[85] The Face They Least Expected To See

1.5K 119 94
                                    

Hi guys! Maraming salamat sa pagbabasa at sa mga comments niyo na rin last episode pati na sa mga messages niyo. Una sa lahat, gusto kong humingi ng pasensya kung sakaling madisappoint kayo o malito kayo o may nakalimutan kayo. Kinakabahan ako actally na ipublish ang episode na ito. 😢😢😢 Hayaan niyo, sa next chapter ang sagot sa mga katanungan niyo. At dahil may iba sa inyo na nagtitiwala sa kanya hanggang sa huli, sana hindi niyo ako batuhin ng something. I did everything I could to make you see him that way, but I guess some people have seen this coming. About that other thing, may clues na ako na nilatag mula sa simula hanggang dulo pero napuno nt misdirection so di na ako nagtaka na walang nakahula talaga. Video sa taas pangsoundtrack para sa chapter na ito. Thanks again and hope you enjoy!

EPISODE 85
The Face They Least Expected To See

Bakit nila ginagawa 'to, ani Verdandi sa sarili. Nanginginig ng kaunti ang mga braso at kamay niya habang nakayakap sa leegan ni Osiris. Hindi niya ito magawang matingnan at halos ikulong na lang ang mukha niya sa dibdib nito sa takot na makita ang mukha niya.

Tumatakbo pa rin sila sa tulay na gawa sa pinagdugtong-dugtong na sanga papunta sa dulo ng level na 'yon. Doon ay walang halimaw na umaatake sa kanila. Lahat sila ay mukhang nasa baba--at maaaring nilalabanan lahat ni Azrielle na nagpaiwan doon.

Nilingon siya ni Osiris.

"Verdandi," sabi nito bigla. "Kanina ka pa hindi nagsasalita. May masama ka bang nararamdaman?"

At heto ang taong ito, 'yon pa talaga ang tinanong. Hindi niya agad ito sinagot. Nanatili lamang na nakatago ang mukha niya mula dito na pinipilit naman nitong silipin.

"Anong dahilan niyo bakit niyo ginagawa 'to?" tahimik na sabi niya nang hindi pa rin ito tinitingnan.

"Anong ibig mong sabihin?" sagot naman nito.

"Bakit niyo ginagawa ang lahat para mailigtas ako dito?" pagpapatuloy niya. "Bakit ako? Alam kong hindi ako kasinlakas kagaya niyo, pero hindi niyo naman kailangang isakripisyo ang buhay niyo para sa'kin. Kanina ko pa kayo lahat napapansin. Ginagawa lang 'to dahil--ginagawa ko lang 'to dahil--"

Nakagat niya ang labi at hindi na niya napigilang tumulo ang luha.

"Dahil parte rin naman ako ng Academy na ito. Kahit ano pa ako. May responsibilidad din ako na protektahan ito--pati kayo--" aniya. "Pero bakit ganito? Bakit sa lahat ng tao ako ang inilalayo niyo sa gulo? Ganoon ba talaga ako kahina?"

"Verdandi, hindi sa ganoon 'yon--" ani Osiris.

"Ayos lang naman sa akin na ituring na maging pinakamahina eh," sabi niya. Tuluyan na siyang humikbi. "Pero ang umabot kayo sa punto na isasakripisyo niyo ang buhay niyo para sakin, bakit kailangan niyong gawin 'yon? Bakit niyo kailangang sabihin ang mga bagay na 'yan--bakit lagi niyong sinasabi na gagawin niyo ang lahat para maitakas ang iba tapos kayo magpapaiwan dito?!"

Hindi naman ito nakasagot at inilayo lang ang tingin.

"Intindihin niyo naman ang sakit at takot na nararamdaman ng mga taong sinasabihan niyo ng ganyan," pagdadahilan naman niya. Nagmamadali niyang pinunasan ang luha niya. "Ano bang saysay kung makalabas ako dito kung wala kayo--ikaw--sa tabi ko na masaya at namumuhay lang ng normal? Kaya hindi ko maipapangako 'yung hiningi mo sa'kin."

"Verdandi--"

"Alam kong selfish ito dahil nagsasakripisyo kayo. Pero hindi ako ang klase ng tao na hahayaan na lang ang iba na gawin ang trabaho nila at tatayo na lang sa isang tabi," matigas na sabi niya. "Sa halip, iba ang gusto kong ipangako natin--lalabas tayo ng buhay dito. Ibabalik natin sa dati ang lahat. Wala tayong iiwanan."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon