[32.1] Dese Gretā Du Part 1

5.1K 269 28
                                    

Hello guys haha...! Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang sa ngayon, at pasensya na sa tagal ng UD hehe... Pasensya na rin kung di pa po ako nakakapagreply sa mga comments, ay messages pero binabasa ko po 'yun lahat. Salamat talaga. Votes and comments are highly appreciated pa rin po, hehe...at pati na rin theories. Hangga't may sumusuporta dito, hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo, hehe... Sana din hindi magulo ang mga explanation at narration ko sa game haha... Bukas ko po ipapalabas ang descriptions sa characters, sa mga magtatanong... Video po sa taas, Two Steps From Hell - Blackheart, pang soundtrack lang, haha... Thanks ulit at enjoy...!

EPISODE 32.1
Dese Gretā Du [Part 1]

Pagkatapos ng matinding katahimikan ay sunod-sunod naman ang mga reklamong pinukol ng mga kaklase niya tungkol sa groupings.

"P-pero Professor--" mahinang bulong ni Verdandi.

"But I don't want to be team mates with them!" ani Bridgit naman. "For sure matatalo lang kami pag ang dalawang 'yon ang team mates ko."

"Para po sa kapayapaan ng buong Atlantis, pwede po bang mag-iba na lang ng ka-grupo?" ani Sean naman.

"Professor Ruvia, draw lots na lang please? Basta lang iba ang ka-team mates namin."

"Ano ba kasing ginagawa ko dito?!" sabi naman ng lalaking third year na pinasali lang ni Ruvia.

"I'd rather go out. Tch. Ang taas pa naman ng expectations ko sa subject na ito. I'm disappointed," dinig ni Verdandi na sabi ni Kai at nagsimula na itong magmartsa palabas.

Natahimik naman ang buong klase at gulat nilang sinundan si Kai. Si Verdandi naman ay napatingin sa kanilang guro na si Ruvia. Ano kayang gagawin nito ngayon?

Kalmado lang si Ruvia at may ngiti pa ring sinundan ang papalabas na si Kai. Parang wala itong balak na pigilan si Kai sa paglalayas nito, kahit nakakabastos na ito kung tutuusin. Pero nang makarating si Kai sa pinto at binuksan 'yon, nagulat silang lahat nang isang malakas na ihip ng hangin ang pumasok sa loob ng pinto.

"Anong--?!" gulantang na sabi ni Kai at agas na sinara ang pinto bago pa siya mahigop ng alimpuyo ng hangin. Nilingon niya si Ruvia na galit. "Anong ginawa mo? Saan mo kami dinala?!"

Napasinghap naman ang iba pa nilang kaklase, pati na si Verdandi. Anong nangyayari sa labas? At simulation lang ba talaga itong damuhan na nakikita nila sa loob, o talagang dinala sila sa ibang lugar nito?

Kung tama ang hula ni Verdandi, may kaugnayan sa pagkontrol ng dimensions ang kapangyarihan ni Ruvia. Ebidensya na ng kakayahan nito ang pagsummon kay Rummstein mula sa kung saan.

"Uh-uh," ani Ruvia na winagayway sa ere ang hintuturo. Tumayo ito sa harap nila. "We're still in the same room, don't worry. But the grounds, the grass around you, are all parts of the simulation. Ang malakas na hangin naman sa labas ay isang uri ng barrier lang. From what I've heard, newest addition ito sa training gymnasium niyo. Para kung sakaling may mag-training man ay walang makadistorbo at walang lalabas hangga't di pa natatapos ang klase. Isn't it great?"

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon