[38.2] Thrones and Roses Part 2

4.3K 262 58
                                    

EPISODE 38.2
Thrones and Roses

Namutla siya. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Siya ang pinaghihinalaan nina Steravnosky at ng marami sa mga nangyayaring pag-atake sa mga estudyante. At naghihintay lang ng tamang pagkakataon si King-Croix para madiin nito si Grimmcaster," ani Azrielle sa nagmamadaling tono. Inayos nito ang pagkaka-bandage ng sugatan nitong binti.

"Anong motibo niya? Kung hindi mo pa alam, nasa ilalim ngayon ng sigalot ang Foirdoris at Wuntrwaste*--at isang maliit na pagkakamali na lang sa pagitan nila ay maaari itong magdulot ng isang malawakang digmaan. Bakit? Alam ng may mga matitinong pag-iisip ang interes ng pamilya ni King-Croix sa Wuntrwaste, at wala sa kanila ang may balak na unang magtaas ng armas. Kapag napatunayan ni King-Croix--o mas tamang sabihin, kapag naipamukha ni King-Croix sa mg professors at High Council--na may ginagawang krimen si Grimmcaster dito, maaaring mawalan ng tagapagmana ang Wuntrwaste. At mas mapapadali nila ang pag-salakay sa kalabang kaharian."

"H-hindi," aniya na nanghina bigla. "Paano 'yun magagawa ni Kai? G-ginagawa nga ni Osiris ang lahat para magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga kaharian nila tapos-- Ano bang dahilan ni Kai para gawin iyon?"

"Hindi ko alam," kibit-balikat na sabi ni Azrielle.

"Kapangyarihan," bulong ni Emi sa likod niya. "Di hamak na gagawin yata niya ang lahat para sa kapangyarihan. Tulad lang din siya ng kanyang ama."

"A-ano namang nangyari sa paa mo, Azri?" nag-aalalang tanong ni Hapi. Lumapit si Hapi dito at pinaupo nila si Azrielle. Kahit tumanggi ito noong una, ay pinilit ito nila na gamutin ang sugat.

"Ano bang nangyari doon sa opisina ni Professor Steravnosky?" tanong ni Dardy.

"'Y-yon na nga. Nang mawala si Verdandi, ay pinatawag niya ako. Malas lang natin at wala si Professor Alderheid, at tinambakan naman bigla ng ibang trabaho si Professor Ravisolli. Sa harap ko at ng iba pa ay ts-in-ek ni Professor Steravnosky ang detalye ng enrollement mo. Hinalungkat niya ang mga papeles mo para malaman kung anong ability mo."

Napasinghap silang lahat. "Ano?" ani Dardy. "Teka, so alam na ba ni Steravnosky na isa siyang--?"

"Hindi pa nga. Pero nakita niya doon ang detalye sa pambihirang amount ng psychus energy na meron sa katawan ni Verdandi. Ngumiti pa nga siya nang makita niya iyon, at mas doon siya naging kumbinsido sa iniisip niyang motibo ng pagdukot ni Grimmcaster sa'yo. Na maaaring plano ni Grimmcaster na makamit ang Godhead ng kanyang Patron Deity--"

"Godhead?"

"Ibig sabihin, mapukaw ng tuluyan ang patron deity na nasa loob ng isang vascillux at maging isang ganap na bathala," ani Azrielle. "'Yon ang hinala nila na kaya dinudukot ang mga Vascilluxes na malalakas at maraming ipong psychus energy ay dahil may kung sinong gustong mapasakamay iyon. At kung sino man 'yon, isa lang ang gusto niyang mangyari: ang maabot ang Godhead ng patron deity niya."

"Kung ganoon," ani Verdandi. "K-kung sakaling makuha ako ng kung sino man ang nilalang na iyon, maaari na niyang mahigop ang psychus energy mula sa akin?"

"Oo," ani Azrielle. "Isipin mo: walang laban ang lahat ng Vascillux na nandito sa Academy sa isang ganap na bathala. Ngayon naiintindihan mo na kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala namin nang mawala ka?"

"P-pasensya na," tahimik na sabi niya. "P-pero hindi nga si Osiris ang kumuha sa akin o ano! Niligtas niya nga lang ako mula kay Romagna!"

"Hu--what?" ani Dardy sa kanya. Alangang sinabi naman niya ang nagyari kanina sa mga nagulat na kaibigan.

"Alam ko," ani Azrielle.

"Paanong--?"

"Inamin na rin sa akin ni Romagna ang totoo nang magkita kami kanina. Kung hindi ko siya pinagbantaan, hindi magsasalita ang loko," ani Azrielle na nakangisi. "Dadalhin ko na sana siya kay Steravnosky para naman magtanda siya, pero di ko naman inasahan na aatakihin niya din ako. Kaya ako napuruhan ng kaunti. Blessing in disguise na rin ang sugat kasi, nagawa kong makaalis mula sa pagtatanong ni Steravnosky nang dumugo ito. Pero bago ako umalis doon, narinig ko na may nagreport sa kanya tungkol sa kababalaghang nangyayari sa mansyon. 'Yan ba ang costume mo?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon