern part ng Academy, papunta sa Perean Town.

Gaya ng nakasanayan mahangin pa rin ang burol. Pinuntahan ni Verdandi ang puntod nina Rummstein at Syrius. Natawa naman siya nang makita ang mga sari-saring gamit na mukha yatang dinala ng mga kaibigan niya doon--kabilang na doon ang isang magazine na may litrato pa ng sexy na babae sa cover.

Inilapag niya sa harap ng mga puntod ang basket ng preskong ubas mula sa taniman ng kaibigan.

"Ang swerte naman nila at laging may bumibisita sa kanila."

Napalingon bigla si Verdandi nang marinig iyon. Sa tapat ay may isang nilulumot na puntod, at sa ibabaw ng lapida nito, ay may lalaking nakaupo. Nakayuko ito noong una ngunit nang lumingon siya ay itinaas nito ang mukha.

Suot nito ang isang simpleng puting long-sleeved robe na sinapawan ng itim na doublet, habang isang staff naman ang nakalapag sa tabi nito. May maitim itong buhok, irises na kulay itim rin, at kaunting bigotilyo. Binata pa ito, may itsura ngunit maputla, at tingin ni Verdandi ay kaedad lang ito ng Kuya Budong niya.

Tiningnan siya nito gamit ang puyat nitong mga mata na para bang hindi ito natulog ng maraming taon. Sa balikat nito ay nakapatong ang isang ibon at pinapakain nito iyon. Ngumiti ang lalaki sa kanya.

"Ah, mababait kasi silang tao kaya ganoon," sabi naman ni Verdandi. Hindi niya gustong kausapin ang taong ito. Para kasing may kakaiba rito. Maamo naman ang mukha nito. Kaya lang masyado yatang madilim ang aura nito. Tumindi pa ang pagkailang niya dahil bigla yatang lumamig ang hangin.

Napaakap naman siya sa braso nang wala sa sarili.

"Ayos ka lang ba, Miss? Nilalamig ka yata?" sabi naman nito. Pati ang boses nito ay walang kabuhay-buhay. Ngunit may ngiti itong hindi umabot sa mga mata nito.

"O-okay lang ako, b-bigla lang yatang--umambon," sabi naman niya na napansin ang biglang pagkapal ng ulap. Pero kanina lang okay pa naman ang panahon ah? takang tanong niya sa sarili. Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pakiramdam niya na may kakaiba sa taong ito. Tiningnan niya ulit ito. Bakit parang, nakita na niya ito dati? Hindi niya lang maalala kung saan.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon