[53] Christmas Eve

4.5K 200 30
                                    

EPISODE 53
Christmas Eve

Dumating ang ikatlong linggo ng Disyembre at nalalapit na rin sa wakas ang araw ng Pasko. Naglalakad si Verdandi sa hallways na inaadornohan na ng mga dekorasyong pampasko--kabilang na ang mga mistletoe sa na nakasabit sa kisame. Pati ang Dining Halls nang sumilip siya ay sinisimulan nang tayuan ng mga Christmas tree.

Kasama niya si Sean sa paglalakad papunta sa kanilang classroom. Nangungulit ito na tumabi sa kanya sa paglalakad. Pero tumatanggi naman siyang sabayan ito dahil alam niya ang plano nito.

"Tumigil ka, o kukunin ko si Margot sa kabilang section at itatapat ko kayo sa ilalim ng mistletoe," babala niya dito na tinutukoy ang half-giantess na may gusto rito.

Pa-drama namang hinawakan ni Sean ang dibdib. "Why so harsh naman, Dandi! Wala naman akong gagawin sa'yo without your permission, y'know," anito

"Well," sabi naman niya at hinawakan ang braso nito. Ngumiti naman ng malapad si Sean. Pero diniinan din niya ang pagkakahawak. "I'll never give you permission y'know. Kaya maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo!"

Umalis siya at iniwan ito roon na tumatawa. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Minsan niya na itong sinabihan na maghanap na ng girlfriend para tumigil na sa pantitrip sa kanya. Ewan niya ba sa lalaking ito at siya ang laging nakikitang pagtripan.

Binisita naman nila si Azrielle sa infirmary. Pagkarating nila roon ay nagulat sila nang makitang nakaupo na ito sa kama nito at kumakain ng prutas.

"Azri, gising ka na," pabulong namang sabi ni Verdandi. Ngumiti ito sa kanila--isang ngiti na hindi nila nakita sa loob ng ilang linggo. "Azri!"

Tumakbo naman siya papunta sa kinaroroonan ng kaibigan at niyakap ito agad. Napaubo naman si Azrielle sa biglaan niyang pagyakap at natawa sa ginawa niya.

"Pinag-alala mo kami ng sobra, alam mo 'yun!" naluluha naman niyang sabi. Agad naman niyang pinunasan ang mata. Noong isang araw kasi habang binibisita niya ito ay sinabi sa kanya ni Professor Ravisolli na maaaring abutin pa ng isang buwan bago ito magising dahil sa lala ng pagkakasaksak nito. Ani pa ni Ravisolli, buti nga raw ay nabuhay pa ito sa sugat nito.

"Azri, parekoy," ani Sean naman at nakipag-apir dito. Tumawa naman si Azrielle. "Kumusta ka na?"

"Okay na ako. Ito lang naman si Professor Ravisolli ang ayaw eh," maktol naman ni Azrielle. Kumuha ito ng mansanas sa basket at kinagat iyon. Saka bumaling sa kanila ulit. "Eh si Caramel pala, kumusta na? Kumusta na ang sugat niya?"

"'Yung makulit mong griffin?" ani Verdandi naman. "Andun, kasama ang baby dragon ko. Pero kung alam nun na gising ka na, magpupumilit 'yon sa'kin na sumama."

Mula noong araw na sinugod si Azrielle sa infirmary ay hindi pa ito nagigising. Nakuha na rin niya mula sa kwartong pinagtaguan nito ng mga gamit niya--mula sa kanyang mga maleta, hanggang sa kanyang mga damit at pati na ang pocketwatch na iniwan sa kanya ng lolo niya. Naibalik na niyang lahat ng mga gamit niya sa kanilang silid.

Habang si Caramel naman ay di niya na muna pinapayagang mamasyal kung saan-saan at baka mapaano naman ito. Pinagalitan niya ito at nilagay sa isa pang basket kasama ang baby dragon. Di naman siya makapaniwala na mukhang nakakaintindi ito sa kanya at di nga umaalis sa silid nila. May pinagkakaabalahan naman ito, at iyon ay mukhang ang turuan ang baby dragon niya na lumipad. Magkasundong-magkasundo talaga ang dalawa. Halos nga di na niya mapaghiwalay ang mga ito. Minsan pa siyang pabirong kinagat ng baby dragon niya nang minsan niyang kunin si Caramel para paliguan dahil ang dumi-dumi na nito at nangangamoy na. Agad naman niyang tinabi ito sa baby dragon niya pagkatapos, at bumalik na sa paglalaro ang dalawa.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon