[56] Mystery of the Forbidden Tower

3.8K 149 30
                                    

EPISODE 56
Mystery of the Forbidden Tower

Nang gumabi at matapos ang kanilang klase ay dumiretso sina Verdandi at Osiris papuntang library. Kita naman ni Verdandi noong lumabas sila ng classroom ang matamang pagtitig sa kanila ni Hapi. Nang tiningnan din niya ito at tinawag, ay magsasalita na sana ito ngunit nang tumingin si Osiris kay Hapi ay namutla ito at parang nabulunan, saka umatras at nagmamadaling umalis. Ngunit dahil sa kakatingin nito sa kanila, ay minsan itong natalisod at nadapa pa.

Kumunot naman ang noo ni Verdandi. Ano kayang meron kay Hapi?

Ilang araw na niya ding napapansin na mukhang ilag si Hapi sa kanila--o mas tamang sabihin, na ilag ito sa kanila ni Osiris. Minsan kapag napapag-isa siya ay lumalapit ito na para bang may gustong sabihin, pero kapag nakikita nitong lumalapit din si Osiris o nandoon lang ito sa malapit ay lumalayo ito. Sinasabing, wala naman daw itong gustong sabihin. Kinukumusta lang daw siya nito.

Naglakad sila papuntang library. Pagdating nila roon ay kakaunti lang ang tao dahil umuwi na rin ang ibang estudyante. Naghiwalay din sila ni Osiris sa paghahanap ng libro dahil may kailangan din daw itong tingnan.

Dumiretso siya sa shelves patungkol sa architecture at symbolism. Ini-scan niya ang mga libro na pwede niyang gamitin o pwede niyang mapagkunan ng impormasyon. Pagkatapos ay binaba niya ito at dinala sa kanyang mesa.

Pagdating doon ay nakita niya si Osiris na nagbabasa ng isang manipis na libro.

"Ano 'yan?" usisa niya.

"Masyado kang matanong," pabulong na sabi nito.

"Ano nga 'yan? Nagsusungit ka na naman eh," reklamo naman niya. Iniyuko niya ang sarili at sinilip ang cover ng binabasa nito. Nang makita niya ay natawa siya ng bahagya. "Atlantis Academy Handbook? Sa lahat ng pwede mong basahin, 'yan, 'yan talaga?"

"May tinitingnan lang ako," tugon nito.

"Ano, Academy hymn?" biro niya. Natawa siya sa sarili kahit aminado siyang siya lang ang natatawa doon. Ngunit nang makita ang seryosong mukha nito at sinilip niya ang pahinang tinititigan nito. Tiningnan niya ito na di makapaniwala. "Di nga?"

"Nakita mo, diba?" tahimik na sagot nito. Napairap na lang si Verdandi. Umaandar na naman ang kasungitan nito, pero mas lalong di niya maintindihan na sa dami ng interesanteng libro sa paligid, dumikit talaga ang atensyon nito sa academy hymn.

Umupo naman siya sa harap nito. Isa-isa niyang tiningnan ang mga librong dinala niya para makita kung nandoon ba ang hinahanap niya. Inuna niya ang isang libro na mistulang encyclopedia o diksyunaryo ng mga simbolo. Binuksan niya ang libro at hinanap ang unang topic na pumasok sa isip niya: spirals.

Nang mahanap niya ang pahina ay nagsimula siyang magbasa.

The Spiral is a sacred symbol that represents evolution, growth, release, connection with deities and cosmos, energy, and the revolution of time. It can be found throughout nature, in shells, hurricane, whirlpools...

Nagpatuloy sa pagbabasa si Verdandi. Kahit di niya alam kung ano ba talagang ginagawa niya at bakit interesado siya sa spirals nang dahil sa nakita niya iyon sa Forbidden Tower. Pagkatapos niyang magsulat ng mga notes tungkol sa spiral--na kadalasan ay mga interpretasyon nito batay sa kasaysayan at kultura ng mga tao--naghikab siya at nag-isip na baka mas maganda kung maghanap siya ng libro na tungkol sa Forbidden Tower mismo.

Tama naman si Osiris, sabi niya sa sarili na napakibit-balikat. Baka nga disenyo lang 'yong mga spiral doon. Napabuntong-hininga siya saka muling tumayo. Inisip lang naman niya na baka ang mga simbolong iyon ay may koneksyon sa dahilan ng pagkakatayo ng Forbidden Towers.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon