[37] Of Kings and Queens

5.1K 272 53
                                    

Hi guys...! Maraming salamat po sa mga nagbabasa hanggang sa ngayon hehe... Salamat din ng marami sa mga taong nagshi-share at nagpo-promote ng story na ito, especially kina @chainedestiny na di ko mahanap ang username at busy rin ngayon at kay MaloraEvie at sa iba pa ng nag-add nito sa kanilang RL at sa mga bagong readers hehe...! Pasensya na kung matagal pa rin ang updates...busy pa rin po ako talaga. Pasensya na ulit. Isasali ko na 'to sa Wattys, bahala na haha...! Siya nga pala, soundtrack diyan sa taas pang themesong lang. Thanks po ulit at enjoy...!

EPISODE 37
Of Kings and Queens



Sa loob ng isang oras ay agad na kumalat sa malaking bahagi ng Academy ang pagkawala ni Verdandi. Ang balita lang na pinapahanap ito ni Kaizer King-Croix, at ng mga maharlika nitong mga kaklase ay sapat na para agad itong pag-usapan ng iba. Ang simpleng paghahanap ng mga taga-section I-137 sa kanilang mga nawawalang kaklase, na may sapat din namang dahilan nang dahil sa mga kababalaghan nitong nakaraan, at lumaki.



Naghahanap na rin ang iba pang estudyante dahil sa sari-saring dahilan: ang iba at gusting maki-pabor sa tagapamana ng Foirdoris, ang iba nama'y nakikisali lang. Iba-iba na rin ang usap-usapang nakakarating sa mga tao: mula sa pinakasimple hanggang sa pinakanakakatawa. Halimbawa, ayon sa iba, si King-Croix daw ay magbibigay ng malaking gantimpala sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Osiris at kung saan man nito dinala si Verdandi Fiametta. Ayon pa sa iba, halimaw daw si Osiris Grimmcaster na siyang kumukuha kina Enrico Romagna noon, at hinihigop daw nito ang mga psychus ng iba para mabuhay. Ang akusasyon na bampira ito ang pinakamabenta sa mga usyosero at mapamahiin. At ang mahanap ito ay magbibigay sa kanila ng rekognasyon na siyang nakahanap at nakapuksa sa halimaw na hanggang ngayon at pinaghahanap pa rin ng High Council.



May bali-balita ding kumakalat na may namamagitan daw sa kanila ni Grimmcaster at Fiametta, at tinanan na daw ng ito ng lalaki. At kaya daw ito pinapahanap ni King-Croix dahil galit at nagseselos daw ito, at may balak daw itong maging Queen si Fiametta. At ang bulung-bulungang ito ay agad namang sinupil ni Lamia Fray.



"Syempre, bilang isang marangal at maaalahaning kaklase at prinsipe, ay nag-aalala ito para sa kalagayan ni Fiametta," anito sa isang grupo ng mga babaeng nagtatatanong kung totoo ba ang tsismis ng love triangle. Ngumiti ito na parang nagpipigil. "At walang katotohanan ang mga bali-balitang iyan, dahil sa akin na nangako si Kaizer. Ako pa rin ang magiging Queen niya, kaya wala tayong dapat ipag-alala diba?"



Habang sa isang dako naman ng Academy, ay naghahanap din sina Azrielle at Hapi kung saang lupalop dinala ni Osiris si Verdandi. Naisip nila na suungin ang Haunted Forest para mapuntahan ang Forbidden Tower sa pagbabakasakaling naroroon sila. Pero dahil mahigpit na nakapwesto sa borders ang mga gwardyang inatasan ng Academy Admnistration ay nagmatyag na lang muna ang dalawa. Hindi pwedeng sabihin ni Azrielle sa mga ito ang sadya niya roon dahil sasabihan ng mga ito si Steravnosky at Fryggandor, na hindi pwedeng mangyari dahil mas lalong lalaki ang gulo.



"Bakit wala pa dito sina K-kai?" bulong ni Hapi sa likod ni Azrielle habang nag-eespiya sila sa mga gwardya. "K-kung sa Forbidden Tower dinala ni Grimmcaster si Verdandi, dapat nandito na sila. 'Yun ay kung totoo ang sinasabi ni Romagna."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon