[80] The Ultimate Team No One Has Ever Imagined

1.8K 124 45
                                    

Hi guys! Maraming salamat sa pagbabasa pati na sa mga nakakatuwang comments niyo last chapter. Pasensya na kung di pa rin ako nakakapagreply pero masaya talaga ako at nagustuhan niyo, pati na rin sa mga messages at comments niyo sa iba ko pang mga gawa. Subukan kong makapag-UD ng mas madalas (subok lang hahahahahahaha) at replyan kayo isa-isa. Pwede niyo rin ako i-PM kung importante talaga. Music diyan sa taas pangbackground sa episode na ito. Note: Iba-iba po ang versions ng Twelve Olympians kaya ang pinagbabasehan ko so far ay ang kay Edith Hamilton na version. Tsaka for the sake of the story na rin, nagstick ako sa version na kasali sa twelve si Hades at Hestia although baka nabasa niyo sa ibang versions si Dionysus at Demeter ang kasali. Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 80
The Ultimate Team No One Has Ever Imagined

Nabigla sila sa sinabi nito kaya walang nagsalita sa kanila ni isa. Hanggang sa binasag ni Verdandi ang katahimikan.

"P-paano mo nalamang nakaligtas siya?" aniya.

"Sinabi sa akin ni Horace Gardmann," ani Azrielle. "Noong araw na inatake siya ng salarin sa opisina niya ay nagpanggap siyang natuluyan niya. At nang inakala noong taong 'yon na wala na siyang buhay ay saka naman pumuslit si Horace at dinala siya sa underground system."

"Wow," ani Rummstein naman. "Mas marami pang nagawa si Horace Gardmann kaysa sa atin. Sa kabila ng kalagayan niya."

"Hindi totoo 'yan, ang dami niyo ng nagawa. Ako nga ang halos walang naitulong eh," ani Azrielle. Ngumiti naman ito. "Kahit na anong mangyari, si Horace ang klase ng tao na dedicated sa trabaho at tungkuling sinumpaan niya."

"Kahit siguro naging multo siya ay gagawin niya pa rin ang lahat para resolbahin ang kaso ni Syrius," ani Dardy. "Kung ganoon, nasaan si Professor Steravnosky?"

"Bakit hindi kayo magkasama?" ani Verdandi naman.

"Kasi nagkahiwalay din sila. Ginagamot pa ni Horace si Steravnosky dahil malubha ang mga sugat nito pero noong malaman yata niya na ako na ang isusunod napilitan siyang iwan ito," ani Azrielle. "Kaso nga lang pagbalik niya ay wala na ito doon."

"Kung nakatakas siya nasaan na siya ngayon?" sagot ni Rummstein.

"Malamang nandoon pa rin sa underground system," ani Azrielle. "Kung alam niya man o hindi ano ng nangyayari sa Academy, hindi rin ako sigurado. Pero tingin ko makabubuting hanapin natin siya."

"Paano?" ani Rummstein. "Sa dami ng mga kalaban natin sa labas mahihirapan tayo kung sasagupain natin sila. Isa pa, kung ang underground system na tinutukoy mo ay kasinlawak ng Academy, paano natin siya mahahanap ng mabilis kung hindi natin kabisado ang mga nagpasikot-sikot na tunnels?"

Natahimik sila sandali, hanggang sa binasag ulit ni Verdandi ang katahimikan sa pagitan nila.

"Sige. Ano bang kailangan para mapabilis natin ang paghahanap sa kanya?" aniya.

"Kung may super seeing at hearing ability lang tayo kagaya ni Professor Steravnosky, siguradong makukuha natin siya," ani Azrielle. "Sa kasamaang palad nga siya lang ang may kakayahan na ganyan dito ngayon."

"Wala bang tao sa atin dito ang marunong gumamit ng clairvoyance?" ani Verdandi naman sa kanila. Marahang umiling ang iba pa. "Or at least may gamit ka ba sa collection mo na parang crystal ball or something, Azri?"

Napapalatak naman si Azrielle. "Huh. Kung meron lang sana," aniya. "Naalala ko tuloy may isang tao na gusto niyang ipusta sa'kin noon 'yung crystal ball niya. Sana pala tinanggap ko na lang. Di ko naman akalain na magagamit pala natin ngayon."

Ipiniling naman niya ang ulo sa direksyon ng kwarto kung nasaan si Lamia. "Eh siya?"

"Vascillux siya ni Hera kaya malamang hindi rin," ani Azrielle ulit. "Pero 'yung kaibigan niyang si Eurynne Myr--oy Verdandi, saan ka pupunta?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon