[90] Spectre

2.1K 141 68
                                    

Hi guys! Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update, medyo busy lang at di ko pa masyado nagagawa ang mga susunod na chapters. Again thank you po talaga sa mga messages at comments niyo last episode. Mahuhulaan niyo ba bakit ito ang title ng episode na ito? Sa mga bagong readers salamat sa pagbabasa! Video sa taas pangbackground music lalo na sa last part. Thanks ulit and hope you enjoy!

EPISODE 90
Spectre

Puno pa rin ng pagsabog at kaguluhan ang paligid nang dahil na rin sa pagbabago-bago ng level na 'yon. Kahit na tumatakbo sila ni Kai papunta sa kinaroroonan ng iba pa ay hindi nila ito mahagilap. Nagsimula nang mag-alala si Verdandi kung nasaan na ang mga ito--lalo na si Osiris.

"Ayon sila," sabi naman ni Kai sa gilid niya. Nakita nga niyang sa isang gilid ay mukhang nagtatago sina Osiris, Rummstein, at Sebastien ngunit nasira ang lugar ng mga ito kaya muli na naman tumakbo ang mga ito.

"Osiris!" tawag ni Verdandi. Nilingon siya ng mga ito ngunit muling yumanig ang grounds at nabitak ang lupa. Muling nagsitakbuhan ang mga ito.

"Kumapit ka," ani Kai sa kanya saka siya hinapit sa may baywang. Nagpalabas naman ng pakpak ang lalaki at lumipad sila papunta sa kinaroroonan ng tatlo habang pilit na iniiwasan ang malalaking debris. Dahil naiilang siyang hawakan ito ay muntik siyang nahulog at napatili pa. "Humawak ka nga! Tatanga-tanga ka diyan mahuhulog ka di talaga kita pupulutin!"

Sa inis niya ay sinundot niya ang bibig nito at hinook 'yon. "Gago ka ba! Sabihin mo naman kung mag-aacrobat tayo sa ere--aaah--ano ba!" sigaw niya.

Halos manginig naman ang buong kalamnan ni Verdandi dahil muntikan na nga silang matamaan ng lumilipad na bloke ng bato, muntikan pang mawalan ng balanse ang engot na lalaking 'to na muntikan na rin nilang ikinahulog sa bangin.

Wala namang magawa si Verdandi kundi mapakapit sa cloak nito.

Iniwas naman nito ang ulo. "Sa damit ko lang, talaga?" hindi makapaniwala naman nitong sabi. Tiningnan naman niya ito na takot na takot dahil sa sitwasyon nilang dalawa ngayon. "Ba't di mo ako mahawakan? Anong tingin mo sa akin, tae?"

"Hindi, cactus," wala sa sariling sagot naman ni Verdandi. "Dami mong tinik sa mukha eh."

Napailing na lang si Kai. "Yawa," bulong nito. Tiningnan naman ito ni Verdandi na napakunot-noo. "Hindi, narinig ko lang 'yang salita na 'yan sa isang morgorborn dahil sinigawan niya ako ng ganoon dati. 'Cool' daw ang meaning niyon. Tsaka piercings 'yan, hindi tinik. Argh! Bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo?"

"Huh, malay ko," sabi na lang niya na iniwas ang tingin. Nagdive naman ito pababa kaya napatili na naman siya at hindi maiwasang mapakapit sa leeg nito. At nang makalapag ito sa lupa ay pabagsak siya nitong ibinaba.

Muntikan nang matumba si Verdandi sa impact. Iniwan siya nito roon at nagpatiuna na sa paglalakad. Asar niyang tiningnan si Kai at nangingiming pumulot ng bato para batuhin ang likod ng ulo nito.

"Ay, ang baboy-baboy, baboy talaga," anito naman saka inunat ang braso at kamay. "Ah, mas magaan pa ang sako ng harina. Aw, ang sakit, ang sakit-sakit."

"Durian," sabi naman niya. Hinabol niya ito at binangga. "Rambutan. Marang."

"Balyena, panda, grisly bear, penguin, walrus, elepante, griffin ni Morrigan," ganti naman nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama. "Taba, taba, taba. Ano, mas matalino pa ako sa'yo no?"

"Hedgehog!" sigaw naman niya sa mukha nito. "Porcupine! Sea urchin!"

Pinunasan naman nito ang mukha at dinuro siya. "Unfair. Tsaka bibig mo, water fountain,"  sabi naman nito saka iniwan siya doon. Bumaling ito sa gilid nito saka tumango. "Oy, andyan na pala kayo."

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon