[32.3] Dese Gretā Du Part 3

4.2K 228 25
                                    

EPISODE 32.3
Dese Gretā Du [Part 3]

Muli silang naglaban ni Azrielle. Pati na ang iba pang mga ka-team mates nila. Wala yata talagang may planong sumuko sa kanila, at walang may planong magpatalo.

Samantala, sa labas ay nagpupustahan na ang ibang estudyante kung sinong mananalo. May mga second years, third years at fourth years ang tumitigil sa kanilang ginagawa at tumatambay sa iba't-ibang bahagi ng academy. Pero doon sa isang tagong parte ng grounds malapit sa gymnasiums, ay may mga nagtitipong mga pasaway na estudyante para manood sa laban at, tumaya na rin sa pustahan.

Actually, pinagbabawal amg sugal sa loob ng eskwelahan, syempre. Kaya lang madalas kasi talaga ang pustahan kapag may nagaganap na labanan--either subject-related o hindi. Sa totoo lang, mukhang kaugalian na yata talaga na likas sa mga Atlantians ang tumaya. Libangan at tradisyon na nila, kumbaga. Pero kadalasan sa mga sumasali sa mga ito ay ang mga may-kayang estudyante.

Nagsimula ang pustahan sa simula pa lang simula ng games. Marami-rami din namang tumataya ngunit ginagawa nila 'yon ng pasikreto para di makita ng mga professors. Marami ang tumaya sa koponan nina Azrielle. Kahit pinakamababa man sa polls noong una, ay humabol naman ang koponan nina Verdandi. Ngayon ay mas dumadami na ang tumataya sa kanila kahit hindi pa naman sinasarado ang lahat ng slots na pwedeng tayaan. Halos lahat ng mga estudyante ay tumaya sa dalawa. Kaya lang, sino pa bang tataya sa ibang teams?

At ang pasimuno ng tayaan noong mga panahong 'yon, ay walang iba kundi isang third year, isang second year kasama ang mga kasabwat nitong sina Sean at Dardy. Ang dalawang huli ang nangangasiwa ng tayaan. Samantalang siyempre, kasali sa laro ang dalawa. Ngunit ang alam ng mga tao ay ang dalawang seniors lang ang nagpapatakbo nito.

Nagbubulungan na ang mga tao kung sino kaya ang mananalo at may prediksyon na ang halos bawat isa.

Pero isang professor na may magulo't mahabang buhok, hindi naka-shave na balbas, at may dalang bote ng gin na nakatago sa loob ng cloak na suot nito, ang lumapit sa third year na kasabwat nina Sean and Dardy. Tinapik nito ang balikat ng nagulat na estudyante.

"P-professor! Kayo pala. Akala ko kung sino na," sabi pa ng estudyante. Bumulong ito. "Open pa po kami. Last two minutes. Tataya po kayo?"

"Oo, pero," anito at may binulong pabalik sa estudyante. Napasinghap naman ang estudyante. The professor sniggered at tinapik ng malakas ang balikat ng estudyante. "Hah. Akala niyo ba maloloko niyo lahat, huh? Tsk. Mga pasaway. At nakahanap pa kayo ng bagong kakampi. Ano? Tama ako, diba? Panalo na ako, diba?"

Bigla namang pinawisan ang estudyante. "Oooh! A-ang talino niyo nga po--whoa! M-magkano po ba ang taya niyo, professor? Ha-ha!"

"Hah. Pasalamat ka bata wala akong pantaya ngayon," anito. Para namang nabunutan ng tinik ang third year. "Pero bilang bayad, pilitin niyong papuntahin ang pasaway na si Rummstein sa opisina ko sa lalong madaling panahon. O kundi, kay Steravnosky lahat ang bagsak niyong mga pasaway. Naintindihan? Sige."

At doon ay umalis na ang professor, at iniwan ang kabadong estudyante.

***

Habang sa loob naman ay nasa sukdulan na ang labanan sa loob ng gymansium. Nasa ere pa rin naglalabanan sina Azrielle at Verdandi, at sinisikap na mag-unahan sa pagkuha ng lahat ng ribbons. Habang sina Grimmcaster at Romagna ay hingal na hingal nang napaupo sa sahig.

"Sumuko ka na, Azrielle!" sigaw ni Verdandi. Nasa ere sila at pinipigilan ang kamay ng isa't-isa. "Sige na! Full scholarship ka naman eh!"

"Hindi pwede, Verdandi! Once in a leap year lang magpapa-promo ang Buffet restaurant kaya ibigay mo na sa akin!" sagot naman ni Azrielle. "Dinner for two naman eh! Isasama na lang kita!"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon