[95] I Will Always

2.4K 130 56
                                    

Hi guys! Drumroll please... Last episode na tayo! Pero 'wag kayong mag-alala. May epilogue pa na medyo mahaba-haba so kalma. Okay so gaya dun sa last mabigat ang scene na ito na sa sobrang bigat humihingos ako habang nagsusulat for some reason hahahahahaha... Salamat sa mga comments at messages niyo noong nakaraan. Video sa taas pang music background, lilista siguro ng mga OSTs pagkatapos. Thanks ulit at hope you enjoy!

P.S.

'Wag niyo ako awayin dito.

EPISODE 95
I Will Always

"Rummstein?" untag niya sa kaibigan. Ngunit hindi na ito tuminag. Nanatili lang ito na nakadapa sa lupa subalit nakaharap ang mukha nito sa kanya--mukha itong pagod ngunit may maliit na ngiti sa labi nito. "Rummstein!"

Tumayo si Verdandi at tumakbo papunta sa kinaroroonan nito. Subalit natigilan siya nang isang higanteng firewall ang humarang sa dinaanan niya kaya agad siyang napaatras.

"'Wag mo siyang lalapitan!" tili ni Syberria mula sa kinaroroonan nito. Nakataas ang kamay nito habang lumalagaslas sa mukha nito ang luha at lumalabas pa rin mula sa katawan nito ang psychus energy. Katabi lang naman kasi ni Rummstein ang katawan ni Syrius na unti-unti nang naging abo.

Subalit gulat na napalingon si Verdandi nang makita niyang dahan-dahang tumatayo si Syrius at naglakad.

"Kuya!" tawag ni Syberria at tumakbo para salubungin ito.

Akala niya ay susugurin siya nito ngunit tiningnan lang siya ni Syrius na may maliit na ngiti sa labi. Pero may kakaiba sa ngiti nito. Hindi pagkukutya ang nakikita niya ngunit kalungkutan.

Tumigil naman si Syrius saglit at binalingan si Rummstein. Gamit ang nanginginig nitong kamay ay marahan nitong tinapik ang balikat ng kaibigan. Kinuha ni Syrius ang staff ni Rummstein na natapon sa malayo saka itinabi rito at pinahawak sa malamig nitong mga kamay.

Napanganga si Verdandi sa nakita. Sa di kalayuan ay patakbong pumasok si Sebastien sa loob para lang magulat sa naabutan, ngunit nabato rin ito sa kinatatayuan. Habang si Osiris naman ay unti-unti ring nagkamalay at dahan-dahang bumangon sa pagkakadapa nito, at iginala ang tingin sa paligid.

Parehong napako ang tingin nang dalawa sa nakadapang si Rummstein. Ngunit nalipat din ang tingin nito kay Syrius. Habang dahan-dahan itong naglalakad para salubungin si Syberria.

Nang makarating ito sa gitna ng throne room ay lalong tumindi ang pagkaabo ng katawan nito. Natitipak na ang balat nito at inililipad naman ng hangin ang abo na nagmumula dito. Hanggang sa nabasag din ang mala-lupa nang kaliwang paa nito kaya ito napaluhod sa sahig.

"Kuya!"

Tinakbo ni Syberria ang kapatid at inalalayan ito. Hinawakan nito si Syrius sa magkabilang balikat para tulungan itong makatayo ngunit dahil unti-unti nang nauupos at natitipak ang katawan nito na parang estatwa ay pareho na lang nakaupo sa sahig ang dalawa.

"Kuya!" sigaw ni Syberria na nagpalabas ng psychus para siguro pagalingin ito, subalit lahat ng nilalabas nito na kapangyarihan ay hinihigop lang ng cylindrical cell na pinanggalingan nito kanina. Humagulgol ito ng malakas. "Kuyaaa! 'Wag mo ulit akong iwan! Nangako ka na babalikan mo ako. Nangako ka na hindi mo na ako iiwan. Nangako ka na hindi na ulit tayo magkakalayo, ginawa ko ang lahat para mangyari iyon, kaya 'wag mo na ulit akong iwan pakiusap!"

Itinaas lang ni Syrius ang mukha nito at hinawakan ang pisngi ni Syberria. Tumigil naman sa kakahagulgol si Syberria ngunit dumadalyo pa rin mula sa mga mata nito ang luha. Saka ngumiti si Syrius at pinunasan ang luha niya.

Lumaki ang lamat at bitak sa katawan ni Syrius at mula roon ay may naglabasang liwanag. Napasigaw si Syberria na kinuha pa ang mga nabitak na bahagi ng kapatid at binalik ito sa katawan ng kapatid ngunit mas lalo lang itong naglalaho. Sa desperasyon ay niyakap ni Syberria ang kapatid at niyapos din siya nito, hanggang sa  itong sumabog at ang katawan nito na nagtipak-tipak ay naging abong nagkalat sa sahig.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon