[22] The Two Towers

5.1K 222 107
                                    

Makakapasok na tayo sa POV ng ibang major characters at hindi lang kay Verdandi. Okay, 'yun lang hehe. May flashback din po pala sa chapter na ito. Enjoy! At salamat ulit sa pagbabasa hanggang sa ngayon. Ang nasa taas ay ang Haunted Forest.

EPISODE 22
The Two Towers

Lampas alas-nuwebe na ng gabi.

Pero nararamdaman pa rin ni Azrielle ang mga psychus energy ng mga nagkalat sa Academy. Sa katunayan, pinakamarami pa nga sa may greenhouse at sa kakahuyan. Di naman maiwasang naisip ni Azrielle na baka  alam na ng mga professors (lalo na sa bagong Academy Overseer na si Professors Fryggandor na wala siyang tiwala) ang nangyari.

Lagot na talaga kapag nangyari 'yon.

Sa kabilang banda ay di pa sila pwedeng lumabas ni Verdandi. Wala siyang ibang alam na paraan para makapunta sa kabilang Forbidden Tower. Kaya ang pinakamabuting gawin ay maghintay na muna ng tamang pagkakataon, kahit ayaw niya.

"Ito kasing toreng ito ang pamilyar sa amin kaya akala ko nandito siya," aniya na pinagpatuloy ang pagkukuwento kay Verdandi. Nakikinig pa rin ito mula sa kinauupuan nitong bangko. Siya naman ay nasa may bintana at nakatanaw sa labas.

"Nasa huling taon na kami ng Secondary School noon. Kaibigan na namin mula pagkabata sina Sean at Dardy, pero si Emi ay kakakilala pa lang namin. Magkakaklase na kaming lima noon, pero taga-ibang section naman sina Kai. Hindi pa kami magkakakilala, pero alam namin ang tungkol sa kanila. Sikat sila sa Secondary Division dahil sa malalakas nilang psychus at mga pamilya.

"Nagsimula ang gulo nang pinagawa kami ng kanya-kanyang project. 'Yong project na 'yun, ang magiging final ticket namin para makagraduate at makapunta sa Tertiary Division. Ang may mga pinakamagagandang project ay makakuha ng matataas na grades, at sila ang magiging Top Honors ng batch namin.

"Syempre, nagpagalingan ang lahat. Ginamitan nila ng sariling psychus ang mga projects nila. Halimbawa, si Sean ay gumawa ng isang simulation glasses na kapag sinuot mo 'yon ay mapapasailalim ka sa ilusyon. Ang totoo niyan, ginawa niya 'yon para gamitin sa mga pranks nila ni Dardy. Pinasuot pa nga nila 'yon kay Hapi at di tinanggal ng ilang araw.

"Naging abala ang lahat sa paggawa ng kanya-kanyang projects. Pagkatapos ng tatlong buwan, ay ipiprisinta namin ang project sa judging panel ng mga teachers.

"Mga ilang linggo bago ang final presentation, usap-usapan na kung sinu-sino ang mga projects na may malalakas ang laban. Marami ding nag-abang sa 'joint' project nina Sean at Dardy, kasi na-curious sila sa kung ano na namang kalokohan ang gagawin ng dalawa. Malakas din ang usap-usapan na si Kai ang may 'break-through' project na siguradong pag-iintresan 'yon ng High Council at baka bilhin pa sa malaking halaga. Kahit ganoon si Kai, ay matalino siya. Hindi ko alam exactly kung anong project ni Kai, ngunit minsan ay nakita ko siyang kinakalikot ang isang puppet o mukhang maliit na estatwa. Pinagmamayabang pa nga niya 'yon sa barkada niya, pero di niya sinabi kung para saan 'yon.

"Samantala, si Hapi naman ay halos di na namin makita noong mga panahong 'yon dahil abala sa paggawa ng project niya. Kahit kulitin namin siya na ipakita ang project niya, ayaw pa rin niya. Dahil running for top honirs siya noon ay di na rin naman namin siya pinilit.

"Hanggang sa isang araw, pinakita na niya sa amin ang project niya. At sulit din naman ang pagkukulong niya sa workshop dahil ang galing nga talaga ng proyekto niya--na sa sobrang galing, ay napag-interesan ito ni Kai.

"Pinakita niya sa'min ang isang metallic staff, at pinaliwanag niyang isang armas 'yon na pwedeng magpapalit-palit ng anyo depende sa psychus at purpose ng wielder nito. In short, gumawa siya ng isang all-in-one na sandata.

Atlantis Academy of Gods and Goddesses (UNDER HEAVY CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon