[89] What Really Happened That Night

2K 153 86
                                    

Hi guys! Salamat sa mga votes, comments, messages pati na rin sa paghihintay niyo lagi ng updates. Medyo may flashback po sa chapter na ito, at sa totoo lang kinakabahan ako sa magiging reaction ng mga tao haha. Dito niyo na malalaman ano talagang nangyari noong gabing 'yon at anong klase ng tao talaga ang isa sa kanila diyan. We're down to our last 5-6 chapters na! Sana subaybayan niyo hanggang sa huli. Video sa taas pangbackgound music, lalo na sa medyo middle to last na part. Thanks ulit at hope you enjoy!

EPISODE 89
What Really Happened That Night

"Kai!" tili ni Verdandi at agad na gumapang papunta sa hinulugan nito kahit na halos hindi siya makatayo. Nakita naman niyang nakahawak pa ang isang kamay nito sa lupa kahit na nakabitin na ang buong katawan nito sa baba. Bakas naman sa mukha nito ang hirap.

Inilahad naman niya ang kamay para tulungan itong makaakyat pabalik. Ngunit biglang yumanig at ang batong kinakapitan nito ay nabitak. Humiwalay ito sa lupa at sandaling nakabitaw si Kai.

Ngunit buti na lang ay nagawa itong hawakan ni Verdandi bago pa man ito tuluyang mahulog. Tumingin siya sa baba at nakita niya ang kalaliman niyon. Wala silang makita sa ilalim niyon kundi kadiliman.

Dahil mabigat ito ay ginamit niya ang dalawang kamay para matulungan ito, ngunit halos hindi niya pa rin ito maiusog. Sinikap naman nito na makakapit ang isang kamay sa lupa ngunit masyadong maalog ang paligid kaya nadudulas ang kamay nito.

"Argh--kumapit ka!" sigaw niya kahit pati siya ay nahihirapang mahila ito paitaas. Sandali silang nagkatinginan na para bang nagtataka kung bakit niya ginagawa iyon. "'Wag mo na akong tingnan--gawin mo ang lahat para mabuhay, ano ba!"

Pinilit naman hilahin ni Verdandi si Kai paitaas upang hindi ito tuluyang mahulog sa bangin sa baba. Napasigaw na siya at ginamit ang buong lakas. Narinig naman niya na nag-groan ito, saka isinaksak ang spear sa lupa, at ginamit 'yon para makatalon pabalik sa itaas.

Nang magawa nitong makatuntong ulit sa lupa ay hingal na hingal na napaupo si Verdandi sa harap nito. Ilang dipa mula sa kanya ay nakaupo si Kai na habol rin ang hininga at nakayuko.

Hinanap naman ng mata niya ang mga kasama.

"Bakit mo ako niligtas?"

Napabaling naman si Verdandi dito. Hindi pa rin siya nito tiningnan. Sinamaan naman niya ito ng tingin.

"Sa kabila ng ginawa ko sa'yo, bakit ka pa rin tumakbo para hilahin ako pabalik?" sabi ni Kai. Tiningnan siya nito. Ngunit ang usually malamig nitong mga mata ay napalitan ng lungkot. "Niligtas mo na lang sana ang sarili mo."
Tumayo naman si Verdandi at napailing.

"Anong tingin mo sa akin?" sabi ni Verdandi. Pinagpagan niya ang sarili. "Siguro nga may sama pa rin ako ng loob sa'yo, pero saka na natin pag-usapan ang hindi natin pagkakaunawaan. Hindi ko rin hahayaan na may mamatay na lang sa harap ko pagkatapos akong iligtas--tara na nga."

Dahil hindi pa rin ito tuminag ay hinila niya ito patayo. Nagulat naman ito pero hindi na lang niya iyon pinansin. Subalit may biglang nangyari nang hawakan niya ang kamay nito habang nakatingin siya sa mga mata nito.

Nahigit ni Verdandi ang kanyang hininga. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo na para bang hinihigop siya ng ipo-ipo at dinadala kung saan. Alam niya ang sensasyong ito--ganito iyong naramdaman niya noong araw na nagtraining sila ni Azrielle at bigla na lang--sa isang iglap--

Walang anu-ano'y naglaho si Kai sa harap niya, pati na ang paligid niya ay napalitan ng ibang tanawin. Sa isang iglap, wala na siya sa kastilyo ni Kastamerr. Wala na ang maze, wala na ang throne room, wala na ang level na puno ng malalaking bato at dinadaluyan ng lumalagablab na apoy.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon