[78] The Harrowing Truth

1.9K 125 53
                                    

Hi guys maraming salamat sa mga nagview at nagvote ng entry ko sa Webnovel. Thank you sa lahat! Tumaas 'yung reads, thank you! Magpopromote ulit ako ng bagong story doon. Pero this time first original story ko na sa Webnovel. Kung nagustuhan niyo dito ang Atlantis, Phantasmagoria, at My Classmate, tingin ko magugustuhan niyo rin 'yon. Ang title ng story ay That Wandering Cat is The Lost Exiled Demon King. Haba no? Haha ganoon kasi magtitle doon eh. Fantasy-romance po siya at set sa city na pinanggalingan nina Verdandi, Lotte, at Lyanna, so mag-aappear din doon siguro ang mga familiar na pangalan, kung nabasa niyo 'yung ibang stories ko. Thank you at sana mabasa niyo 'yon! And ito na. Talaga. Simula na ng kaguluhan sa Academy. Dapat noong Wednesday ang update kaya lang medyo matagal ako natapos. Brace yourselves, darkness is here. Thank you sa mga comments niyo last chapter! Music sa taas OP ng Gintama na kung may anime theme song na babagay sa Final Arc dito ganyan talaga ang theme. Pwede niyo iplay para mafeel niyo hahahahahaha... Thanks ulit and I hope you enjoy!

EPISODE 78
The Harrowing Truth

Sa buong pagkakataong ito ay ang lugar na matagal na nilang hinahanap ay nasa ilalim lang pala ng mga paa nila. Literal. Ang sikretong pinakatatago ng Academy sa loob ng daan-daang taon ay inilibing lang pala sa ilalim ng lupa at ngayo'y animo'y bumabangon mula sa hukay para lamunin ang lahat ng mga nasa ibabaw.

Lalong sumeryoso ang mukha ni Verdandi. Ngayon ay alam na nila kung saan at paano pupuntahan ang lugar na iyon.

"Verdandi!" tawag ng isang boses sa likuran niya. Nakarinig din siya ng mga yabag papunta sa kinaroroonan niya.

Lumingon siya at nakita niya ang hinihingal na si Dardy na lumalapit sa kanya. Kasunod nito sina Ghost Girl at Jareid na kapwa din humahangos dahil sa paghabol sa kanya. Para naman siyang nagising nang makita ang mga ito.

"Kayo pala," aniya. "Paano niyo ako nasundan dito?"

Tiningnan naman siya ni Dardy na napakunot-noo. "Ha, tumatambay kasi ako sa, ha," anito at isinandal ang isang kamay sa tuhod. "Greenhouse sa tapat nang makita kitang tumatakbo na parang, ha, sinasapian. Ano bang nangyari? May humabol ba sa'yo? Ba't bigla ka na lang tumakbo?"

Pati sina Ghost Girl at Jareid ay tiningnan siya na hinihintay ang magiging sagot. Hindi naman niya alam paano ipapaliwanag dito ang lahat, at hindi rin siya ganoon kakampante na sabihin ang nalalaman sa harap ng iba pang kaklase dahil hindi naman alam ng mga ito ang pinanggagawa nila. Ngunit tinitigan siyang matagal ni Jareid, at doon naalala ni Verdandi na kaya nga pala nitong makabasa ng utak.

Sandali siyang nagpanic na hindi alam ang gagawin. Hindi naman sa wala siyang tiwala dito pero syempre kailangan niyang magpakasiguro na lang. Ngunit biglang may mga dumating din sa rooftop na ikinabigla nila--at ikinatakot na rin.

"Anong ginagawa niyo dito?" sabi ng isa sa mga gwardya ng High Council. "Alam niyo naman siguro ang protocol, hindi ba? Walang magpupunta kung saan nang hindi aprubado ng mga authority."

Nasa likod nito ang ilan pang unipormadong gwardya. Nakatitig ang mga ito sa kanila na parang nagsususpetsa. Napalunok naman si Verdandi na natakot na baka pagalitan sila nito o parusahan na naman.

Subalit nagulat siya nang bigla siyang hablutin ni Dardy at yakapin.

"Uy, 'wag ka nang magalit o. 'Yung nakita mo kanina, hindi totoo 'yon," anito bigla at kinulong ang mukha niya sa mga palad nito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Verdandi at sinubukang tanggalin ang mga kamay nito ngunit mas lalo siyang naguluhan sa itsura nito. Para itong naiiyak na ewan. "Ikaw lang talaga, walang iba, pangako!"

Mas lalo namang tumalim ang tingin ng gwardya. Hawak nito ng mahigpit ang radyo nito. Winaksi naman ni Verdandi ang mga kamay ni Dardy.

"Anong problema mo--" anito ngunit hinihila siya nito kahit lumalayo siya. "Dardy, ano ba! Nakakasakal ka na--!"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon